Chapter 20

165 11 0
                                    

[20]

ANG sarap ng simoy ng hangin!

Napapikit ako habang niyayakap ako ng sariwang hangin. Hangin pa rin naman ito pero ibang-iba sa hangin na meron sa lugar namin at sa siyudad.

“Pagpasensyahan mo na itong bahay, mas maliit ito kaysa sa nasa isla.”

Salubong ang mga kilay kong tumingin kay Axel. “Bakit ka humihingi ng pasensya? Ang laki na nga nito eh. Kung sana ay nakita mo ang bahay namin, wala pa sa kalahati nito,” sagot ko.

Totoo naman eh. Ilang tao lang ang pumasok sa loob ng bahay namin siguradong puno na kaagad iyon.

“Dalawa lang ang kwarto rito at walang katulong. Walang magluluto ng pagkain natin kung hindi tayo lang.”

“Ayos lang, marunong naman ako magluto.” Sa totoo lang, nagtrabaho rin ako dati sa isang karinderya. Kaya lang nalugi iyon kaya lumipat ako kay Kuya Albert.

LUMIPAS ang mga araw na naging payapa ang pagtira namin dito ni Axel. Pero syempre, hindi pa rin maalis sa akin na mangamba. Baka tulad doon sa isla ay bigla ring sumugod si Jester dito. Sabi ni Axel ay hindi raw alam ni Jester ang islang iyon pero natunton pa rin. Hindi malabong mahanap niya rin ulit kami rito.

Pinagpag ko muna ang tsinelas ko bago pumasok sa bahay. Kasunod ko naman si Axel na bitbit ang mga plastic bag na may lamang mga pagkaing pinamili namin.

“Anong lulutuin mo?” tanong ni Axel habang inilalapag ang mga supot.

Binuksan ko muna ang gripo at hinugasan ang kamay bago sumagot. “Sinigang na baboy,” simpleng sagot ko.

“At last!”

Kahapon pa kasi siya nagpaparinig na gusto niya ng ganoong luto. Kaya naman kanina ay sinigurado kong kumpleto ang mga rekado. Parang pasasalamat ko na lang din sa pagligtas niya sa akin.

Masyado nang maraming naitulong si Axel sa akin pero hindi ko alam kung paano ko siya babayaran. Wala rin naman akong pera, kaya kahit sa ganitong bagay ay makabawi naman ako kahit papaano.

MALAWAK ang ngiti at pinagkikiskis pa ni Axel ang mga palad niya habang nakaupo sa harap ng hapag-kainan. Para siyang bata na hahainan ng paborito niyang fried chicken.

“Smells good!” sambit niya habang sinasamyo ang usok mula sa mangkok.

Halos pigil ang hininga ko nang magsimula siyang kumutsara ng sabaw. Hinipan-hipan niya muna iyon bago hinigop. Ilang araw ko na siyang pinagluluto na lagi niya namang pinupuri pero hindi ko pa rin maiwasang kahaban. Baka kasi hindi niya magustuhan ang niluto ko.

Napalunok ako nang sariling laway nang biglang sumeryoso ang mukha niya. Binitawan niya ang kutsara at umatras pasandal sa upuan. Kasunod niyon ang katahimikan na nangibabaw sa pagitan namin.

“Ulitin mo ito,” usal niya.

“U-Ulitin ko? Hindi ba m-masarap?” nauutal kong tanong. Ngayon niya lang yata hindi nagustuhan ang luto ko, ganito pala ang pakiramdam.

Bigla naman akong naguluhan nang tumawa siya. Hala, nababaliw na rin ba siya?

“I‘m just kidding. Ibig kong sabihin sa ulitin mo, ulitin mo sa susunod kasi masarap.”

Hindi ko napigilang samaan siya ng tingin, kinabahan lang pala ako sa wala.

“Look at your face, it‘s priceless!” Tawa niya at napahawak na sa tiyan, ewan ko ba wala namang nakakatawa ah.

“Akala ko hindi mo nagustuhan.”

“Silly! Gusto ko ang lahat ng luto mo, pero mas gusto ko iyong nagluto,” tuloy-tuloy niyang sabi habang diretso ang tingin sa akin.

Invisible CapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon