[13]
“G-GUSTO ko nang umuwi,” sagot ko.
Napatiim-bagang siya nang marinig ang sagot ko. Muli na naman tuloy akong nilamon ng kaba. Ayaw niya rin ba akong pauwiin? Ano ba talaga ang kailangan nila sa akin?
“H-Hindi mo rin p-pauuwiin?”
Napabuntonghininga siya. “Papauwiin kita, pero baka balikan ka doon ni Jester. Makukuha ka ulit niya.”
Agad akong umiling. “Hindi, hindi papayag ang mga magulang ko. Siguradong paniwalaan nila ako kapag nakita nila ako at sinabi ko ang ginawang kababuyan sa akin—”
“Kababuyan?” putol niya sa sinasabi ko.
Napahinto ako at napakagat-labi bago tumango. “G-Ginahasa ako ni Jester noong araw na dapat itatakas mo ako.”
Kita ko ang pagkuyom ng kamay niya at pagdidilim ng mukha. “That jerk!”
“P-Pero, kakalimutan ko. Kakalimutan ko ang ginawa niya sa akin,” maagap kong sabi.
Kapatid niya pa rin si Jester, kahit alam kong hindi sila magkasundo. Kung sakaling lumaban ako at magsampa ng kaso laban kay Jester, alam ko namang talo ako eh. Alam ko naman ang kalagayan ng mga mahihirap na katulad ko. Wala kaming laban sa pera na siyang kapangyarihan ng mga mayayaman na katulad nila.
Puno ng pagtataka ang mata niya nang tumingin sa akin. “Bakit?”
“Wala po akong laban sa inyong mayayaman,” diretsa kong sagot.
“Tutulungan kita.”
Nanlaki ang mga mata ko. Imposible, tutulungan niya ako laban sa kapatid niya?
“P-PAKIHINTO po,” nag-aalangan kong utos sa driver nang tumapat kami sa isang ospital.
Alam kong wala akong karapatan na mag-utos pero tuloy-tuloy kasi ang pag-agos ng dugo ni Axel. Nakikita ko ang pagngiwi niya sa tuwing may humps kaming dinadaanan.
“Ihinto mo,” segunda ni Axel dahilan para huminto ang sasakyan. Taka siyang tumingin sa akin. “Bakit gusto mong huminto?” tanong niya.
Bumaba ang tingin ko sa brasong hawak pa rin niya. “Iyong sugat mo.”
“Hayaan mo na ito, magagamot din ito mamaya kapag naihatid ka namin.”
“Pero baka maubusan ka ng dugo.”
Tumawa naman siya pagkatapos kong sumagot. “Seriously, this is nothing. Mas malala pa rito ang nakukuha ko dati,” natatawa pa rin niyang sagot.
Nagsalubong naman ang mga kilay ko. “Mas malala pa? Pero kahit na, kailangan kang magamot.”
“Pero hindi pwede rito. This is a hospital of specialization not a general hospital.”
“May pagkakaiba ba iyon? Ospital naman ito,” sagot ko kahit hindi ko gaanong naintindihan ang sinabi niya.
“Of course.” Bumaling siya sa driver at nagtinginan sila sa salamin. “Take me to the nearest clinic.”
Nagsimula na ulit umandar ang sasakyan pero huminto rin sa mas maliit na puting gusali matapos ang ilang minuto.
“Ospital ito? Bakit maliit? Baka niloloko mo lang ako?” sunod-sunod kong tanong.
“Chill, clinic ito. Magagamot ako rito,” natatawang sabi niya. “Kung gusto mo pumasok ka sa loob para makasiguro ka at para magamot rin iyang mga pasa mo,” sagot niya bago tumingin sa mga braso ko na maagap kong tinakpan.
“S-Sige.”
Pumasok na nga kami sa sinabi niyang clinic. At totoo, may mga manggagamot sa loob.
Sinimulan na nilang gamutin si Axel habang idinala naman ako sa ibang kwarto. Nahiya pa ako noong una nang sinabi ng doktor na hubarin ko ang lahat ng suot ko. Mabuti na lang at babae siya. May kung ano siyang inilagay sa bawat pasa ng katawan ko.
BINABASA MO ANG
Invisible Cape
General FictionCOMPLETED | Miracle Cojuangco is a living jinx-as what she called herself. She lived her whole life looking for a luck which seems fell on a wide sea of sharks. Unfortunately, her unluckiness starts in her own family and was added by the people arou...