Chapter 11

181 13 1
                                    

Warning: This chapter may contain triggering words and/or scenes. Read at your own risk.


[11]

"I HAVE eyes everywhere, Mira."

Tumango na lang ako bilang sagot. Kung pang-ilang beses na iyang bilin ni Jester ay hindi ko na mabilang. Aalis kasi siya kaya puro bilin. Para bang makakatakas ako rito, eh hindi ko nga alam ang daan pauwi sa amin. Pwera na lang kung totoo ang sinasabi ni Axel, ang kuya ni Jester. Pero, hindi pa rin ako sigurado kung magtitiwala nga ba ako sa kaniya.

"Hanggang maaari, huwag kang lalabas ng kwarto. Magpapadala na lang ako ng pagkain mo kay Manang."

"Naku hindi na, bababa na lang ako. Ayaw ko namang makaabala. Akala ko nga ay katulong ako rito eh," maagap kong sabi.

Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya. "Hindi ka bagay maging katulong, mas bagay ka sa akin."

"Huh?"

Napabuga siya ng hangin. "Nothing, I have to go. Tandaan mo lahat ng bilin ko."

"Oo, natatandaan ko lahat. Ingat ka."

Napaupo ako sa malambot na kama bago nagbuntonghininga. Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Malungkot pala ang maging mayaman.

Halos isang linggo na akong narito pero wala akong ibang nakikita bukod sa mga nakaunipormeng tauhan at katulong dito sa bahay. Hindi ko rin naman tinatanong kung nasaan ang mga magulang niya. At hanggang ngayon din, wala pa rin akong ideya kung bakit ako dinala rito ni Jester. Ang sabi niya lang ay dahil girlfriend niya na ako. Pero wala akong matandaan na pumayag na ako sa tanong niya dati.

NANG kumalam ang sikmura ko ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Naabutan ko ang dalawang katulong kasama si Manang Elisa—siya lang ang masasabi kong mabait sa akin.

"Oh, Mira, kakain ka na?" Tumango lang ako. "Sige, maupo ka diyan at ipaghahain na kita."

"Salamat po."

Pagkatapos kong kumain ay nagdesisyon na rin akong bumalik sa kwarto. Papaakyat pa lang ako ng hagdan nang may humawak sa braso ko dahilan para mapapihit ako pahara sa kaniya. Bahagya akong napaatras nang mapagtanto kung sino ang may-ari ng kamay na iyon.

"Ano ang ginagawa mo rito, Axel?"

"Ilang araw lang akong nawala parang nag-iba ka na. Dati sir, ngayon alam mo na ang pangalan ko."

Bahagya akong napayuko. "P-Pasensya na po, narinig ko kasi ang pangalan mo dati. Pero babaguhin ko—"

"No need, I like the way you call me."

"Po?"

"Napag-isipan mo na ang sinabi ko sa iyo?" pag-iiba niya ng usapan. "Kaya kitang ialis sa bahay na ito ngayon ding araw na ito. Sabihin mo lang."

Umangat ang tingin ko at sinalubong ang itim na itim niyang mga mata. Malayo sa mata ni Jester na madilim na abo.

"Magnanakaw at manghuhuthot ng pera pa rin po ang tingin mo sa akin?" tanong ko.

Kinagat niya ang labi at ngumisi. "That really marked in your mind huh? Noon, oo. Pero ngayon, let's say that you already proved yourself."

Tumango na lang ako kahit hindi ko gaanong naintindihan. Basta ang mahalaga ang sabi niya, noon pa iyon.

"Paano po kung ayaw kong umalis dito?"

"Then don't blame me if something happens to you. Mas kabisado ko si Jester, at alam ko ang kaya niyang gawin. Alam ko ang mga ginagawa niya na hindi mo na gugustuhing alamin."

Invisible CapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon