26

420 5 2
                                    

--

--






Araw ng enrollment sabay kami ni Kyla pumuntang school. Saglit lang 'yon dahil hindi naman kami transferee at pumili lang din kami ng strand na kukunin. We both picked ABM. Hindi ko alam kung sumusunod lang ba siya sa akin o ano pero para sa akin iyon na talaga ang balak kong kunin.

"FYI! Matagal ko na ring pinag iisipan ang ABM strand. 'Di kita sinusundan, no!" defensive na sagot ni Kyla nang asarin ko siyang sinusundan ako.

Tumawa lang ako at lumabas na kami ng school para kumain sa labas. Usapan na namin 'yon. Lunch na rin kasi dahil tanghali na kami nag enroll. Pagkatapos nito uuwi na rin ako para maghanda sa first day ko sa trabaho. Alas singko ng hapon simula ng trabaho ko hanggang alas dyes ng gabi. At araw lang ng linggo ang off ko.

Leon:

Done enrolling?

Sumagot ako sa text ni Leon habang kumakain kami ni Kyla sa Mcdo.

Solana:

Yup.

Leon:

I'm also done playing basketball. Pauwi na ako.

Kagabi pinipilit niya na sumama sa akin sa pag enroll dahil wala naman daw siyang gagawin at bored na bored na siya sa bahay nila. Hindi ako pumayag dahil bukod sa wala pang nakaka alam ng tungkol sa amin, nagkausap na rin kami ni Kyla na sabay mag e-enroll. Magalit pa sa akin 'yon kapag ginawa ko siyang third wheel.

Hindi naman sa gusto ko talagang isikreto 'tong... well... ligawan stage namin. Gusto ko lang ng tahimik na buhay! Aba, kilala ang gwapong nanliligaw sa akin, baka sabunutan nalang ako ng ibang girls dyan sa haba ng buhok ko!

Solana:

Okay.

Leon:

Where are you now?

Solana:

Mcdo. Kumakain kasama si Kyla.

Leon:

Kain ng marami para tumaba lalo pisngi.

Kumunot ang noo ko at tinuon ang pansin sa cellphone.

Solana:

Atleast cute.

Tumikhim si Kyla sa harapan ko kaya binaba ko agad ang cellphone ko. Ngumisi siya sa akin habang umiinom siya sa juice.

"Masyado ka namang masaya sa lovelife mo. Pati ba naman sa pagkain?" tukso niya.

Nagtaas ako ng isang kilay. "E, 'yong sayo ba? Nasaan?"

Bigla siyang umirap. "Wala na kami no'n!"

"Ano? Wala na kayo ni Lance?"

"Oh, please, don't even mention his name!"

Kumunot ang noo ko. Hindi ko na tuloy nabalikan ang cellphone ko dahil na-curious na sa reaksyon niya.

"Anong nangyari?"

Umirap ulit siya at umiling. "Well... he has this girl-bestfriend of his and he always makes time for her na halos wala na siyang oras sa akin kaya ayon! Nakipag hiwalay ako!"

Oh.

"Alam mo bang sobrang nakakairita? Yung bitch na babaeng kaibigan niya na hindi naman gano'n kagandahan! Sobrang pabebe! Kaunting kibot, aray! Kaunting galaw, masakit 'yong ganito ko... teka lang... pwede mo ba akong tulungan dito, Lance?" ginaya niya pa 'yong boses ng babae.

Natawa ako.

"Obviously, sinasadya niya lang kunin lagi ang atensyon ni Lance para mawala siya sa akin. Argh!" she rolled her eyes in annoyance. "This is the reason why I hate dating a guy who have a girl-bestfriend."

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon