Warning: This chapter may contain triggering words and/or scenes. Read at your own risk.
[17]
PAGOD na pagod na ako.
Nalilito na ako kung ano talaga ang nararamdaman ko. Kung nasasaktan ba ako, nalulungkot, o natatakot? Ramdam ko ang pamamaga ng mata ko dahil sa pag-iyak at hindi pagtulog. Pagod ako at gustong magpahinga pero parang pati pagpapahinga ay hindi ko na rin alam kung paano.
Awtomatiko akong napatingin sa pintuan nang marinig ang ingay mula roon. Para bang may nagmamadaling magtangal ng pagkakakandado niyon mula sa labas. Hindi ko tuloy maiwasang umasa, baka sakali na magbago ang isip ni Jester na pakawalan ako. O 'di kaya ay may dumating para iligtas ako.
Pero ang umuusbong kong pag-asa ay biglang naglaho nang iniluwa ng pinto si Jester. Nakapaskil sa mukha niya ang ngisi na lagi niyang ipinapakita tuwing may masama siyang balak. Bumaba rin ang tingin ko sa kamay niya na may hawak na heringgilya.
"Good morning, my beautiful Mira," sambit niya at nagsimulang maglakad palapit sa akin.
"Anong gagawin mo sa akin?" tanong ko na pilit pinapatatag ang loob at ang boses.
"Naging makakalimutin ka na yata? Hindi ba kasasabi ko lang kagabi?"
Naglihis ako ng tingin at hindi na sumagot. Mabilis akong napausog palayo sa kaniya nang umupo siya sa kama.
"Alam mo, sayang ka eh. If only you're not stubborn and just obeying my rules, your life won't be at risk as early as this. Kung hindi mo sinubukang tumakas, baka nandoon pa rin tayo sa mansyon at nagpapakasaya."
Napaismid ako sa sinabi niya. "Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa makasama ka ng mas matagal!" sigaw ko sa mukha niya bago siya dinuraan sa mukha.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ko at nagawa ko iyon. Siguro na rin naman akong malapit na akong mam*tay sa kamay niya. Ano ba naman ang munting pagsigaw at pagdura na iyon.
Inis niyang pinahid ang laway ko na tumama sa pagitan ng ilong at pisngi niya. "Ah, nagmamatapang ka na ngayon!"
Bago pa man ako makalaban ay nahablot na niya ang buhok ko. Wala akong nagawa nang hilahin niya papunta sa likuran ko ang mga buhok ko dahilan para mapatingala ako.
"Gusto ko pa sanang maglaro muna tayo pero inuubos mo lagi ang pasensya ko!"
Napangiwi ako sa sakit nang biglang lumapat ang palad niya sa pisngi ko. Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkabigla mula sa pagkakasampal niya nang hablutin niya na naman ang buhok ko at sapilitang pinatingala.
Gumapang ang kaba sa sistema ko nang makita ko mula sa sulok ng mata ko ang pagkuha niya sa heringgilya, na inilapag niya kanina sa maliit na lamesang katabi nitong kama. Bahagya niyang diniin ang dulo niyon at lumabas ang kulay tubig na likido mula sa dulo ng karayom.
"A-Ano iyan?" kinakabahan kong tanong.
"I will just help you to fall asleep. Mukhang hindi ka makatulog eh."
"Ayaw kong matulog!"
"Kailangan mo ito, para ma-surprise ka mamaya sa main event na inihanda ko," parang baliw niyang sabi.
Bago pa man ako makapalag ay naramdaman ko na ang pagbaon ng malamig na karayom sa leeg ko. Wala na akong nagawa maliban sa mariin na pagpikit. Dumilat lang ako nang maramdamang wala na ang karayom sa balat ko. Marahas niya ring binitawan ang buhok ko dahilan para tumama ang ulo ko sa ulunan ng kama.
"Isa kang d*monyo," nahihirapan kong sabi habang pilit nilalabanan ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.
"I know, Mira, I know."
BINABASA MO ANG
Invisible Cape
General FictionCOMPLETED | Miracle Cojuangco is a living jinx-as what she called herself. She lived her whole life looking for a luck which seems fell on a wide sea of sharks. Unfortunately, her unluckiness starts in her own family and was added by the people arou...