SIMULA

2.2K 20 0
                                    

This story is all fiction and came only from the author's brain. If anything happened in this story that also happened in real life is just a coincidence. The author has her own work and has never copied the works of others. This story is all came from my brain, my heart and my soul. Names, places and events are made solely by the author.

--

--






"Sol! May chika ako sayo!" umupo sa tabi ko si Kyla habang nagsusulat ako ng letter sa papel ko.

Tinakpan ko ang ballpen ko at kinuha ang mga color pen na nakahanda na sa harapan ko. Namili nalang ako ng kulay at nagsimula nang mag design.

"Edi sana pumayag ka na," sabi ko sa kwento ni Kyla na niyaya raw siya ng crush niya na makasayaw sa valentines day.

May program kasi na magaganap sa araw na 'yon at syempre hindi mawawala roon ang sayawan kaya kanya kanyang yaya na ang mga tao dito ng date nila.

"Ano ka ba! Syempre dapat pa cute muna. Sabi ko pag iisipan ko muna kunyari pero ang totoo pumayag na talaga 'ko sa loob loob ko!" kinikilig niya akong inalog at hinampas.

Medyo nagulo ang ginagawa ko kaya nag peace sign siya sa akin nang tignan ko siya nang masama. Inirapan ko siya at bumalik sa ginagawa.

"Papacute ka pa? Sige ka. Magyayaya 'yon ng iba. Pakipot ka pa masyado."

"Hindi, no! Matagal na 'kong crush no'n, napapansin ko!"

Assumera naman nito.

"Ikaw kasi palibhasa papayag ka agad kapag niyaya ka ni Ivan, e. Wala manlang pa cute ng kaunti. Easy to get lang?" inirapan niya ako.

"Hoy! Hindi ako easy to get, ah!" hinarap ko na siya ngayon. "Bakit mo pa kasi patatagalin kung nandyan na? Matagal mo nang hinihiling tapos papacute ka pa? Mawala pa 'yon, sayang, no," inirapan ko rin siya at bumalik sa pagkukulay.

Tumawa siya. "Whatever! E, ano na naman ba 'yang dinodrawing mo? Letter? Para kay crush?"

Ngumiti ako pinakita sa kanya ang ginagawa kong love letter. "Cute, no? Puro pink!"

"Baduy mo, Sol. Lalaki pagbibigyan mo tapos kulay pink?"

"Syempre galing sa'kin!" inirapan ko ulit siya at bumalik nalang sa pagkukulay.

"Alam mo, Sol, hindi na uso 'yang mga ganyan, e. 'Di niya 'yan tatanggapin, nagsasayang ka lang ng oras," umiling si Kyla.

"Ang nega mo! Pabayaan mo nga 'ko."

Pinagpatuloy ko pa rin ang pagde-design hanggang sa matapos. Sobrang ganda! I'm so proud of myself! Pwede na yata akong maging isang professional decorator. Kung tatanggapin pa 'to ni crush, ay baka buong school na ma-decorate ko sa sobrang tuwa!

"Wag ka nga! Dadamay mo pa 'ko dito. So embarassing," maarteng umirap si Kyla nang hilahin ko siya sa may tambayan nina Ivan pagkatapos namin mag lunch.

"Shh! Ang arte nito. Marinig pa tayo dito, sabihin stalker tayo!" sabay silip ko sa kung nasaan sila.

"Ay, hindi ba?" sarkastikong balik sa'kin ni Kyla at inirapan ako.

"Wag ka nang maarte dyan. Ito, bigay mo dun," abot ko sa kanya ng letter.

Nag panic agad siya. "Ayoko nga!"

Humalakhak ako. "Charot lang! Ito naman. Kailangan lang kita dito. 'Di ko 'to kayang gawin nang mag isa, sis!"

"Ang baduy mo naman kasi. Love letter? Yuck!" nandidiri pa talaga ang mukha niya.

Napawi ang ngiti ko. "Kanina ka pa, ah. Isa nalang, sige."

She rolled her eyes.

"Ano bang baduy sa love letter? Ang sweet nga, e! Tsaka romantic!" pilit ko pa. Totoo naman kasi!

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon