Chapter 24

154 10 0
                                    

Warning: This chapter may contain triggering words and/or scenes. Read at your own risk.


[24]

TAGUMPAY niyang naabot ang pisngi ko na puno ng rin ng mga luhang umagos, na ngayon ay humalo na rin sa dugong nasa kamay niya.

"Mira, mahal na mahal kita."

Umiling ako nang umiling. "Huwag kang magsalita ng ganiyan, Axel. Ang dapat mo sa aking sabihin ay lalaban ka, sabihin mo lalaban ka."

Ngumiti siya. "Susubukan ko," nahihirapan niyang sagot kasunod ng pag-ubo ng dugo.

"Gawin mo, Axel, please. Hindi ba matatag ka, alam ko iyon kahit sa kaunting panahon na nakasama kita," sabi ko sa pagitan ng mga hikbi.

"P-Pero, h-hindi ko na yata k-kaya."

"Kakayanin mo. Huwag ka nang magsalita, makakaalis tayo rito."

Ngumiti siya nang mas malawak kahit halatang nanginginig ang mga labi niya. Panakanaka rin siyang napapangiwi habang iniinda ang mga tama ng baril sa katawan niya.

"T-Tandaan mo..." Pumikit siya at nahihirapang lumunok. "M-Mahal na mahal k-kita."

Agad akong nataranta nang bumagsak ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko kasabay ng pagpikit ng mga mata niya.

"Hindi, h-hindi... A-Axel, dumilat ka, pakiusap! Axel!" pasigaw na sabi ko habang tinatapik ang pisngi niya, na para bang sa pamamagitan niyon ay magmumulat siya ng mata.

Patuloy lang ako sa pagyugyog pero wala man lang tugon si Axel. Inilapat ko ang palad sa ibabaw ng dibdib niya pero wala na roon ang mabilis na pintig ng puso niya sa tuwing madidikit ang balat ko roon. Hindi ko na alam ang gagawin ko maliban sa pagyugyog sa katawan niyang hindi na gumagalaw. Kasabay ang impit kong mga hikbi at ang halos pabulong ko nang pagtawag sa pangalan niya.

Ayaw kong maniwala na totoo ito. Panaginip lang ito hindi ba? Hindi naman ako doktor kaya buhay pa siya. Naniniwala akong buhay pa siya dahil hindi ko kayang tanggapin kunh sakaling wala na nga siya. Hindi ko man siya minahal katulad ng pagmamahal ko kay Hero pero minahal ko siya bilang kaibigan. Kahit sa saglit lang na panahon. Ang mga ginawa niyang pagliligtas sa akin ay higit pa sa sapat para mahalin ko siya.

"Axel, please, dumilat ka. Pakiusap..." pipi kong sambit habang hilam sa luha ang aking mga mata.

"Tama na iyan!"

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko kasabay ng pag-alab ng galit ko. Mabilis akong tumayo at hinarap ang nakatayong si Jester. Agaran ko siyang nilapitan at buong lakas siyang sinampal. Tagumpay naman akong napapaling ang ulo niya. Pero kulang pa iyon.

Kahit ramdam ko ang pinaghalong hapdi at pagkamanhid ng palad ko ay umamba muli ako ng isa pang sampal. Pero sa pagkakataong ito ay bigo ako nang maagap niyang hawakan ang kamay ko. Iyong isa rin sanang kamay ko pero agad niya ulit itong nahuli.

"Acting fierce, huh? Lalaban ka na sa akin? Nakita mo ba kung paano ko sila pinatumba? Tapos ikaw lalaban sa akin, sa tingin mo may laban ka?" mapanuya niyang tanong. "Wala ka nang kakampi ngayon, Mira. Wala nang magtatanggol sa iyo dahil lahat sila mahihina! Pinatay ko na ang nga sagabal!"

"Alam kong wala pero lalaban ako sa iyo!" sigaw ko saka pilit inagaw ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero sadyang mahigpit iyon.

Hindi na rin ako nakapalag nang hilahin niya ako palapit sa kaniya. Totoo nga, ano ba naman kasi ang laban ng patpatin kong katawan sa laki ng bulto ng katawan niya.

"Lalaban ka? Paano, huh?"

Pilit kong inilalayo ang mukha ko sa kaniya nang magsimula siyang amoy-amuyin ako. Nandidiri ako sa ginagawa niya.

Invisible CapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon