17

338 8 2
                                    

--

--






Hindi ko alam kung babawiin ko ba ang sinabi ko o ano. Leon's intimidating eyes are taking my strength away. Kahit ang layo layo niya sa akin. Kahit alam kong hindi na niya ako makukulong dito.

His head tilted while looking at me seriously. Kuminang ulit ang mga hikaw niya. Kumalabog ang puso ko.

"Anong gusto mong malaman?" tanong niya na para bang lahat ay sasagutin niya, basta ako ang magtatanong.

Kinagat ko ang labi ko. Tinakasan na yata talaga ako ng lakas ng loob.

"'Yong sinabi ni Lean kagabi?" he asked.

Hindi ako sumagot. Isa nga 'yan sa mga gusto ko pang malaman kahit na pinaliwanag naman na niya sa akin kagabi ang tungkol do'n.

"I told you it was true. I had a girlfriend but I don't consider it a 'girlfriend' anymore because I didn't take it seriously."

Kumunot ang noo ko at umirap sa dahilan niya. Hindi manlang pinagtakpan kung gaano siya ka-playboy.

Dahil do'n ay nagkaroon ako ng tapang para magsalita.

"Bakit alam niyang nagka-girlfriend ka na?" tanong ko. "Samantalang 'yong mga kaibigan mo, ang sabi nila hindi ka pa nagkaka girlfriend?"

Humalukipkip si Leon. Hindi pa siya nakakasagot ay dinagdagan ko na ang sinabi.

"Alam ni Lean na nagka girlfriend ka na, samantalang 'yong mga kaibigan mo, hindi? Gano'n ba kayo ka-close?" nagtaas ako ng isang kilay.

His lips parted. Ilang sandali niya akong tinitigan na para bang may kamangha mangha sa mukha ko. Umangat ang gilid ng labi niya at biglang natawa. Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya.

"What do you mean? Lean is Ivan's girl. You think something is going on between us?" may naglalarong ngiti sa labi niya.

"Iba ang tinginan niyo kagabi. At parang kilalang kilala ka niya. Matagal na yata kayong magkakilala, e. Tss..." I feel so stupid saying that.

He chuckled. "Yes, matagal na kaming magkakilala."

Tignan mo? Umirap ulit ako at humalukipkip.

"Are you fucking jealous, Solana?" the amusement in his voice was very evident.

Jealous?! Sinipat ko siya pero hindi naman nakapag salita. Humalakhak siya at unti unting lumapit sa akin. Kinabahan agad ako. Umayos ako ng tayo.

"Matagal na kaming magkakilala dahil ka-batch namin siya at malapit din ang mga kaibigan niya sa amin. Lalo na ngayong nililigawan siya ni Ivan," paliwanag niya habang lumalapit sa akin.

Gusto kong umatras pero ayaw kong ipakita na may epekto siya sa akin. Na kaunting lapit niya lang ay para na akong mapapaluhod! Mamamatay muna ako bago niya malaman 'yon.

"At para naman sa parang kilalang kilala niya ako..."

Lumunok ako. He smirked evilly. Bumaba ang mga mata ko sa leeg niya dahil hindi ko na kayang tagalan pa ang titig niya.

Unti unti siyang tumigil nang medyo malapit na sa akin. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi naman siya lumapit nang malapit na malapit. Pero hindi pa rin sapat 'yon para pakalmahin ang puso kong nagwawala.

"No, Solana. Hindi niya ako kilala," he said. "In fact, iyon nga lang ang alam niya sa akin. Na nagka-girlfriend na ako. Dahil ang naging girlfriend ko noon... ay ang matalik niyang kaibigan."

Ano? Matalik na kaibigan? Ni Lean?

"Matalik niyang kaibigan na sinaktan at pinaiyak ko... That's why she's very mad at me now, dahil sinaktan ko ang kaibigan niya."

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon