11

443 8 0
                                    

--

--





"Ayos ba speech ko?"

"H-Huh?" lito kong tinignan si Leon.

"Speech ko 'yon noong nakaraan sa Oral Com. Bilib sa akin mga kaklase ko. Bumilib ka rin ba?"

Anak ng... Bwisit talaga kahit kailan 'tong lalaking 'to! Speech niya lang pala 'yon!?

Tumayo ako at pagod na pagod bumuntong hininga. "Magpi-picture nalang ako."

He chuckled but it immediately fade away. Umalis na ako sa terrace at nagsuot ng tsinelas para puntahan ang mga kaibigan at sumali sa kanila. Pero bago pa ako makalabas sa bakuran namin ay napaisip ako sa ekspresyon ni Leon kanina.

Alam kong loko loko siya at laging may baong pang aasar. Pero bakit may pakiramdam ako na hindi lang basta basta speech ang sinabi niya kanina? Talaga bang speech niya 'yon sa Oral Com daw? O gawa gawa niya lang 'yon ngayon? Kung gawa gawa niya lang ngayon ang "speech" na 'yon, bakit sobrang seryoso naman yata? Bakit parang may pinang huhugutan siya?

Nilingon ko si Leon na nakaupo pa rin sa upuan doon sa terrace namin, sa ibaba nakatingin at walang ekspresyon ang mukha, tanging paggalaw lang ng panga ang nakikita. Ngunit ilang sandali lang ay tumayo siya at pumasok sa loob ng bahay. Pinanood ko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Kumunot ang noo ko at nagdalawang isip na ngayon kung pupunta pa ba sa mga kaibigan ko papasok nalang din sa loob.

Pero bakit naman ako papasok din? Pakialam ko sa lalaking 'yon kung may malalim siyang ibig sabihin sa sinabi niya kanina? At ngayon mukhang naapektuhan siya at para talagang seryoso siya do'n?

Ngumuso ako nang naalala ang mga sinabi niya kanina.

"I don't know why... I chose that someone even when all she did was give me heartache. But still even with all that... I still want to choose her... every fucking single day."

She? Babae? Sinong babae naman 'yon?

"Sol! Sali ka rito, dali!"

Natigil ako sa mga iniisip ko nang tawagin ng mga kaibigan. Ngumiti ako at napipilitang pumunta nalang sa kanila kahit medyo pagod na nga at gusto nang matulog.

Bisita ko sila kaya kung nasaan sila ay nandoon din dapat ako. Humalo ako sa kanila roon at sumali sa mga picture nila. Pinag pose pa nila ako na ako lang mag isa. Nahihiya pa ako na ganito lang ang suot ko at kagagaling ko pa sa pagluluto at paglilinis ng bahay pero hindi nalang ako nagreklamo.

"Ganda!" habang tinitignan nila ang camera ni Freya.

Umirap ako dahil tinukso nila ako pagkatapos no'n. Kahit daw hindi ako nag effort ay maganda ang picture ko sa camera. Gusto ko ring tignan ang mga 'yon pero pinag pose pa ulit nila ako! Ginawa na akong model!

Sa kalagitnaan ng pagtatawanan namin ay natanaw ko ang mga lalaking nanonood at 'yong iba ay nagkukwentuhan at nagtatawanan sa harapan namin. Hindi ko napigilang hanapin si Ivan at nakita ko naman siya agad.

Kasama niya ang mga kaibigan niya. Nandoon yata silang lahat maliban nalang kay Leon.

Nasulyapan ko si Lean na nakahalo rin sa amin pero medyo malayo sa akin at kasama niya ang isang babae niyang kaibigan. Nakatingin siya sa akin pero kung hindi ako nagkakamali, halos irapan niya ako nang hilahin niya ang kanyang kaibigan at may ibinulong dito. Pagkatapos ay nagtawanan sila at sinulyapan ulit ako. Umiling silang dalawa at si Lean pumunta kay Ivan. She glanced at me when she put her arms around Ivan's at malawak na ngumiti.

Pero hindi iyon matamis na ngiti. May panunuya ang ngiti na 'yon, at alam na alam ko agad kung para saan 'yon.

Hindi ko alam kung alam niya bang may gusto ako kay Ivan, o kung nabasa niya man ang letter na bigay ko kay Ivan, pero para tignan niya ako nang ganito, alam ko na ang sagot doon. She knows I like her suitor.

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon