21

495 10 2
                                    

--

--






Wala kaming ibang ginawa kinabukasan kundi maghanda at magbonding ulit sa plasa. Maghanda, para bukas sa swimming namin. Sabado na kasi bukas. Si Lola din ay naghahanda na ng mga damit na dadalhin niya para aalis nalang.

Gano'n pa rin naman ang mga ganap. Kainan, kwentuhan, pasyal, marami pa rin kaming ginawa at mukhang hindi sila nagsasawa. Mukhang mabibitin pa nga sila sa isang linggong bakasyon na 'yon.

Leon:

I can't sleep.

Solana:

Oh? Anong gagawin ko? Patulugin kita?

Leon:

Pwede.

Umirap ako sa kapilyuhan ng sagot niya.

Solana:

Pumikit ka lang tapos makakatulog ka na.

Leon:

I'm outside. Will you join me here?

Kinagat ko ang labi ko. Gabi na at maaga pa kami bukas para sa swimming. Overnight kami roon at uuwi ng hapon sa bahay para kunin na ang mga gamit nila at uuwi na sila sa Manila. Para gabi na makakarating sa kanya kanya nilang bahay, deretso tulog na.

I sighed. Maaga pa kami bukas pero maaga pa rin naman ngayon. Kahit papaano gusto ko ring lumabas para magpalamig sandali.

Marahan akong lumabas ng kwarto namin ni Lola dahil tulog na siya, ayaw kong magising siya. Tsaka ako bumaba para samahan si Leon sa terrace.

Tahimik na sa buong bahay. Medyo madilim na rin. Terrace lang ulit ang may ilaw at nakita ko agad si Leon na nakaupo sa mahabang upuan doon.

"Patutulugin ba kita?" bungad ko.

He chuckled and looked at me. Nakasuot siya ng black hoodie jacket at pajama. Magulo ang kanyang buhok, siguro kababangon niya lang sa higaan nila. His earrings sparkled as he moved.

Tinapik niya ang tabi niya, gusto akong umupo roon. Nakasuot lang din ako ng pajama at white t-shirt. I slowly sat beside him.

"Maaga pa tayo bukas. Bakit hindi ka pa matulog?" tanong ko.

"Hindi ako makatulog."

"Edi pilitin mo," tumawa ako.

Hindi siya nagsalita. Umusog pa siya papunta sa akin, kinakain ang kaunting espasyo sa gitna naming dalawa. He then snaked his arms around mine and slowly put his head on my shoulder.

Hindi ako nakagalaw. Ang malakas na tibok ng puso ko ay mas lalo pang lumakas ngayon. I can smell his manly scent. Pamilyar na amoy niya na kilalang kilala ko na. I tried to look at him but I only saw his messy hair.

"Now I'm sleepy..." he whispered.

Nangiti ako at napairap. "Ako naman ang hindi makakatulog."

I heard his smile. Para siyang nasa payapa dahil lang sumandal siya sa balikat ko. Hindi ako makapaniwalang hinahayaan ko siyang maging ganito sa akin.

Huminga ako nang malalim at tiningala ang kalangitan na maraming bituin. Malamig ang simoy ng hangin pero hindi naman ako nilalamig. Sanay na akong laging malamig dito. Napapaligiran kasi ng mga puno at bukirin kaya natural lang na malamig.

Muli kong nilingon si Leon na payapang nakapikit. Iyon lang ang tangi kong natatanaw mula rito, ang mga mata niyang maamo kapag nakapikit, parang hindi siya masamang damo.

Ngumisi ako at nanatiling hindi gumagalaw. Hindi ko akalaing pwede pala akong maging payapa kapag siya ang kasama ko. Akala ko lagi lang kaming mag aaway tuwing magkasama. Pwede rin palang... ganito lang... tahimik at... masaya.

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon