[21]
KAGAT-KAGAT ko ang kuko ko habang pabalik-balik na naglalakad sa kwarto. Hindi ako mapakali dahil sa sinabi ni Jester. Halos hindi ko na nga makain ang tanghalian kanina. Idagdag pa ang naging pag-uusap namin ni Axel kanina habang naghuhugas ako ng mga plato.
[FLASHBACK]
Agad akong tumayo at iniligpit ang mga plato nang may kamay na humawak sa ibabaw ng kamay ko.
“Ako na ang maghuhugas,” presinta ni Axel.
“Hindi ako na, pasasalamat ko na lang ito sa iyo.”
“Pero—”
Nahinto siya sa pagsasalita nang tanggalin ko ang kamay niya at kinuha na ang mga nakasalansan na mga plato. Dumiretso na ako sa lababo at sinimulang maghugas. Ramdam ko naman ang presensya ni Axel mula sa likuran ko.
Medyo naiilang ako pero hinayaan ko na lang. Binilisan ko na lang ang paghuhugas hanggang sa matapos ako sa gawain. Pag-ikot ko, tama nga ang hinala ko. Nakita ko siya na nakasandal sa hamba ng pinto.
“Axel, iyong ano...” panimula ko pero hindi ko maituloy. Napakamot na lang tuloy ako sa tungki ng ilong ko.
“Hindi tayo pupunta,” diretsong sagot niya.
Kumunot ang noo ko. “Pero, Axel, nasa kaniya si Hero.”
“Alam ko, Mira. Pero hindi tayo pwedeng pumunta roon.”
“Nasa kaniya si Hero at ginagamit siya para makuha ako. Paano kung ang sunod naman niyang gamitin ay ang mga magulang ko?”
“Mga magulang mong walang pakialam sa iyo.”
Totoo ang sinabi ni Axel pero ang sakit pa rin isipin na totoo nga iyon. Wala silang pakialam kahit anong mangyari sa akin. Bakit pa nga ba kung hindi naman talaga nila ako tunay na anak?
“Axel naman...”
“Hindi, Mira, hindi ka pupunta doon. Hindi kita ibibigay kay Jester,” sagot niya nang may pinalidad bago umalis.
[END OF FLASHBACK]
Napabuntonghininga ako kasabay ng pag-upo ko sa kama. Hindi pwedeng maging prente lang ako sa kwartong ito kahit alam ko ang kalagayan ni Hero. Labas dapat siya rito, hindi dapat siya nadadamay dito.
Minasahe ko ang sentido gamit ang mga daliri ko pero hindi sapat iyon para pakalmahin ang sistema ko. Pero ano ang gagawin ko? Ayaw pumayag ni Axel.
Hindi, dapat may gawin ako.
PAKIRAMDAM ko ay malapit nang mabali ang leeg ko kakatingin sa kanan at kaliwa. Halos marinig ko na rin ang pintig ng puso ko habang pinapanalangin na huwag akong mahuli.
Agad akong napatago sa isang pader nang may dalawang security guard na dumaan. Mas naging pigil ko ang hininga nang huminto sila mismo sa tapat ko. Mabuti na lang at nasa dilim ako.
“Sandali lang, ihing-ihi na ako eh,” rinig kong sabi noong isa.
“Sige bilisan mo, pumasok ka na sa loob,” sagot naman ng kasama noong unang nagsalita.
“Hindi na, dito na lang sa pader.”
“Bawal umihi diyan.”
“Huwag mo na lang akong isumbong, saglit at minsan lang naman ito.”
“Sige na nga, bilisan mo.”
Nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ako ng mga yabag. Mayamaya pa ay tunog naman ang kinakalas na sinturon ang narinig ko. Agad akong napapikit at mabilis na tinakpan ang bibig ko para hindi makagawa ng kahit anong ingay nang makarinig ako ng tunog ng tumatamang tubig sa damuhan.
BINABASA MO ANG
Invisible Cape
Ficção GeralCOMPLETED | Miracle Cojuangco is a living jinx-as what she called herself. She lived her whole life looking for a luck which seems fell on a wide sea of sharks. Unfortunately, her unluckiness starts in her own family and was added by the people arou...