34

920 9 1
                                    

--

--






"Sasabay ka ba sa amin kumain?" tanong ni Kyla habang nag aayos ako ng gamit.

"Hindi. May gagawin ako sa library."

She sighed. "Sol... kumakain ka ba? May baon ka manlang ba?"

"Meron, Ky. Sige na."

May baon talaga akong pagkain. Sandwich na siguradong mabubusog ako kahit ito lang. Kinain ko 'yon habang naglalakad ako. I lied. Hindi ako pupunta sa library. Maglalakad lakad lang ako sa kahit saan.

Pagkatapos ng nangyari kagabi, hindi ko na alam kung nasaan si Leon. Hindi na rin niya ako tinawagan o tinext at hindi ko pa rin siya nakikita ngayon sa school. Ayaw ko na rin naman siyang makita.

Tahimik lang akong naglalakad habang paunti na nang paunti ang mga estudyante dahil pumupunta na silang lahat sa canteen para kumain. Ang iba umuuwi. Pero karamihan ay dito kumakain.

Natigilan lang ako nang paglabas ko ng building namin, nakita ko si Ivan na mag isa. Papunta siya sa likod ng building nila, mukhang walang balak magtungong canteen.

Naalala ko si Lean. Nililigawan niya si Lean. Siguradong nakita na rin niya ang video. Paano kaya sila nag usap na dalawa? Lean for sure hurt him.

Wala sa sarili akong sumunod kay Ivan. Nakita ko siyang umupo sa may puno sa pinaka likod ng building. Pero ang kinagulat ko ay naglabas siya ng isang beer sa bag niya! Binuksan niya 'yon at agad tinungga!

Nakaramdam ako ng lungkot para sa kanya. Siguradong dahil kay Lean kaya siya nagkaka ganito. Pareho kaya kami ng nararamdaman?

Dahan dahan akong nagpakita at naglakad palapit sa kanya. He didn't look at me pero alam kong alam niyang may tao.

"Why are you here?" tanong niya at tinungga ulit ang beer.

Kinagat ko ang labi ko. "Bawal ang alak sa school..."

Ngumisi siya at walang pakialam na tumingin sa akin. Nanibago ako. Hindi ganito ang Ivan na kilala ko noon. Seryoso siya lagi pero lagi rin siyang nakangiti. Hindi ganito.

"Hindi ba nasasaktan ka rin? Dapat naiintindihan mo ang nararamdaman ko," he said.

"Naiintindihan ko... Kaya nga ako nandito. Nakita kitang mag isa. Gusto lang sana kitang kumustahin..."

"Gusto mo akong kumustahin pero hindi ka rin ayos?" he chuckled. "Fuck those two..."

Uminom ulit siya.

"Hindi ko alam na matagal na palang may namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi ko manlang napansin na may gusto na pala siya sa kaibigan ko..." ngumisi ulit siya.

Hindi ako nakapag salita.

"Tangina bakit sa lahat ng lalaki... kaibigan ko pa?"

I sighed and walked towards him. Kinakain ko pa rin ang sandwich ko. Handa akong makinig sa kanya kahit pati ako... nasasaktan din.

Umupo ako sa may tabi niya, malayo. Kinandong ko ang bag ko at tumingin sa kawalan.

"Kaya pala hindi niya ako masagot sagot. Akala ko dahil lang 'yon sa aalis siya. Pero... may iba na pala siyang gusto," humalakhak siya at muling uminom sa bote.

Hindi ako nagsalita. Kinain ko ang sandwich ko nang tahimik.

"Ikaw? Something is going on between you two, right?" tumawa siya. "Anong sinabi niyang paliwanag sayo? Umamin ba siya?"

Pumikit ako at sinandal ang ulo sa puno. "Hindi na mahalaga 'yon. Nakita ko naman na lahat sa video. Lean kissed him... and he kissed her back. Everything is crystal clear."

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon