10

506 12 0
                                    

--

--






"Ano ba!?" iritado ko pa ring bulong sa takot na baka biglang may lumabas sa isa sa mga kwarto ng boys o girls at makita kami sa ganitong posisyon!

Kinukulong pa rin ako ni Leon doon. Matalim ang titig ko sa kanya kahit na kabado at natutuwa naman siya.

"My Dad called kaya ako nagtagal. Irita ka na agad at miss ako?" sabi niya!

Ano?! Uminit ang pisngi ko at naisip na napaka kapal ng mukha niya! Pero wala naman akong masagot!

He bit his lower lip and looked at my lips. Mas lalo akong kinabahan at tinulak siya.

"Pakawalan mo na ako! M-Maglilinis pa ako sa baba," sabi ko.

Kumunot ang noo niya at binalik ang mga mata sa akin. "Hindi ka magpapahinga?"

"Hindi ako inaantok."

"Where are you going to sleep later, then?"

Iritado pa rin ang tingin ko at hindi malaman kung bakit nagtatanong siya nang ganito.

"Sa kwarto ni Lola. Puno ang girls sa kwarto ko!"

He smirked. "Tutulungan kitang maglinis."

"Huwag na!" tinulak ko ulit siya.

Ngumuso siya habang nagpipigil ng ngiti at nakatitig sa akin. "Why are you blushing?"

Feeling ko mas lalo lang uminit ang pisngi ko sa tanong niya. Halata na ba 'yon sa mukha ko?

"U-Umalis ka na nga!" sinubukan ko ulit siyang itulak.

Lumayo naman siya habang may ngiti sa labi. Hindi na ako nag alinlangang umalis doon at halos lakad takbo ang ginawa ko. Nakakainis! Bakit ang init ng pisngi ko? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ganito?!

Tahimik akong naglinis ng bahay habang wala pa si Lola. Malinis naman na ang bahay pero dahil wala akong magawa ay mas naglinis pa ako. Lalo na't kailangan kong abalahin ang sarili ko sa ibang bagay kesa sa kung ano ano ang iniisip ko rito!

Dumating din naman agad si Lola. Magluluto siyang kaldereta. Marami siyang pinamili dahil marami ang kakain. Nagpalit ako ng white t-shirt at maong shorts para mas komportable ako sa pagluluto. Tinulungan ko si Lola roon kahit pa pinapagalitan niya ako at sinasabing magpahinga nalang.

Hindi ako sanay nang walang ginagawa. Sa apartment ko ay lagi akong naglilinis kapag walang schoolworks at walang re-review-hin. Gusto ko nga sanang magtrabaho kaya lang papagalitan na talaga ako ni Lola kapag ginawa ko 'yon. Hindi niya naman malalaman dahil malayo kami sa isa't isa pero hindi ko siya kayang suwayin.

Bata palang ako gusto niya nang maging independent ako at hindi umaasa lang sa iba na para bang prinsesa. Kaya nang mag high school ako, sa Manila niya agad ako pinag aral. Mag isa ako no'n at hindi pa gaanong sanay pero nakayanan ko naman dahil gaya ng sinabi ko, bata palang ako tinuturuan niya na akong maging mag isa.

Hindi siya nag alala sa akin dahil kaibigan niya 'yong landlord ng apartment ko. Siguro pinapabantayan niya ako roon nang pasikreto, pero alam ko na mahirap din para sa kanyang ilayo ako.

Ewan ko ba. Matatag si Lola at kayang kaya niyang mag isa, kaya siguro gusto niyang gano'n din ako.

Natapos kami sa pagluluto. Saktong isa isa nang bumaba ang mga kaibigan ko galing sa pagtulog. Lahat sila nabuhayan nang makita ang handa sa lamesa. Maliit lang ang lamesa namin kaya ang iba ay sa sala kumain o sa lapag.

"Sarap!" hindi napigilan ni Cara.

Tumawa ako at binigyan pa siya ng ulam. Tawanan at kwentuhan lang kami roon. Si Lola ay nakikisabay sa amin pero mabilis lang din siyang natapos sa pagkain dahil magbabantay pa siya sa tindahan. Tuwing tanghali niya kasi binubuksan ang tindahan.

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon