Chapter 15

176 13 0
                                        

[15]

“ANO ang sinabi mo?”

Napakagat siya sa labi at nagbuntonghininga. “Mahal kita, Mira.”

Tumawa ako ng pagak. “Mahal mo ako? Ang galing mo naman magbiro.”

Sino naman kasi ang maniniwala sa kaniya? Isang Hero na malapit sa salitang tagumpay ay mahuhulog sa isang kagaya ko na tinatawag na malas?

“Hindi ako nagbibiro—”

“Bilang kaibigan,” putol ko sa sinasabi niya at ngumiti. “Mahal mo mo ako bilang kaibigan at mahal ko rin kayo nila Ate Chika, nila Mil—”

“You get me wrong, Mira. Mahal kita nang higit pa sa isang kaibigan.”

Napatulala ako sa sinabi niya. May bahagi ng nararamdaman ko na sinasabing maniwala ako sa kaniya at masaya sa naririnig. Pero may parte rin sa akin na ayaw tanggapin ang sinasabi niya.

Inamin ko na sa sarili ko na gusto ko siya. At sino ba naman kasing ayaw na marinig na gusto ka rin ng taong gusto mo, hindi ba? Pero may mga bagay na kahit gaano natin kagusto, hindi pwede.

Umiling ako at napabuga ng hangin. “Sabihin mo lang na nagbibiro ka, Hero. Pakiusap, sabihin mong hindi iyan totoo,” pagsumamo ko.

“Pero iyon ang totoo!”

“Hindi, pakiusap—”

“Think, Mira. Sa tingin mo ba magpapakahirap akong turuan ka kung hindi ko gusto na turuan ka? Iyong project, matagal nang tapos. Gawa-gawa ko na lang iyong huli para makausap kita kasi hindi ko alam kung ano pa ang pwede kong gawing dahilan para mapalapit sa iyo.” Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawang kong kamay. “I really like you, Mira.”

Marahas kong kinuha ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at lumakad muli palapit sa barandilya. Hindi pwede, hindi na niya ako pwedeng magustuhan.

“Bakit pa ako?”

“At bakit hindi ikaw?”

“Nakikita mo ba ang gusali na iyon?” turo ko sa mataas na gusali sa hindi kalayuan. “Ikaw iyon at ang maliit na bahay sa tabi niyon ay ako. Magkaiba tayo, Hero. Kaya imposible...walang kagusto-gusto sa akin.”

“Your mere presence and personality is enough to like you. Pero hindi ba sapat na iyong pagtibok ng puso ko na lang dahil sa iyo ang maging sapat na dahilan para masabing mahal kita?” Tumalikod siya at bumulong ng mga salitang hindi ko naman naintindihan. “The hell? I never imagined myself saying those words!”

“Hindi pwede, Hero. Maghanap ka na lang ng iba.”

“Pero ikaw ang gusto ko. Sa tingin mo madali lang humanap ng taong pagbabalingan ng atensyon? I like you—no, I love you.”

“Hindi mo ba nakikita, Hero? Magkalayo ang agwat natin! Buo ka at ako sirang-sira na!”

“But I can try to fix you, I will help you to fix yourself. Gusto mo rin ako ‘di ba? Tama ang narinig ko dati ‘di ba?”

Naguguluhan akong tumingin sa kaniya. “Ano bang pinagsasasabi mo?” tanong ko na bumibilis ang tibok ng puso ko. Wala naman akong matandaan na umamin ako sa kaniya ah?

“Sa laundry shop, nag-uusap kayo ni Ate Chika. Mag-iisip ka ng isang tao. I don't want to assume but I bet that you just described me. Mukhang matalino, naturukan ng anesthesia, suplado pero mukhang mabait.”

“Bakit, marami namang ganoong tao ah?” depensa ko.

“Paano mo ipapaliwanag iyong sinabi mo noong minsang nakatulog ka?”

Invisible CapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon