This is the last chapter. Thank you! Next will be Wakas.
--
--
Bumungisngis ako habang tinititigan ang picture sa cellphone ko. It was an old picture. Kaming dalawa ni Leon. Pareho kaming may suot na headband. Nakasimangot ako na nakatingin sa kanya habang ngiting ngiti naman siya sa camera. Kinagat ko ang labi ko at ngumiti.
Ito ang kauna unahan naming picture sa phone ko. Magka away pa kami nito at sobrang nakakainis pa siya para sa akin.
"Why are you smiling? What are you looking at?"
Tumabi bigla sa akin si Leon sa katabi kong upuan. Napalingon ako sa kanya at nakita siyang pinagmamasdan na ang phone ko. Hindi ko manlang namalayan na nandito na siya. Bigla bigla nalang sumusulpot.
Napagkasunduan namin ngayon lumabas. Nasa isang restaurant kami at kahit gusto niyang sa VIP room kami, sabi ko dito nalang sa labas para maramdaman ko kung paano lumabas ang normal na magka relasyon. I mean, normal naman kami. Pero gusto kong maranasan 'yong date na parang... high school pa rin kami.
He chuckled when he saw the picture on my phone.
"You still have that?"
Nagtaas ako ng kilay at ngumisi. "Of course. Nagpalit ako ng cellphone pero nilagay ko pa rin 'yan dito."
Ilang sandali kaming nagkatitigan. Umaangat ang gilid ng labi niya habang ang kaliwa niyang kamay ay nasa backrest ng upuan ko. Nagtaas ako ng isang kilay sa kanya at nangingiti rin.
"Dito nalang ba tayo? O doon sa pang dalawahang upuan?" tanong ko.
"Do you want here?"
"Sa pang dalawahan nalang tayo. Tayo lang namang dalawa."
Tumango siya at tumayo na. Inalalayan niya akong tumayo at lumipat kami sa katabi lang na table.
"Kanina ka pa rito?" tanong ni Leon at tumingin sa wrist watch niya. "May dinaanan pa ako kaya natagalan."
"That's okay. Maaga lang ako."
Umupo na rin siya sa harapan ko. Lumapit sa amin ang waiter at kinuha ang order namin. We ordered. Pagkatapos no'n ay naiwan ulit kaming dalawa.
"Anong dinaanan mo?" tanong ko kay Leon.
He smirked. "Secret."
Nanliit ang mga mata ko. "Anong ginawa mo?"
He chuckled. "It's a secret, alright? How's your day?"
Nanliliit pa ang mga mata ko sa kanya. Alam kong iniiba niya ang usapan. Ano kayang dinaanan niya? Itong lalaking 'to. Pero kahit na gano'n ay sinagot ko pa rin ang tanong niya.
"Ayos naman. Nakakapagod ang photoshoot pero success naman," sabi ko tinutukoy ang bagong design na damit ni Kyla.
"When will it be posted?" he asked.
"Bakit? Titignan mo?"
He smirked at that at hindi sinagot ang tanong ko.
"Meron ka bang instagram?"
"Meron," he answered.
"Really? Anong pangalan mo?"
He chuckled. "Fo-follow mo 'ko?"
"Ikaw mag fo-follow sa'kin!"
Humalakhak siya. "Follow me, too. Akin na ang cellphone mo."
Binigay ko agad sa kanya ang cellphone ko para i-type niya roon ang pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Sun (Sky Series #1)
Romance[COMPLETED] Solana Vanessa Ramos has a huge crush on this guy. Sa wakas, pagkatapos ng ilang taong pagtitimpi ay nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob para lapitan ito at ibigay ang isang love letter na ginawa niya. Ngunit may biglang manggugulo sa...