45

854 7 0
                                    

--

--






"Si Sol!"

"Ate Sol!"

"Naku! Solana!"

Inalalayan ako ni Leon pababa sa kotse at ngumiti sa mga sumalubong sa akin. Nakita ko si Ate Jolie at ang anak niyang si Johnjohn kaya mas lalo akong ngumiti.

"Johnjohn!"

"Ate Sol!" tumakbo siya sa akin at niyakap ang baywang ko.

Tumawa ako at ginulo ang buhok niya. He's nine and he grew up so well. Lagi siyang nasa bahay dahil mahilig sa bata si Lola at gustong gustong inaalagaan si Johnjohn.

"Pasok na kayo, Sol. Nagluluto ang Lola sa loob," si Ate Jolie kaya ngumiti ako at tumango.

Niyaya ko si Leon sa loob ng bahay. Naghubad kami ng sapatos at binigyan ko siya ng pambahat na gaya ng sa akin. I saw him looking around our terrace. Hindi pa kami nakakapasok sa loob.

"It's been a while..." he said.

Ngumiti ako at pumasok na kami sa loob. Nakita ko agad si Lola sa may kusina na nagluluto. Amoy na amoy ang pininyahang manok na niluluto niya! Sinilip ko siya roon at nakita ko siyang abalang abala sa pag aayos.

"La!"

Malaki agad ang naging ngiti niya at sinalubong ako ng yakap.

"Sol! Naku! Sakto at maluluto na ito."

I hugged her back and smiled.

"Ang bango!"

"Aba'y syempre! Paborito mo," ngiti niya at bumaling sa likod ko.

Siguro'y nakita niya roon si Leon na sumunod sa akin. Naramdaman ko rin siya sa likod ko kaya bahagya akong lumayo kay Lola at nilingon si Leon.

"La, si Leon po. Uh, boyfriend ko po," sabi ko.

Marahang ngumiti si Lola. "Aba, ang laki na ng batang ito."

Ngumisi si Leon at nagmano kay Lola. "Nice to see you again, Madame."

Natawa si Lola sa bola ni Leon. Umirap ako pero nangingiti.

"Naku! Hindi ka pa rin nagbabago! Sinasabi ko na nga ba't mangyayari ito! Botong boto ako sayo noon, hijo!"

"La!" pigil ko.

Tumawa si Leon, gustong gusto ang narinig mula kay Lola.

"Noon lang, La?" si Leon.

"Aba'y syempre hanggang ngayon!" tuwang tuwang sinabi ni Lola.

Napailing ako. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya. Naku!

Nasa hapag na kami at manananghalian. Tinutulungan ko si Lola mag hain ng mga plato't pagkain. Nakapag bihis na ako habang si Leon ay ngayon palang magbibihis dahil naging abala sa pakikipag kwentuhan kay Lola kanina.

Nakasuot lang ako ngayon ng pambahay. Blue t-shirt at maong shorts. Nilugay ko lang din ang buhok ko.

Nakangiti si Lola nang maupo na kami sa hapag. Kanina pa ako takam na takam tikman ang niluto niya pero dahil nandito si Leon ay pinilit kong ayusin ang sarili ko at magpaka modest muna kahit ngayon lang!

Leon's wearing a white t-shirt and shorts. Hindi ko inasahan na sobrang simple lang din ng susuotin niya. Feel at home na feel at home siya, ah?

"Kumain na tayo," si Lola habang may napaka ganda pa ring ngiti sa labi.

"Ngayon ko lang nalaman na ito pala ang paborito mong pagkain, Sol," si Leon habang pinagsasandok ako ng kanin.

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Lola. "Marami ka pang malalaman, hijo."

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon