Chapter 23

157 10 0
                                    

Warning: This chapter may contain triggering words and/or scenes. Read at your own risk.


[23]

MARIIN kong pinahid ang mga tumakas na luha sa mga pisngi ko maging ang mga luhang tumatabing sa paningin ko. Halos madapa na rin ako sa pagtakbo pero nagpatuloy lang ako. Sunod-sunod na rin ang putukan ng mga baril sa paligid ko pero parang nawala na ang takot kong matamaan. Mas natatakot akong hindi ko makuha si Hero.

Nakarating ako sa gusali na nakita kong pinuntahan nila Jester. Wala man lang sa aking tumamang bala kahit isa. Iisipin ko na sanang magaling akong umilag kung hindi lang nahagip ng paningin ko ang pagsunod ni Axel.

Pagpasok ko sa loob ay kita ko pa rin ang bakas ng nangyaring sunog noong gabing itinakas ako ni Axel. Pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin at nagpatuloy sa pagtakbo. Napahinto rin ako sa kalagitnaan. Hindi ko alam kung aakyat ba ako ng hagdan o didiretso.

"Mira! Hintayin mo ako!" rinig ko ang boses ni Axel na mukhang papasok na ng gusali.

Sa huli ay pinili kong umakyat, baka sakaling itinago niya sa loob. Mabilis kong tinahak ang daan pataas. Baka maabutan ako ni Axel at sapilitan akong ialis sa lugar na ito. Hindi ako makapapayag.

Nang makarating ako sa taas ay muli akong napahinto dahil sa tatlong daan na nasa harapan ko; kanan, kaliwa, o diretso. Bakit karaming daan? Ang natatandaan ko lang ay iyong kwarto sa bungad na pinagdalhan sa akin noong gabing ooperahan na ako. Parang gusto ko tuloy ulit bumaba pero siguradong maaabutan na ako ni Axel.

"Mira!"

Muli akong naalerto nang marinig ang sigaw ni Axel. Pupunta na sana ako sa kaliwa nang may marinig akong parang pintong kinakalawang na nabuksan. Pilit kong pinakinggan ang tunog hanggang mapagtantong sa gawing gitna iyon. Patakbo kong tinahak iyon at ang tanging naabutan ko lang ay ang lumalangitngit na pagsarado ng pinto.

Mabilis ko iyong tinungo pero hindi ko agad binuksan. Pinakiramdaman ko muna. Nilapat ko ang tainga ko sa likuran ng pinto.

"Nasaan na ang helicopter?" rinig kong tanong na sigurado akong boses ni Jester.

"Boss, nagkaaberya raw po eh."

"Mga walang silbi! Bilisan nila! Kapag ako nahuli, wala kayong makukuha kahit isang kusing!" galit nitong sabi.

Huminga ako ng malalim at lakas loob na binuksan ang pinto. Tatakas sila at hindi iyon pwede. Kung tatakas man siya, dapat niyang iwan si Hero.

Lumikha ng tunog ang pintong pinagdaanan ko, dahilan para tumingin sila sa akin. Tatlo lang ang kasama ni Jester at panglima silang dalawa ni Hero. Kung kanina ay hawak pa ni Jester si Hero, ngayon ay iyong isa na niyang tauhan. Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa mga hawak nilang baril. Bakit ngayon ko lang naisip na wala nga pala akong dala na kahit ano? Wala akong laban sa kanila. Bakit ang t*nga ako?

"What a brave lady we have here, hmm?" bungad ni Jester nang makita ako.

"Pakawalan mo na siya, labas siya dito, Jester."

"Diyan ka nagkakamali. He was involved in this mess the time he tried to help you get away from me."

"Akala ko ba ako ang kailangan mo? Ang sabi mo, papakawalan mo siya kapag pumunta ako rito. Heto na ako," sabi ko at idinipa pa ang kamay.

Nakita ko ang mariing pag-iling ni Hero habang nanlalaki ang mga mata. Pilit siyang nagpupumiglas pero sadyang mahigpit ang kapit sa kaniya ng tauhan ni Jester.

"Sorry, but my mind already changed. And now, it seems like I am hitting two birds with one stone." Bumaling siya sa mga tauhan niya at ngumisi. "Kunin n'yo siya."

Invisible CapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon