Chapter 18

166 13 0
                                    

[18]

LIGTAS na nga ba ako?

Paulit-ulit ko pa rin iyong itinatanong sa sarili ko habang nananatiling magkadikit ang mga noo namin ni Axel. Oo, nailigtas na niya ako nang ilang beses pero hindi ko pa rin masabi na ligtas ako sa mga kamay niya.

Ilang sandali pa ay kumalas na rin siya at diretsong tumayo. Dumilim ang kaniyang mukha nang dumako ang tingin niya sa gawi ng tiyan ko. Sinubukan kong tignan ang tiyan ko pero natatabingan ito ng tela. Basta ramdam ko lang ang bukas na sugat roon.

“What did they do to you?” pasigaw niyang sabi.

Pumunta siya sa mga kabinet at isa-isa iyong pinagbubuksan. May kinuha siyang mga puting bagay at inilagay sa ibabaw ng isang lamesa na mas malapit sa hinihigaan ko. Huminga muna siya nang malalim bago kumuha ng bulak. Napalunok ako napakagat labi nang simulan na niyang idampi ang bulak sa tiyan ko. Magkahalong hapdi at kiliti ang dulot ng banayad niyang pagsalat sa paligid ng sugat ko.

Hindi nagbago ang madilim na ekspresyon sa mukha niya habang ginagamot ang hiwa sa tiyan ko. Nakakatakot ang hitsura niya pero nanatili lang sa kaniyang mukha ang tingin ko. Pinanood ko kung paano kumunot ang noo niya, magsalubong ang mga kilay niya, kung paanong bumukas at sara ang bibig niya dahil sa pagmumura, at kung paano umalon ang lalagukan niya. Hanggang sa namalayan ko na lang na tapos na siya.

“Pumikit ka at huwag kang gagalaw,” utos niya saka bumunot ng baril.

Nagulat ako nang itinutok niya sa gawi ko ang baril. “Papatayin mo rin ako?” naguguluhan kong tanong.

Kumunot ang noo niya at hindi makapaniwalang tinignan ako. “What? Of course not! Babarilin ko ang posas mo para matanggal,” natatawa niyang sagot.

Matapos akong makalagan ay lumabas na rin ako. Marami akong gustong itanong sa kaniya  pero hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.

“Dahan-dahan lang,” utos niya habang pababa kami sa hagdan.

Inalalayan niya ako, nakahawak lang siya sa bewan ko bilang suporta habang nakaakbay ang kamay ko sa balikat niya.

“Nasaan na iyong mga tao?” mahina kong tanong habang inililibot ang tingin. Wala na iyong mga taong nakita ko nang papasok ako sa gusaling ito.

“Ang iba ay nasunog doon habang ang iba ay nakatakas,” sagot niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi. “Ang mga m-magulang ko?” nag-aalangan kong tanong.

Lumingon muna siya sa akin bago sumagot. “They‘re safe. Nakatakas sila kasama si Jester matapos ang pagsabog.”

Naikuyom ko na naman ang nga kamay ko. Nakatakas pa rin pala siya. Pakiramdam ko, habang nandiyan si Jester, hinahabol ng impyerno ang buhay ko.

Inilibot ko ang aking paningin. Iyong apoy kanina ay unti-unti nang nauubos pero hindi mga bumbero ang umaapula kung hindi ang mga nakaitim na mga lalaki.

“May hinahanap ka pa?”

Bumaling kay Axel ang tingin ko nang magsalita siya. Napansin niya siguro ang ginawa kong paglinga.

“May narinig kasi ako kaninang sirena ng pulis.”

“Ah yes, that... Gawa lang namin iyon para mag-panic sila. And it was effective.”

KUMUNOT ang noo ko nang maramdaman ang pagtapik sa pisngi ko na sinundan ng malakas na ugong.

“We are here.” Mukha ni Axel agad ang sumalubong sa akin nang tuluyan na akong magmulat ng mata.

Iginala ko ang paningin sa labas at napansing paumaga na. Tanaw ko sa kaliwang banda ko mula rito sa sasakyang helicopter—ang tawag ni Axel—ang malawak na tubigan na kulay asul. Habang sa kanan ko naman ay puro puting buhanginan.

Invisible CapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon