46

814 8 0
                                    

--

--






Hindi ako makapaniwala. Hindi ko ito inaasahan. At nakakalungkot na wala na akong maalala pa noon. Kahit manlang kakarampot na alaala tungkol sa batang Leon, hindi ko na talaga maalala.

Pero ayos lang. Atleast... nandito na ulit siya. Nandito ulit kami. Sa bahay na ito. Kung saan nagsimula ang lahat lahat. Kung saan kami nagkakilala at kung saan nabuo ang nararamdaman namin para sa isa't isa.

Nakakamanghang isipin. Para bang napaka perpekto ng istroyang ito kahit na maraming nangyaring hindi maganda noon. Kahit pa minsan na ring binalot ng dilim ang buong paligid ko. Sumikat pa rin ang araw at binigyan ulit ako ng liwanag para magpatuloy.

At ngayon... nakangiti kong kinuha sa loob ng drawer ko ang bracelet na kay tagal ko nang gustong suotin. Sinuot ko ang bracelet sa aking pulsuhan at parang kuminang ang mga mata ko. Sa paningin ko, para itong mas lalong gumanda... at bumagay sa akin.

Inayos ko ang buhok ko. I half ponytailed it and put a light make up on my face.

Birthday ngayon ng anak ni Ate Jolie na si Johnjohn at pinaghanda siya ni Lola ng napaka raming pagkain. Saktong sakto talaga ang pagpunta namin ni Leon dito.

May kainan na sa baba. Nagkakasiyahan na sila roon kasama si Leon. Kaya naman suot ang puti kong bestida na bigay pa ni Lola ay bumaba na rin ako.

Sa hagdanan palang ay nakikita ko na ang mga batang naglalaro at mga matatanda na nagtatawanan. Kumakain na sila dahil tapos nang kantahan kanina si Johnjohn. Mamaya naman ay may palaro para sa mga bata.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbaba nang makita ko si Leon. He's wearing a black t-shirt that perfectly hugged his biceps, faded jeans and brown leather boots. Maayos at presko ang pagkakahawi ng kanyang buhok at talaga namang agaw pansin ang kagwapuhan. Pati matatanda roon ay namamangha sa kanya.

His earrings sparkled when he looked at the side. His jaw just became more define. Sa tangkad niya ay nakukuha niya talaga ang atensyon ng lahat. Kumakain doon ang mga matatanda pero nakatingin sa kanya.

Pagkatapos niyang tignan ang mga bata sa gilid ay bumaling siya sa hagdanan kung nasaan ako. Nagtama ang mga mata naming dalawa at napangiti ako. He remained serious, though. Dahan dahan akong bumaba.

Naglakad siya palapit sa akin. Sinalubong niya ako sa hagdanan. Malapit na akong makababa nang makita ko ang mga mata niyang bumagsak sa aking kamay. Dahan dahan siyang natigil sa paglalakad.

Nakababa na ako at tuluyang lumapit sa kanya. Tutok pa rin ang mga mata niya sa kaliwang pulsuhan ko. I smiled while looking at his reaction. Kahit nanatiling seryoso ay alam kong nagulat siya.

Matagal ko na itong gustong suotin at ipakita sa kanya, naghahanap lang ako ng tamang timing. At napag isip isip ko na siguro ngayon na ang tamang panahon para makita niya ito. Para malaman niya na... hindi ko ito tinapon. Kundi inalagaan at iningatan.

His eyes found mine. Ngumiti ako at nagbaba ng tingin sa pulsuhan ko. I then looked at his eyes again. Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang sa mga mata ko na para bang may hinahanap siya roon.

Kinagat ko ang labi ko at pagkatapos ngumuso.

"Hindi ko 'to tinapon. Joke lang yung sinabi kong... tinapon ko. Hehe..."

Pilit akong ngumiti sa kanya pero hindi siya ngumiti o ano man. Uminit ang pisngi ko dahil parang seryoso talaga siya.

"Sorry na. Sinabi kong tinapon ko kasi hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko na binigyan mo 'ko ng ganito noon. Magkaaway tayo, tapos binigyan mo 'ko nito, anong magiging reaksyon ko, 'diba?"

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon