Chapter 16

167 12 0
                                    

Warning: This chapter may contain triggering words and/or scenes. Read at your own risk.


[16]

"IKAW at syempre ang katawan mo."

Agad na humarang si Hero sa harapan ko matapos sabihin iyon ni Jester. "Dadaan ka muna sa akin bago mo makuha si Mira," matapang na sabi niya.

"Hero," nag-aalala kong tawag sa pangalan niya. Kung sa bilang lang ang pag-uusapan, wala siyang laban kina Jester at mga tauhan niya.

"What are you, a knight in shining armor? Sa tingin mo ba ay may laban iyang patpat mong katawan sa amin? Baka nga isang pitik lang ng tauhan ko ay tumumba ka," mapang-asar na sabi ni Jester na sinundan ng mga halakhakan nila.

Napansin ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Hero. Maging ang pagbabago ng kaniyang paghinga na halata sa mabilis na pagtaas at pagbaba ng balikat niya.

"Try me." Lumingon sa akin si Hero. "Kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka na at huwag kang lilingon sa akin."

"Ha?" naguguluhan kong tanong, "I-Iiwan kita rito? Hindi, sabay tayong tatakbo," mariing pagtutol ko.

"Huwag nang matigas ang ulo."

Bago pa man ako makapagsalita ay umalis na si Hero sa harap ko. Napalaki ang mga mata ko nang nagsimula siyang sumugod na sinalubong din naman ng mga tauhan ni Jester.

"Takbo, Mira!" sigaw ni Hero habang pinipilit niyang lumaban. Pilit siyang lumingon sa akin na salubong ang mga kilay. "Ano ba, Mira? Takbo!"

Pero nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko. Kahit gustuhin kong gumalaw ay hindi ko magawa. Napako lang ang tingin ko kay Hero na pilit nilalabanan ang mga tauhan niya. Bugbog na si Hero, halata na sa putok niya nang mga kilay at mga sugat sa iba't ibang parte ng kaniyang mukha. Unti-unti ay nakita ko ang panghihina ng katawan niya habang patuloy pa rin siya sa pagsigaw na tumakbo ako.

Napapiksi ako sa gulat nang may humawak sa braso ko. Napaangat ang tingin ko at sumalubong sa akin ang nakangising mukha ni Jester. Biglang nanlamig ang mga kamay ko at ginapang ng takot ang buong sistema ko.

"B-Bitawan mo ako," sa wakas ay nahanap ko na ang boses ko.

Imbes na lumuwag ay mas lalo pang humigpit ang kapit niya sa akin. Pakiramdam ko ay bumabaon na maging ang kuko niya sa balat ko.

"Sasama ka sa akin nang maayos o tutuluyan ko ang lalaking iyon?"

Napalingon ako sa gawi ni Hero. Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang nakahandusay na sa sahig si Hero at halos hindi na makalaban habang patuloy siyang pinagtutulungan.

"Mga duwag kayo! Nag-iisa lang siya!" Hindi ko napigilang mapasigaw sa kaniya.

Ngumisi lang siya bago sumulyap sa pwesto nina Hero. "Hindi pagiging duwag iyan, ang tawag diyan pagiging matalino. bakit, kasalanan ko bang tanga iyang lalaki mo at lumabang mag-isa?"

"Tigilan niyo na siya, patigilin mo na ang mga tauhan mo," pakiusap ko sa kaniya.

Napangisi naman siya nang marinig ang sinabi ko. "Sasama ka na sa amin? Ah, mali...dahil wala ka nang magagawa kung hindi ang sumama sa amin. Sasama ka na sa amin nang maayos?"

Muli akong lumingon sa pwesto nina Hero. Halos lamunin na nang tuluyan ng dilim ang paligid kaya hindi ako sigurado kung namamalikmata lang ba ako o ano. Sa tingin ko ay umiiling siya habang nakatingin sa akin kahit hindi ko na gaanong maaninag mukha niyang halos mahilam na sa sariling dugo.

"S-sasama na ako basta tigilan niyo na si Hero."

"No problem. Psst!" sutsot niya sa nga tauhan niya bago senyasan. "Tara na, iwan ninyo na iyan."

Invisible CapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon