WAKAS

956 12 3
                                    

Maraming maraming salamat po sa nagbasa at magbabasa pa lamang ng pinaka una kong istorya sa series na ito. Hope you support my second installment of this series, too. Thank you!

--

--






"What do you think, Leon?" tumatawang tanong ni Paul.

Pero hindi ko na siya napansin dahil naging abala na ang mga mata ko sa pagsunod ng tingin sa dalawang babaeng pumasok sa cafeteria. Nagtatawanan sila at may hawak na mga notebooks. Pumwesto sila sa malayong upuan mula sa amin at sabay na nilapag ang mga gamit doon. Then they stood up to buy food from the counter.

"Leon!"

Huminga ako ng malalim at pairap na tumingin kay Paul.

"What?"

Ngumisi siya at tinignan ang tinitignan ko kanina. Binato ko siya ng papel kaya agad siyang humalakhak.

"Nakikinig ka ba?" tanong niya.

Napailing si Ivan sa tabi ko. Nilingon ko rin siya at wala akong naging reaksyon.

"Kung gusto niyang ligawan, bakit hindi mo hayaan?"

Paul's eyes widened at what I said. Para bang hindi kapani paniwala na sa mismong bibig ko pa talaga nanggaling ang mga salitang 'yon. Tumawa si Ivan.

"Coming from you, Leon Montenegro? Nasa bokubularyo mo pala ang salitang ligaw?"

"Kung hindi ka tatahimik, ikaw ang ililigaw ko," iritado kong sinabi.

Humagalpak sila ni Ivan sa tawa. Maingay silang dalawa kaya napatingin sa amin ang ibang naroon. Nilingon ko nalang ulit ang dalawang babaeng bumabalik na sa kanilang table.

I saw her also look at our way because of the noise. My jaw clenched when I saw that she wasn't looking at me, but at the person next to me.

Iritado kong nilingon si Ivan na nakangisi nalang ngayon habang umiinom ng tubig. Tapos na kaming kumain kanina pa kaya nag uusap nalang ngayon.

"What?" nagtaas siya ng isang kilay sa akin sa sama ng tingin ko.

"Ligawan mo na si Lean. Divert your attention to her."

Mas lalong umangat ang gilid ng kanyang labi at nilingon ang table nina Solana. Napailing siya sa akin. Tumatawa na si Paul sa harapan namin.

"Kung gusto mo talaga, ligawan mo na. I'm just suggesting..." bawi ko.

Nakakairita talaga ang halakhak ni Paul. Sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa pero mas lalo lang siyang humalakhak.

I turned to Solana's table and saw her still looking at Ivan. Pero nang lumingon ako ay napunta sa akin ang paningin niya. Ilang saglit kaming nagkatitigan bago kumunot ang kanyang noo at bumalik sa pagkain.

"Solana Ramos, huh? Friend of Kyla?" si Paul.

Kilala ang kaibigan niya sa school kaya nalaman ko rin ang pangalan niya. Sobrang dali no'n pero sobrang hirap kunin ang atensyon lalo na't sa iba nakatingin. At sa kaibigan ko pa.

I was just attracted to her so I thought maybe it was just a hallow feeling. But then, when she gave that fucking love letter to Ivan, I was fucking pissed.

"Do you like her?" I asked Ivan after he hid the letter in his bag.

Ngumisi siya at tumingin sa akin. "You know who I like."

"You didn't answer my question, Ivan."

He chuckled and turned his full attention to me. Palipat lipat naman ang tingin ni Paul sa aming dalawa. Pati na rin ang dalawa pa naming kaibigan.

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon