Chapter 12

184 14 0
                                    

Warning: This chapter may contain triggering words and/or scenes. Read at your own risk.


[12]

NANGINGINIG ako habang hinihimas ang namumula kong mga pulsuhan. Matapos niya akong babuyin ay tinanggal na rin niya ang pagkakaposas sa akin.

Ang nangyari kanina ay ang pinakamalagim na bangungot ng buhay ko. Hanggang ngayon, tinatanong ko ang sarili kung anong kasalanan ko. Bakit ako napunta sa sitwasyong ito?

Wala na akong maaatrasan pero pilit ko pa ring isiniksik ang sarili sa ulunan ng kama habang nakaupo ako nang makita ko ang paglabas ni Jester mula sa banyo. Mas lalong humigpit ang kapit ko sa kumot nang magsimula siyang humakbang palapit. Tanging maliit na short lang ang suot niya.

"Scared of me huh?" sambit niya bago tumawa na parang d*monyo.

Taliwas sa inaasahan ko, hindi siya lumapit sa akin at pumunta sa isang pinto na kinalalagyan ng mga damit niya. Kumuha siya roon ng pantalon at isinuot sa harap ko mismo bago kumuha ng polo. Tumingin siya sa akin nang nakangisi bago dahan-dahang lumapit na nagpakaba lalo sa akin. Kada butones na naiaayos niya ay siyang paghakbang na ginagawa niya.

"Anong gusto mong gawin ngayon, hmm?"

Hindi ako kumibo at pinili na lang na yumuko. Napaigtad ako nang bigla niyang hampasin ang isang lamesa. Sa lakas niyon ay umalingawngaw ang tunog sa buong kwarto.

"Sumagot ka kapag tinatanong kita!" Kaagad siyang nakalapit sa akin at marahas na hinawakan ang panga ko. Ang galit sa mukha niya ay napalitan ng ngisi. Baliw na siya. "Anong gusto mong gawin?"

"U-Umalis dito," sagot ko kahit nahihirapan akong magsalita dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa panga ko.

Ngumisi siya bago ako binitawan pero hindi siya lumayo. "Sure, your wish is my command. Bukas na bukas din ay makakaalis ka na rito."

Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kaniya at kahit papaano ay nabuhayan ng loob. Pakakawalan na niya kaya ako? Hindi ko na sinubukan pang magtanong dahil baka magbago pa ang isip niya.

Napuno ng katahimikan saglit ang kwarto bago napalitan ng sigaw ko. Bigla niya kasing hinablot ang kumot na tumatakip sa katawan ko. Agad sumigid ang lamig na nagpataas ng balahibo ko. Pilit kong inaabot ang kumot pero inilayo na iyon ni Jester. Hindi ko rin naman magawang abutin dahil sa sakit sa pagitan ng mga hita ko.

"Huwag mo nang subukang takpan. I already saw every inch of your body, Mira." Bumaba ang tingin niya sa katawan ko at pasimpleng hinagod ng dila ang labi niya. "Subukan mo at hindi ako magdadalawang isip na gawin uli iyon."

Naglihis ako ng tingin kasabay ng pag-agos ng luha na agad kong pinahid. Mas lalo akong magmumukhang mahina kung lagi akong iiyak.

Napapiksi ako nang lumapit siya sa akin at haplusin ang buhok ko. "Behave, Mira."

Saka lang umayos ang paghinga ko nang marinig ang pagbukas at sara ng pintuan. Wala na ang presensya niya sa loob ng kwarto. Ang kwarto niyang naghuhumiyaw sa yamang taglay pero isang impy*rno para sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa katawan ko. Nagmistula akong isang mapa dahil sa mga pasa at namumulang parte ng katawan ko. Dumako ang mga mata ko sa pulang mantsa sa ibabaw ng kobre-kama. Wala na, wala na ang iniingatan ko. Ang itinuturing kong tanging bagay na malinis at maipagmamalaki ko ay ninakaw na niya.

LUMIPAS na ang gutom ko sa maghapon, sobrang hina ng katawan ko kaya tuluyan na akong nilamong ng antok. Nagising na lang ako dahil sa magaang sampal na dumadampi sa pisngi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang mukha ng taong pinakakinamumuhian ko ngayon.

Invisible CapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon