--
--
Hindi maganda ang gising ko kinabukasan. Bumaba ako pagkatapos maligo at mabihis ng shorts at white t-shirt, tipikal kong suot kapag nandito lang sa bahay.
Naabutan ko si Lola na nagluluto ng agahan sa kusina pagkababa ko. Nagmano agad ako sa kanya.
"Oh? Ang aga mo naman," puna niya.
Ngumisi ako. "Naamoy ko luto mo, e."
Hinanda niya sa lamesa ang lahat at tinulungan ko siya. Marami na naman siyang niluto kasi syempre, marami ang pakakainin.
"Ang daming dalang ulam ni Kyla. Puno pa rin tuloy ang ref natin hanggang ngayon," si Lola.
"Luto ng Mama niya lahat ng 'yon tsaka ayaw no'n maging pabigat sainyo, no," tumawa ako.
"Oh, siya, mauna ka nang kumain kung gusto mo. Kumain na ako. Bubuksan ko lang ang tindahan."
"Oh? Maaga ka yata magbubukas ngayon, La?"
"Hindi na kasi ako mamamalengke sa dami na ng pagkain natin, kaya marami akong oras para magtinda."
Kumain ako. Nauna na ako at nagugutom na rin kasi. Hindi ko na hinintay ang mga kaibigan.
Patapos na nga lang akong kumain nang may bumaba sa hagdanan. Natigilan ako sa pagliligpit ng plato ko nang makita si Lean. She's wearing her very short shorts and white sando. Bagsak ang alon alon niyang buhok at kahit malayo, alam ko agad na mas matangkad siya sa akin.
Maganda siya. Chinita. Matangos ang ilong, mapula ang perpektong hugis ng labi, at maganda ang katawan.
Tumuloy ako sa pagliligpit kahit palapit siya at nilagay ang pinagkainan sa kusina.
"Kain na," sabi ko habang naghuhugas ng plato.
"Nauna ka nang kumain?" ngumisi siya.
Hindi ko alam kung talaga bang lagi lang siyang nakangisi o ano pero naiinis talaga ako kapag ginagawa niya 'yon. Pakiramdam ko sinasadya niya talagang ngisihan ako.
"Oo."
"Ang ganda pala dito sainyo, Sol. Ngayon ko lang nasabi kasi ngayon lang tayo nagkausap," bahagya siyang tumawa. "I just realized na oo nga, ngayon palang pala tayo nagkausap."
I smiled slightly and nodded. "Oo nga."
"So..." umupo siya sa lamesa at tinignan ako habang patapos na akong maghugas doon.
Tinignan ko siya. Ngumiti siya pero ewan ko at hindi ko talaga siya ma-feel. Pakiramdam ko pinaplastik niya lang ako.
"Nabalitaan ko nga pala na... binigyan mo si Ivan ng letter noon..."
Natigilan ako sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako.
"Don't worry, hindi naman ako galit. Alam ko namang hindi ikaw ang klase ng babae na mang aagaw," bahagya ulit siyang tumawa.
Tapos na akong maghugas. Tinitigan ko siya habang marahan akong nagpupunas ng kamay sa towel sa may ref.
"I'm just curious... may gusto ka pa ba kay Ivan until now?" deretso niyang tanong.
Wow. She's very straightforward. Hindi ko inasahan.
Umiling ako. "Hindi naman ako manggugulo sainyo kaya huwag kang mag alala, wala ka dapat alalahanin."
"Yeah, but my question is... do you still like him until now?" tumagilid ang ulo niya.
Huminga ako nang malalim at nag isip. Ano nga bang sagot ko sa tanong niya? May gusto pa ba ako kay Ivan? Oo nga. May gusto pa ba ako sa kanya? Nitong mga nakaraang araw, hindi ko alam pero parang... hindi ko na napagtutuonan ng pansin si Ivan. Crush ko siya, oo. Pero ewan ko at parang... unti unti na 'yong nagbabago. Parang... nawawala na. O wala na talaga.
BINABASA MO ANG
Sun (Sky Series #1)
Romance[COMPLETED] Solana Vanessa Ramos has a huge crush on this guy. Sa wakas, pagkatapos ng ilang taong pagtitimpi ay nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob para lapitan ito at ibigay ang isang love letter na ginawa niya. Ngunit may biglang manggugulo sa...