Warning: This chapter may contain triggering words and/or scenes. Read at your own risk.
[09]
PUMIHIT ako paharap kay Hero nang makatapak ako sa tapat ng bahay namin. Pero wala na siya sa likuran ko, naglalakad na siya papunta sa bahay nila. Hindi man lang nagpaalam.
Isang buntonghininga muna ang pinakawalan ko bago tuluyang pumasok sa bahay. Ito na lang ang magagawa ko tuwing papasok ako sa bahay na ito.
Nagtaka ako nang madatnang bukas ang ilaw pero wala naman sa munting sala sila Inay. Nakarinig ako ng mumunting mga kaluskos na sa tingin ko ay galing sa kwarto. Malalaking ang hakbang kong tinungo ang kwarto ko. Agad nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat nang madatnang hinahalughog nina Inay at Itay ang kabinet kong gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy.
"Inay, ano po'ng ginagawa ninyo?"
Malawak ang ngising bumaling sa akin si Inay. Mas nadoble pa ang pagkabigla ko nang itaas niya ang munting supot na naglalaman ng ilang papel na salapi at barya. Unti-unti siyang lumapit sa akin at biglang inihampas sa pisngi ko ang supot. Ramdam ko ang hapdi ng pisngi ko kasabay ng pagkalansing ng mga barya mula sa supot nang tumama sa akin.
"Meron ka pa lang pera, napakadamot mo!" sigaw ni Inay, "Lagi na lang wala kapag nagtatanong kami!"
"Pinalaki ka ba naming madamot, ha?" Isang sampal muli ang natamo ko na galing naman kay Itay, dahilan para tuluyan na akong matumba sa sahig.
"I-Ipon ko po kasi iyan," halos pabulong kong paliwanag.
Mariin akong napakagat-labi nang pingutin ni Inay ang tainga ko. Pakiramdam ko, anumang oras ay hihiwalay ito sa ulo ko. "Nag-iipon? Wala ka nang dapat pag-ipunan pa! Ang silbi mo sa bahay na ito ay mag-intrega ng pera sa amin. Iyo na nga lang ang silbi mo, hindi mo pa magawa!"
"G-Gusto ko po sanang m-mag-aral," sambit ko sa pagitan ng mga piping hikbi na hindi ko pwedeng iparinig sa kanila.
"Ha! Mag-aral? Eh napaka-ambisyosa mo naman pala talaga eh 'no?"
Napapiksi ako nang biglang hablutin ni Itay ang panga ko at sapilitang iniharap sa kaniya. "Ito ang tandaan mo, Mira, hindi lahat ng nag-aaral ay umaasenso. Hoy, magising ka diyan sa pangarap mong walang kwenta!" bulyaw niya sa mukha ko bago ako marahas na binitawan.
Katulad ng nangyayari dati, saka ko lang pinakawalan ang mga luha ko nang tuluyan silang makaalis. Walang lakas akong napahiga sa sahig. Gustong-gusto ko nang umalis dito, gustong-gusto ko nang tumakas.
Hindi pa man ako nakakapaglabas ng lahat ng luha ko ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at tumayo.
"Ano pong kailangan ninyo, Inay?"
"Mag-empake ka ng mga gamit mo, bukas ng gabi ay darating si Jester para kuhanin ka."
TULALA akong naglalakad papunta sa laundry shop. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Inay kagabi. Halos kalahati ng mga damit ko ay pinaayos niya sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit. Basta ang alam ko lang ay tila ba masaya siya.
Gano'n ba siya kasaya na maalis ako sa buhay nila?
Isang malakas na busina ang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad, kasunod ng paggulong ko papunta sa gilid ng kalsada.
"Magpapakamatay ka ba? 'Wag kang mandamay!" sigaw na may kasamang mura ng mama na nagmamaneho ng sasakyan.
"Ayos ka lang?" Napalingon ako sa nasa ibabaw ko ngayon. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Invisible Cape
General FictionCOMPLETED | Miracle Cojuangco is a living jinx-as what she called herself. She lived her whole life looking for a luck which seems fell on a wide sea of sharks. Unfortunately, her unluckiness starts in her own family and was added by the people arou...