--
--
Hindi ako halos makatulog sa gabing 'yon. Masaya ako na kahit sobrang saklap ng nangyari sa trabaho ko, nakasama ko pa rin si Leon at pinasaya niya ako. Pero hindi ko mapigilang isipin ang sinabi ni Cat.
Sina Lean ang nakatapon ng shake kung saan ako nadulas. Hindi ko talaga gustong mag isip ng masama pero nakakapag taka na medyo malayo sa kanila natapon 'yon. Tumayo ba sila? Nag cr ba? Kung magbabanyo lang naman, kailangan pa bang dalhin ang shake sa loob ng cr?
Hindi ko talaga maintindihan. Gusto kong isipin na hindi naman siguro gano'n kalaki ang galit niya sa akin para sadyaing itapon ang shake para lang madulas ako.
She's beautiful and likable. She's smart based on what Kyla said. Palagi niyang kinukwento si Lean sa akin dahil nililigawan siya ni Ivan. Inaasar niya ako na matalino raw si Lean, always top of the class and achiever. Para niya na ring sinabi na hindi ako gano'n. Pero sinabi niya lang daw 'yon para maintindihan ko kung bakit siya nagustuhan ni Ivan.
Kagusto gusto nga naman siya dahil sa katalinuhan at confidence niya. Kaya ayokong isipin na gano'n siya kababa para gawin sa akin 'yon. Na gano'n siya ka-isip bata para pagtawanan ako pagkatapos ng nangyari sa akin.
But then... she laughed. Isa siya sa mga pinagtawanan ako roon.
Matagal ko nang napapansin na hindi niya ako gusto. Iniisip ko noon na dahil lang 'yon sa dahil crush ko si Ivan. Kalat na crush ko si Ivan kaya inisip kong nalaman niya 'yon at iyon ang dahilan kung bakit hindi niya ako gano'n kagusto.
Pero alam niya rin na may namamagitan sa amin ni Leon. Sa bahay palang namin noong nagbakasyon sila roon. She even warned me about him. Na hindi dapat ako magtiwala sa mga kagaya ni Leon dahil babaero ito.
Kaya bakit hanggang ngayon mainit pa rin ang dugo niya sa akin? Halata naman na siguro na hindi ko na gusto si Ivan at si Leon na ang gusto ko? Kaya ano pang dahilan para magalit pa siya sa akin?
Dahil ba hindi ko siya sinunod? Dahil ba hindi ko pinakinggan ang babala niya tungkol kay Leon? Napaka babaw naman no'n, kung gano'n? Bakit trip na trip niya ako nang dahil lang do'n?
May iba pang dahilan. At iyon ang gusto kong malaman.
Ka-batch ko si Lean. STEM ang section niya. Matalino. Totoo nga lahat ng sinabi ni Kyla.
"Huy!" kinatok ni Kyla ang table namin para kunin ang atensyon ko.
Para akong nagising sa tawag niya. Kanina pa pala ako tulala rito habang iniisip ang Lean na 'yon.
Tinignan ko siya habang tinutusok sa pisngi ko ang likod ng ballpen ko.
"Sama ka mamaya? Starbucks daw tayo after school," anya.
I sighed and straightened up. "May trabaho ako."
Ngumuso siya. "Sa linggo?"
"Day off ko sa linggo."
"Then, lumabas tayo! Tagal mo nang 'di nakakasama sa amin. Hinahanap ka na nina Cara!"
Kasabay ng pagtango ko ay ang pagbukas ng pintuan ng library. Pumasok ang grupo ni Lean na bahagyang nagtatawanan at hininaan ang boses dahil nakapasok na.
Tumuwid ako sa pagkakaupo. Napalingon naman si Kyla nang mahina siyang tawagin ng isa sa mga kasama ni Lean at binati.
"Hi!" Kyla waved her hand.
Nagsalubong ang mga mata namin ni Lean. Napawi ang ngiti sa labi niya nang makita niya ako. Naghahanap sila ng mauupuan ngayon kaya umiwas ako ng tingin at binasa nalang ang notes ko.
BINABASA MO ANG
Sun (Sky Series #1)
Romance[COMPLETED] Solana Vanessa Ramos has a huge crush on this guy. Sa wakas, pagkatapos ng ilang taong pagtitimpi ay nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob para lapitan ito at ibigay ang isang love letter na ginawa niya. Ngunit may biglang manggugulo sa...