[07]
KASALUKUYAN akong naghihiwalay ng puti sa mga de kolor na damit nang humahangos na pumasok sa shop. Ang sabi niya ay bibili siya ng Lomi. Bumaba tuloy ang tingin ko sa hawak niyang pagkain. Tatlong supot iyon na ipinagtaka ko.
"May bisita ka, Mira!" masaya niyang bungad.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Bisita? Parang wala naman sa aking bibisita..."
Palihim akong napangiti. Si Hero kaya iyon? Naalala ko na sinabi niya sa akin minsan na dadaan siya rito nang maikwento ko sa kaniya ang tungkol sa pagtatrabaho ko rito.
"Sus! Mil, pasok ka na!" tawag ni Ate Chika sa sinumang tinawag niya mula sa labas.
Pakiramdam ko ay bumagsak ang pareho kong balikat nang ibang pangalan ang narinig ko. Oo nga pala, miyerkules pa lang ngayon at siguradong nasa eskwelahan pa iyon. Saka, ang lalaking iyon, wala naman yatang pakialam iyon kung matutupad ang pangako niya o hindi.
"Hello, Mira! Long time no see! Natatandaan mo pa ako?" bungad ng lalaking hindi ko matandaan kung sino.
Mabuti na lang at marami-rami na rin ang nalalaman ko sa Ingles kaya mas naiintindihan ko na ang sinabi niya ngayon. Tumabingi ang ulo ko para sipatin siya. "Hindi?"
"Sabi ko na nga ba, mas gumwapo na kasi ako ngayon."
"Mas gwapo pa rin si Hero," sabat ni Ate Chika.
"Hero? Sino iyon?" kunot-noong tanong ng tinawag ni Ate Chika na si Mil.
"Si Hero! Iyong kababata ninyong half-half!" Umupo si Ate Chika sa isang monoblock na upuan at pumangalumbaba sa monoblock din na mesa. "Hay, kung kasing-edad ko lang kayo, naku, hindi na single ang batang iyon!"
"Ah natatandaan ko na siya!" Bumaling ang tingin ng lalaki sa akin. "Pero nagtatampo pa rin ako, hindi na ako matandaan ni Mira."
Alanganin akong ngumiti. "Sorry, hindi talaga kasi kita matandaan eh."
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Sige na, ipapaalala ko sa iyo, ako iyong bata dati na bungal sa harap. Ako si Emilio Batungbakal," pagpapakilala niya.
Agad nagliwanag ang mukha ko sa binanggit niyang pangalan, naaalala ko na siya! "Emyong?"
"Mira, naman eh! Mil na, Mil na ang tawag sa akin ngayon," kumakamot sa taingang sabi niya. "Tignan mo, isa na lang ang nawawala kong ngipin," sambit niya at ipinakita ang maitim niyang gilagid. Oo nga, isa na lang at nasa gitna.
Buong maghapon na namalagi si Mil sa laundry shop. Mabuti na nga lang at wala si Aling Helena kung hindi, baka kanina pa napalayas si Mil. Ang sabi niya, umuwi na raw siya dahil masyadong magulo ang sentro ng syudad. Akala niya raw ay makakahanap siya roon ng swerte pero nahirapan lang din daw siya. Kahit ang pag-iipon ng perang pamasahe para makauwi rito ay sadya raw na mahirap.
NAPAHINTO kami ni Ate Chika sa paglalakad nang huminto si Mil na siyang nasa unahan namin. Nakatingin siya sa malayo na sinundan din namin ng tingin.
"S-Si Diana ba iyon?" tanong niya.
Sinipat kong mabuti kung tama siya. Oo nga, si Diana iyon! Ang maarteng anak ni Aling Dorya.
"Oo," simple kong sagot habang nakatingin kay Diana na abala sa paglilinis ng kaniyang kuko.
Lumingon siya sa akin at matamis na ngumiti. "Ang ganda niya pa rin, 'no?"
Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko at pinigilan ang sarili na mapairap. Totoo naman, maganda naman talaga si Diana. Pero sa ugali? Hay, naku!
"May jowa na ba siya?" dagdag na tanong nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/319008675-288-k152065.jpg)
BINABASA MO ANG
Invisible Cape
General FictionCOMPLETED | Miracle Cojuangco is a living jinx-as what she called herself. She lived her whole life looking for a luck which seems fell on a wide sea of sharks. Unfortunately, her unluckiness starts in her own family and was added by the people arou...