Warning: This chapter may contain triggering words and/or scenes. Read at your own risk.
[06]
HALOS isang linggo na ang nakalipas mula nang magkaroon kami ni Hero ng kasunduan. At sa nakalipas na mga araw, may iilan na rin akong natutunan. Ang sabi nga niya sa akin 'fast learner' daw ako.
Pero kahit anong papuri niya ay hindi ko pa rin makalimutan noong iwan niya ako mag-isa kagabi. Nakatulog daw kasi ako kaya iniwan niya ako.
"Good morning, Ate Chika!" masaya kong bati nang makalabas ng bahay.
Tumaas ang isa niyang kilay habang nakatingin sa akin. "Parang araw-araw ka yata good mood ah? Saka, ano iyong nakita ko kahapon?" tanong niya sa nang-aasar na tono.
"Huh? Anong nakita?" nagtataka kong tanong.
"Nakita ko kayo ni Hero kahapon doon sa ilalim ng malaking puno na malapit sa tulay."
Napatawa ako, si Ate Chika talaga masyadong malisyosa. "Ang issue mo, may project daw kasi si Hero kaya hayun, tinutulungan ko siya kasi kailangan niya raw mag-interview ng hindi nakapag-aral," paliwanag ko. "At saka alam mo ba, tinuturuan niya akong mag-english kapalit ng pagtulong ko sa kaniya."
"So magaling ka na ngayon?" taas-kilay niyang tanong.
Nagkibit-balikat ako. "I am not sure," sagot ko sa matigas na ingles na sinundan ko ng pagtawa. "Basta 'fast learner' daw ako eh. Pero huwag mo na ipapaalala ang mokong na iyon, iniwan akong lamukin kagabi."
"Hinayaan ka lang?"
"Oo, iniwan ako mag-isa doon sa tulay nang makatulog ako. Hay, 'wag na nga nating pag-usapan."
Sa kalalakad namin, hindi ko namalayang nasa bukana na kami ng lugar namin. Napagtanto ko na lang nang may huminto sa mismong harapan namin na kotseng puti. Gusto ko sanang tumakbo dahil baka ito iyong nangunguha ng mga bata. Pero puting van nga pala iyon at hindi na ako bata.
Umatras kami ni Ate Chika at akmang lilihis paalis nang bumukas ang pinto. Isang lalaking maporma ang umibis mula sa sasakyan at sigurado akong hindi si Jester iyon. Hihilahin ko na sana si Ate Chika paalis sa lugar na iyon pero mukhang nakadikit na ang mga paa niya sa lupa.
Mayabang na inalis ng lalaki ang itim niyang salamin. Inilibot niya ang paningin na huminto sa amin. Unti-unting nabuo ang ngisi sa kaniyang labi na aking ipinagtaka lalo na nang magsimula siyang humakbang palapit sa pwesto namin.
"OMG, Bebe Mira, kurutin mo nga ako. Lalapitan ako ng isang Adonis!" impit ang kilig na sabi ni Ate Chika.
Kulang na lang ay mangisay ang katabi ko nang huminto sa harap namin iyong gwapong lalaki. "I thought that it will be hard for me to find you," anas ng lalaki nang makalapit sa pwesto namin.
"Ah, eh, I'm also finding you," pabebeng sagot ni Ate Chika.
Sa isang tabi, palihim naman na napakunot ang noo ko. Naituro ba sa akin ni Hero ng salitang iyon?
Bumalik sa lalaki ang atensyon ko nang kinuha niya ang cellphone at nagpipipindot ng kung ano roon. Sa tingin ko ay kulang ang kalahating taon kong sweldo sa presyo ng cellphone niya. Makintab at may kalakihan, sigurado akong mayayaman lang ang kayang bumili ng ganoon.
"This is you, right?" tanong niya nang ipaharap sa amin ang mamahaling cellphone niya.
Agad nanglaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino ang nasa litrato. "Bakit may picture ako d'yan?" naguguluhan kong tanong.
"So, I'm right, it was you." Ibinalik na rin niya sa bulsa ng pantalon niya ang cellphone. "You are the girl, the reason why my brother has gone crazy again."
BINABASA MO ANG
Invisible Cape
Ficción GeneralCOMPLETED | Miracle Cojuangco is a living jinx-as what she called herself. She lived her whole life looking for a luck which seems fell on a wide sea of sharks. Unfortunately, her unluckiness starts in her own family and was added by the people arou...