[19]
HALOS apat na araw na akong payapang natutulog at gumigising dito sa isla ni Jester. Maliban ngayong araw na nagising ako sa sunod-sunod na pagkatok at iilang ingay mula sa labas.
Tinungo ko ang pintuan habang nagkukusot ng mata. Bahagya muna akong nag-inat bago tuluyang buksan ang pinto. Sa totoo lang, inaantok pa ako. Agad napakunot ang mata ko nang si Manang Eva na humahangos ang nadatnan ko.
“Manang Eva? Bakit ganiyan po ang hitsura ninyo?” taka kong tanong.
“Magmadali ka, Mira, kailangan mong sumama sa akin,” utos niya. Dati ay ma‘am ang tawag niya sa akin pero pinilit ko siyang tawagin na lang ako sa pangalan ko. Hindi naman kasi ako teacher at lalong hindi ako amo niya.
Luminga naman ako sa paligid, partikular sa labas ng bintana. Halos hindi pa tuluyang sumisikat ang araw pero heto si Manang at gusto akong isama sa kung saan.
“Manang, maaga pa po ah. H-Hindi po ba pwedeng mamaya na lang? Inaantok pa po kasi ako,” kamot-batok kong sabi.
“Kailangan na ninyong umalis ngayon,” sabi niya sa nagpa-panic na boses.
“Bakit po, may problema po ba?”
“B-Basta! Kailangan mo na raw sumama kay Sir Axel dahil dumating iyong sila Sir Jester,” pahayag niya na ikinalaki ng mga mata ko.
“Si Jester po?”
Tanging pagtango na lang ang isinagot niya bilang pagkumpirma. Nilukob bigla ng takot ang sistema ko. Makukuha na naman ba ako ni Jester? Bakit ba hindi na lang niya ako tantanan?
Agad kong kinuha ang roba at isinuot iyon. Mukhang wala na akong madadalang kahit anong damit. Sayang, kabibili pa naman ni Axel ang mga iyon noong isang araw. Pero siguradong mas sayang ang pagliligtas na ginawa sa akin ni Axel kung makukuha pa ulit ako ni Jester.
Hawak ni Manang Eva ang kamay ko habang tumatakbo. Bumaba kami sa hagdan at halos mapatili ako nang magsimulang makarinig ng mga putukan. Payuko tuloy kaming tumakbo na para bang makaiiwas kami sa tama ng baril dahil sa posisyong iyon.
“Nasaan ho si Axel?” tanong ko.
“Nasa likod po, sa may helicopter,” humahangos nitong sagot.
Nasa parte na kami ng kusina nang tuluyan na akong malakas na napatili. Kasabay niyon ang pagbagsak ni Manang Eva sa sahig.
“Manang Eva!”
Napunta ang tingin ko sa kaniyang paa na kaniyang agad hinawakan. Halos mamutla ako at nanlaki ang aking mga mata nang makita ang duguang paa niya.
“May tama ho kayo!” naghihisterikal kong sabi.
“Tumakbo ka na, Mira. Ang sabi ni Sir Axel, ikaw daw ang habol nila. Kaya sige na, iwan mo na ako,” utos niya.
Umiling ako tanda ng hindi pagsang-ayon. “Hindi kita iiwan dito, Manang Eva. Halika, kumapit ka sa akin at aalalayan kita.”
Isinampay ko ang braso ni Manang Eva sa balikat ko at pilit siyang itinayo. Pero may katabaan siya, halos kalahati nga lang yata ng katawan niya ang katawan ko. Kahit anong pilit kong paghila pataas para itayo s‘ya ay hindi ko magawa. Hindi ko kaya ang bigat niya.
“Sige na, Mira. Baka abutan ka pa nila rito. Alam mo naman ang daan papunta roon ‘di ba?”
Tumango ako. “Pero hindi ko po kayo kayang iwan dito baka saktan ka nila.”
Naalala ko na naman ang nangyari kay Hero. Binugbog siya, sinaktan siya ng mga tauhan ni Jester at hindi malayong baka mangyari rin iyon sa kaniya. Ayaw ko, pipilitin ko siyang buhatin. Muli ko ngang sinubukan pero nabigo akong iangat man lang siya sa lupa. Bakit ba kasi napakahina ko?

BINABASA MO ANG
Invisible Cape
General FictionCOMPLETED | Miracle Cojuangco is a living jinx-as what she called herself. She lived her whole life looking for a luck which seems fell on a wide sea of sharks. Unfortunately, her unluckiness starts in her own family and was added by the people arou...