3

518 8 1
                                    

--

--



Pagkatapos gupitin ang kulay pulang puso ay dinikit ko 'yon sa ding ding ng classroom namin. Kinikilig si Kyla sa tabi ko at kinukwento kung paano siya pumayag na sa crush niya na maka date ito sa valantines day.

"Talagang pinanindigan mo ang pagpapa cute mo, ah. Ngayon ka lang pumayag," sabi ko.

"Syempre! Ganyan dapat ang isang babae, Sol. Hard to get!"

Umikot ang mga mata ko sa sinabi niya. Nagdikit pa ako ng iba't ibang mga puso sa ding ding habang siya ay kumakain lang ng lollipop sa tabi ko at walang tulong.

"Bakit? Kapag ba si Ivan niyaya ka, papayag ka agad?" tanong niya.

Nag isip ako sandali. "Mmm, hindi ko alam."

"Wala manlang 'pag iisipan ko muna-effect?'"

Inirapan ko siya. "Syempre crush ko 'yon, baka pumayag agad ako. Kung yayayain niya lang naman ako."

"Easy to get ka!" hinampas niya ako.

"Hindi sabi! Minsan lang 'yon, no! Kaya bakit ko pa patatagalin? Baka maging bato pa."

Lumapit sa amin ang tatlo naming kaklase habang nag uusap kami roon. May hawak na camera 'yong isa at 'yong dalawa naman ay binigyan kami ng headband. Sinuot nila sa amin 'yon nang walang paalam! Kulay pula 'yon at tenga ng pusa ang design.

"Picture kayo, Sol, Ky! Smile!" tinapat agad nila sa amin ang camera.

Wala akong nagawa kundi ngumiti at mag peace sign. Gano'n din ang ginawa ni Kyla at kung ano ano pang pose ang ginawa. Ngumiti kami pareho nang matapos at tinignan ang mga pictures namin sa camera. Maganda ang mga kuha nila at siguradong ipapaskil nila 'yon sa gagawin nilang malaking board na ilalagay sa pinaka likod ng classroom namin. Mga pictures naming lahat 'yon!

Hindi na nila binawi ang headband sa amin. Nagpapamigay din pala sila! Cute!

"Graham?" suggest ko sa gustong gawing food booth ni Kyla para sa valentines.

"Good idea! And... juice nalang, no, for inumin?" nagsusulat siya sa papel.

Tumango ako. Ang iba rin naming kaibigan ay may kanya kanyang booth. Sumama nalang ako kay Kyla para naman may ambag ako kahit papaano, kahit alam kong dagdag gastos lang 'yon para sa akin. Plus grade kasi 'to e kaya g na!

"I told you sagot ko na lahat. Ayaw mo naman!" ani Kyla.

Umiling lang ako at ngumisi sa kanya. May mga inaasikaso siya kaya naiwan muna ako sa kalagitnaan ng malaking field ng school, nakaupo sa sementong table at upuan. Babalik din naman agad si Kyla kaya naghintay nalang ako roon. Ayaw ko sa classroom dahil mauutusan na naman ako do'n. Pagpapawisan na naman ako!

"Sige na! Pwede namang hindi kaklase dito. Basta lang may isa kang kasama na kaklase namin!" narinig ko ang mga pamilyar na boses ng kaklase ko sa kung saan.

Napalingon ako sa likuran ko at nakita 'yong tatlong nag picture sa amin ni Kyla kanina. 'Yong namimigay ng headband. Suot ko pa rin hanggang ngayon ang headband dahil nacucutan ako.

"Girls, pwede naman kayong magpa picture nalang sa akin. Huwag na kayong mahiya," halos umikot ang mga mata ko nang narinig ang boses ni Leon. Siya pala itong pinipilit ng mga kaklase kong mag picture.

"Pero kailangan mo 'tong suotin. Ito ang signature ng section namin!" pilit no'ng may hawak ng camera habang inaabot kay Leon ang isang kulay pulang headband na gaya ng sa akin.

"Hindi niyo naman ako kaklase. I don't need that. Let's just take a picture and I'll give you a hug. Basta hindi ko susuotin 'yan."

Ngumisi ako sa sinabi niya. Bakit ayaw niyang suotin? Kasi sobrang cute at hindi bagay sa kanya? Sabagay. Kahit ako ay hindi ko ma-imagine na magsusuot ng ganyan ang nag iisang Leon Montenegro. He's such a badboy for that.

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon