Chapter 25

195 10 0
                                    

[It is more beautiful to watch the process and wait for the ending than seeing the result without witnessing how it was made. [Ito ay para sa mga mahilig i-spoil ang sarili sa ending haha). Maraming salamat sa pagbasa!]

[25]

ANG buhay ay puno ng sorpresa. May mga panahon na akala natin huli na, ito na ang katapusan pero malalaman na lang natin na umpisa pa lang pala. Pero minsan, inaakala natin na hindi pa huli, may pagkakataon pa pero magigising na lang tayo na puno ng pagsisisi.

Inilapag ko na ang bungkos ng bulaklak sa ibabaw ng lapida at sinindihan ang kandila. Pinagapang ko ang aking mga daliri sa ibabaw ng mga nakaukit na letra ng pangalan niya sa ibabaw ng marmol na lapida.

“How are you? Marami na akong alam na english,” sambit ko kasunod ng pagtawa. “Maiintindihan na kita kung sakali. And I'm glad to say that I'm finally alright. Sana ayos ka lang din kung nasaan ka man.”

More than six months. Ganiyan ako katagal na nakikipagkita doon sa ang tawag nila ay psychiatrist. Matapos ang nangyaring iyon, hindi ko alam kung paano ako magpapatuloy sa buhay. Sa bawat araw, pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko. Ang bawat pagtulog ko ay may kalakip na bangungot. Kaya kasabay ng mga therapy sessions ay binigyan din nila ako ng gamot para mapabilis daw ang pag-recover ko.

“Miss na kita, Axel.”

Agad kong pinunasan ang mga luhang umagos na pala sa pisngi ko nang hindi ko namamalayan nang may kamay na humawak sa balikat ko.

“He‘s now in peace.”

Tumayo ako at yumakap kay Hero. Inilapat ko ang pisngi ko sa dibdib niya kung saan malaya kong naaamoy ang mabango niyang dibdib. My kind of comfort.

Noong araw na iyon, halong kaba at takot ang naramdaman ko. Hindi para sa sarili ko kung hindi para sa mga taong mahalaga sa akin.

Dumating ang mga pulis sa rooftop pero huli na. Masyado raw marami ang tauhan ni Jester kaya nahirapan silang sumunod. At sa kasamaang palad, hindi na nakaabot si Axel. Tanging ako at si Hero lang ang nakaligtas sa nangyaring laban sa rooftop. Kahit si Jester ay napuruhan din, wala na siya.

Samantalang ang mga magulang na nakilala ko ay nahuli. At ngayon ay binayaran ang kasalanan nila dahil sa pakikipagsabwatan kay Jester at ang pagkakasangkot sa droga. Gusto ko man silang bisitahin ay hindi ko magawa dahil hindi ko pa kaya. Kahit minsan ay may natatanggap akong sulat mula sa kanila. Sulat ng paghingi nila sa akin ng tawad. Hindi na rin ako bumalik sa bahay, may bahay sa sentro sina Jester. Kahit gustuhin kong bumalik ay hindi na niya ako pinayagan kaya sa kanila na ako tumutuloy.

“Let‘s go?” Napaangat ang tingin ko kay Hero na nakatingin rin sa akin. “Nag-text sa akin si Mama nasa bahay daw si Mil.”

Pinunasan kong muli ang panibagong grupo ng luha na tumakas sa mga mata ko. “Si Mil?” paniniguro ko na sinagot niya lang ng tango kalakip ang isang ngiti.

AGAD napatayo si Mil mula sa pagkakaupo sa sofa nang makita kaming dumating. Nakapaskil sa labi niya ang isang ngiti. Matagal ko na rin siyang hindi nakita. Sa loob ng mga buwang lumipas, sinubukan niya raw akong dalawin pero dahil nagte-therapy ako ay si Hero lang ang lagi niyang nakakausap.

“Mil!”

Masaya akong tumakbo patungo sa kaniya at binigyan ng mahigpit na yakap. Ako rin ang unang kumalas sa yakap at sinenyasan siyang umupo. Habang si Hero naman ay pumwesto sa tabi ko.

“Kumusta ka na?” tanong ko.

Mas malawak na ngiti ang una niyang sinagot. “Heto, inaayos na ang kasal namin ni Diana,” sagot niya sa kinikilig na tono.

Invisible CapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon