[05]
MALAWAK ang ngiti ko habang ipinapahid ang binigay ni Hero sa akin na panggamot sa pasa ko. Akala ko puro paghahambog lang alam niya, hindi pala. Naalala niya ang pasa ko.
"Ay, bakit iba yata ang ngiti ng munting prinsesa?"
Nagulat ako nang biglang sumulpot si Ate Chika sa repleksyon ng salamin. Pumihit ako paharap sa kaniya habang pilit sinusupil ang ngiti sa labi ko.
"Tara na ba?" pag-iiba ko sa usapan.
"Oo at baka jombagin tayo ni Aling Helena 'pag na-late tayo," sagot niya na ang pinatutungkulan ay ang may-ari ng laundry shop.
Tumawa lang ako at sumunod na sa kaniyang lumabas sa bahay namin. Tinungo na namin ang laundry shop.
SINIMULAN ko nang ihiwalay ang mga puti sa de-kolor. Matapos iyon ay isinalang na ni Ate Chika sa washing machine. Hindi naman ganoon karami ang labahin kaya agad naming nagawa ang unang trabaho.
Umupo na ako sa tabi ng isang maliit na lamesa habang hinihintay si Ate Chika na dumating. Ililibre niya raw kasi ako ng Lomi ngayon. Sinabi ko nga na ako na ang bibili pero nagpresinta na siya. Sisilayan niya pa raw iyong gwapong anak ng may-ari ng lomihan.
"Mira..." pakantang bungad ni Ate Chika papasok sa pinaglalabahan namin.
"Hulaan ko, nasilayan mo iyong lalaki sa lomihan na sinasabi mo?" Tumingala siya at umiling kaya napakunot ang noo ko. "Hindi mo nakita? Eh bakit mukhang masaya ka?" nagtataka kong tanong.
Ngumiti siya ng malapad. "Hindi lang nakita, nahawakan ko, beh, ang kaniyang maugat na kamay! Dagdag mo pa iyong topless niyang katawan, my God! Ang yummy ng abs!" kinikilig na sabi ni Ate Chika na sinundan ng impit na tili.
Napakamot ako sa tungki ng ilong ko at hindi na sumagot. Hindi ako sanay sa mga ganiyang usapan. Pero hindi naman ako inosente sa mga ganoong bagay. Sa kalye, kahit hindi mo pag-aralan ay malalaman mo ang lahat ng ganiyan.
"Ikaw, Mira, may nagugustuhan ka na ba?" malisyosang tanong niya.
Kaagad akong umiling. "Naku, Ate Chika, bata pa ako para sa mga ganiyan," agad kong sagot.
"Bata? Eh kulang na nga lang eh ipagduldulan ka ng mader Earth mo kay de-kotseng fafa. Saka ano ka ba, isang taon na lang good bye ka nasa edad na may teen sa dulo."
Pinili ko na lang na hindi sumagot. Totoo naman eh, kulang na lang ay ibenta ako ng sarili kong nanay. Saka malapit na akong mag-beinte.
Tumayo siya at tinignan ang nakasalang na mga damit sa washing machine. 'Di nagtagal ay bumalik din siya at muling umupo sa harapan ko.
"Matagal pa naman pala," sabi niya nang makaupo. "May itatanong ako sa iyo, Mira."
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano?"
Isang mapaglarong ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. "Gwapo ba?" tanong niya.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. "Sino?"
"Basta umisip ka ng isang tao tapos huwag mo muna sa aking sasabihin. 'Pag may tinanong ako, isipin mo na siya ang topic ng tanong ko. If wala kang maisip edi wala," kibit-balikat niyang sabi.
"Okay."
"So, gwapo ba, ha?" tanong niya kasabay ng pagtaas-baba ng mga kilay niya.
Nakagat ko ang panloob kong pisngi bago sumagot. "M-Medyo...'yong kilay niyang hindi pantay lang ang hindi ko naga-gwapuhan sa kaniya."
"Matangkad ba?"
"Mas mataas siya sa akin. Hanggang balikat lang niya ako."
Sumungaw ang pilyang ngiti niya na nagpalabas sa mga mapuputi niyang ngipin. "I-describe mo nga, Mira, bilis!" nasisiyahan niyang usal.
![](https://img.wattpad.com/cover/319008675-288-k152065.jpg)
BINABASA MO ANG
Invisible Cape
General FictionCOMPLETED | Miracle Cojuangco is a living jinx-as what she called herself. She lived her whole life looking for a luck which seems fell on a wide sea of sharks. Unfortunately, her unluckiness starts in her own family and was added by the people arou...