30

553 5 0
                                    

--

--






Pasulyap sulyap ako kay Leon habang naglalakad kami sa tahimik na daan. Iilang sasakyan lang ang dumadaan sa paligid at kaunti nalang din ang tao.

Kanina ko pa talaga napapansin ang katahimikan niya kaya hindi ko na napigilang magsalita para naman gumaan ang atmosphere.

"Bakit hindi ka pa kumakain? Gabi na, ah?" tanong ko.

He smirked and looked at me. "Syempre gusto kitang sabayan."

Inirapan ko siya. He chuckled slightly but the air immediately fell silent. Hindi niya na dinugtungan 'yon. Hindi na rin ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa karinderya na sinasabi ko.

Dito ako laging kumakain pagkatapos ng trabaho ko. Mura lang kasi dito. Wala rin naman akong time magluto sa apartment ko kasi inuubos ko sa paggawa ng mga assignments. Tapos papasok agad ako sa trabaho.

May mga table sila sa labas kaya doon kami umupo. Mainit kasi kapag sa loob. Dito mahangin at saktong kaunti lang din ang tao.

"Kare-kare. Alam mo 'to?" tanong ko kay Leon sabay turo sa ulam ko.

He shook his head.

"Hindi ka pa nakaka kain nito?"

"I don't know."

"Huh?" kumunot ang noo ko.

Natawa siya nang kaunti. "Mahilig magluto ang Mama ko ng Filipino foods noon kaya baka nakakain na ako niyan pero hindi ko na matandaan."

Naitikom ko ang bibig ko roon at marahang tumango. Naalala kong sinabi niya nga palang wala na ang Mama niya. Gusto kong pagaanin ang loob niya ngayon dahil mukhang malungkot siya pero mas lalo ko pa yata siyang pinalungkot!

Ngumuso ako habang tinititigan siya. Nilaga na naman ang kinakain niya ngayon. Favorite niya yata 'yon.

"Ito lang ang naaalala kong niluto niya para sa akin..." anya habang nakatingin sa pagkain niya.

Napatingin ako sa nilaga. Hindi niya lang pala 'yon basta favorite!

"Pero wala pa ring tatalo sa luto niya," he looked at me and smiled.

"Wala ka nang ibang natatandaang niluto niya para sayo bukod diyan sa nilagang baboy?"

Umiling siya. "Ito lang. Hindi pa kalasa," bahagya siyang humalakhak.

"Hmm, maraming karinderya rito. Kainan natin lahat, gusto mo? Tikman mo bawat nilaga nila, baka may kalasa ng luto ng Mama mo," biro ko at tumawa.

He smiled too. "Sasamahan mo 'ko?"

"Oo naman!"

He smirked and nodded. Natahimik na naman kami. He continued eating while I remained looking at him. Ngayon alam ko nang may mali talaga sa kanya.

Tumingin ako sa pagkain ko at magpapatuloy nalang din sana sa pagkain pero bumalik din ang tingin ko sa kanya para lang bumuntong hininga.

"May problema ba?" hindi ko na napigilang itanong.

Kanina pa siya tahimik. Dati naman kapag magkasama kami lagi niya akong inaasar. Pero bakit tahimik ngayon? Bakit hindi niya ako binubwisit ngayon?

Nababagabag ako kapag may bumabagabag sa kanya.

He looked at me. Ilang sandali kaming nagtitigan. Hinihintay ko ang sagot niya habang marahan naman siyang ngumiti, hindi sumagot.

"Anong problema?" marahan kong tanong.

Umiling siya at ngumisi. "Sa bahay lang."

Anong problema sa bahay? Gusto kong itanong pero ayoko namang mang himasok. Ayaw kong pilitin siyang sabihin sa akin ang problema niya.

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon