--
--
"T-Teka lang naman!" sabi ko nang makabawi sa lahat lahat!
Ano raw!? Hihingin niya na ang kamay ko sa Lola ko!? Shit! Totoo ba 'to? Sandali lang naman!
"I'm serious, Solana..." Leon said.
"N-Natikman mo lang ang luto ko, gusto mo na agad ako pakasalan!?"
He smirked. Nanatiling namumungay ang kanyang mga mata habang tinititigan ang buong mukha ko.
"Hindi ba pwede 'yon?" tanong niya.
"H-Hindi! I-I mean... p-pwede naman... p-pero..."
He chuckled slightly. Uminit ang pisngi ko.
"A-Ang bilis mo lang masyado! K-Kasal agad? Ni hindi ka pa nga n-nanliligaw..."
Ngumiti siya at mas lalo pa akong tinitigan.
"Pwede ba akong manligaw, kung gano'n?"
Ngumuso ako at hindi nakasagot. Bumagsak ang mga mata ko sa aking mga kamay.
He chuckled. Nag angat ako ng tingin sa kanya at matalim siyang tinitigan.
"Papayagan mo ba akong manligaw ulit, Solana?" bulong niya at may ngiti sa labi.
Bumagsak ulit ang mga mata ko sa aking kamay.
"Oo..." maliit ang boses kong sagot.
He chuckled again. Mukhang tuwang tuwa siya sa nangyayari, ah!
"Then, kailan mo ako sasagutin?" yumuko siya para mahanap ang mga mata ko.
Hindi ko siya hinayaan. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko siya kakayanin. I can see his smile at mas lalo lang akong nahihiya roon.
His nose found my cheek and he slowly rubbed it there. Kumabog ang dibdib ko.
"Sagutin mo na ako, Solana..."
He kissed my cheek gently at napapikit ako. Bumaba pa ang kanyang labi hanggang sa nasa gilid na 'yon ng labi ko.
"Be my girlfriend now, please..."
Dumilat ako at tumingin sa kanyang labing malapit na sa akin. Kinagat ko ang labi ko, anticipating the kiss so much. Pero hindi niya 'yon binigay. Gilid lang ng labi ko ang hinalikan niya at hindi ko alam kung bakit... bitin na bitin ako roon.
Nagkatinginan kaming dalawa. Kitang kita ko ang pinipigilan niyang ngiti sa kanyang labi. Para bang alam niya ang iniisip ko kaya matalim ko siyang tinitigan.
"I won't give you a kiss unless... you are my girlfriend."
Ang galing din talaga ng isang 'to!
Mas lalo ko siyang tinignan ng masama pero wala akong masabi! Hiyang hiya ako na alam niyang naghihintay ako sa halik niya! Bakit alam niya agad!?
Tinignan ko ang labi niya at kinagat ko ang akin. Kahit kabadong kabado, hiyang hiya, at parang gusto nalang magpakain sa lupa, tumingkayad ako at binigyan siya ng isang halik sa labi.
Alam kong natigilan siya. Bago pa siya makapag salita ay inunahan ko na siya.
"I'm sorry..." mahina kong sinabi.
Hindi siya nakapag salita. Tinitigan niya ako.
"Kasalanan mo pero alam kong nasaktan ka rin. So I'm sorry..." yumuko ako at pinaglaruan ang aking mga kamay.
Agad niya namang inangat ang baba ko at hinanap ang aking mga mata. Pinagbigyan ko siya. I watched his beautiful eyes look at mine.
"You don't have to say sorry. It was all my fault, Solana..."
BINABASA MO ANG
Sun (Sky Series #1)
Romance[COMPLETED] Solana Vanessa Ramos has a huge crush on this guy. Sa wakas, pagkatapos ng ilang taong pagtitimpi ay nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob para lapitan ito at ibigay ang isang love letter na ginawa niya. Ngunit may biglang manggugulo sa...