Chapter 03

218 18 0
                                        

Warning: This chapter may contain triggering words and/or scenes. Read at your own risk.


[03]

"MIRA..."

"Mira, anak, halika at may ipakikilala ako sa iyo."

Hindi ako tumalima sa utos ni Inay. Nanatili lang akong nakatayo sa tapat ng pinto, habang nakatuon pa rin ang atensyon ko sa bisitang hindi ko kilala.

Napalingon ako kay Inay, na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin at siyang humawak sa braso ko. Hinila niya ako palapit sa estranghero na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin sa akin. Ewan ko ba, pero hindi ako palagay sa kaniya.

"Maupo ka riyan." Iginiya ako ni Inay sa tabi ng lalaki.

"'Nay—"

Nasa mukha ko ang pagtutol pero nilakihan lang ni Inay ang mata niya para pigilan ako sa tangkang pagrereklamo. Wala na akong nagawa kung hindi ang umupo.

"Ayan, ang ganda ninyong pagmasdan. Bagay na bagay!" Bakas sa boses ni Inay ang saya habang pinagmamasdan kaming dalawa ng katabi ko.

"'Nay, sino po siya?" mahina at halos pabulong kong tanong.

"Oh, sorry. I'm Jester Padilla," sabat ng katabi ko na malapad pa rin ang ngiti. Konti na lang talaga, makukumbinsi na akong isa siyang modelo ng isang brand ng toothpaste.

"Mi—"

"Mira, Miracle Cojuangco, I knew it."

Mapait akong napangiti. "Mukhang mapapasabak ako sa english-an nito," bulong ko.

"You're saying something?"

"Huh?"

"May sinasabi ka?" tanong niya na sa tingin ko ay ang ibig sabihin ng una niyang sinabi.

"Wala," sagot ko na pilit sinundan ng tawa.

Marunong naman pala magsalita ng tagalog eh, gusto pa akong pahirapan. Sa totoo lang, marunong naman akong umintindi ng mga ingles na salita. Sadya lang talagang hindi ko na masundan pag lumagpas sa dalawa o tatlong salita lalo na kung mabilis ang pagkakasabi.

"Maiwan ko na muna kayo ah," sambit ni Inay. "Umayos ka, Mira." Bumulong pa sa akin si Inay bago niya kami iwan rito.

Gusto kong magreklamo pero unang subok ko pa lang kanina, wala nang pag-asa. Tanging pagtango at malalim na buntonghininga lang ang naisagot ko bago niya kami tuluyang iwanan.

"You're really beautiful."

Napangiti ako sa sinabi. Naintindihan ko naman kasi iyong beautiful. Pero tanging ngiti lang ang naisagot ko.

"Hmm, b-bakit ka pala nandito?" naiilang kong tanong.

"To court you."

Court? Iyong pinaglalaruan ng mga nagba-basketball? Dalawang beses na paglalaruan ng mga nagba-basketball ako?

Agad akong napatayo na siyang dahilan ng pagbalatay ng gulat sa mukha niya. "Hindi ako papayag! Kung ano man ho ang usapan niyo ni Inay, labas ako roon. Saka, hindi naman kita kilala. Hindi ako papayag!" Nagmartsa ako palabas ng bahay at doon muna tumambay.

Ito ba ang sinasabi ni Inay na sideline? Iyong sinasabi niya kasing kumare niyang kakausap sa akin kahapon ay hindi namin naabutan. Anong klaseng sideline iyon? Kasya ba sa akin lahat ng basketball player?

Aminado namang flat ako pero hindi naman ako mukhang tutubuan ng basketball ring!

Umupo ako sa mahabang upuang kahoy sa harap ng bahay ay tumingala. Pero mukhang maling desisyon iyon.

Invisible CapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon