Warning: This chapter may contain triggering words and/or scenes. Read at your own risk.
[08]
NAPAKAGAT ako nang mariin sa aking labi nang lumabas sila Inay. Siya na raw ang maghahatid kay Jester palabas sa eskinita. 'Yong tingin ni inay kanina bago siya lumabas ng bahay ay nakakapagpakaba sa akin.
"Mira!"
Napapiksi ako sa gulat nang kumalabog ang pinto. Pumasok si Itay na may hawak na bote sa kaliwang kamay. Pasuray-suray at halos matumba na nang tuluyan nang tumuloy siya sa pagpasok.
"Nasaan ang asawa ko?" tanong niya.
"N-Nasa labas po, h-hinatid po si Jester."
Lumagok muna siya ng alak bago humalakhak. "Nand'yan na naman pala ang manliligaw mong madatung! Ano, magkano na ba nakuha mong pera?" tanong niya sa pagitan ng mga sinok.
"Hindi po ako kumukuha sa kaniya ng kahit magkanong pera."
Napapikit ako nang makatikim ng pagbatok mula kay Itay. "Eh ang tanga-tanga mo naman pala! Hoy, Mira, gamitin mo iyang kukote mo! Walang silbi!" sigaw niya.
"Anong kaguluhan ito?"
Parehas kaming napalingon ni Itay sa gawing pintuan nang pumasok doon si Inay. Nakapamewang siyang humarap sa amin.
"Itong engot na batang ito, pinagsasabihan ko lang. Eh napakatanga! Wala pang nahuhuthot na pera sa mayamang binata!" depensa ni Itay.
"Mabuti't pinaalala mo."
Isang malakas na sampal mula kay Inay ang halos makapagpabingi sa akin. Sa ilang linggo na hindi na ako sinasampal ni Inay, inakala ko na hindi niya na ulit ako sasaktan sa bahagi na kita ng marami. Pakiramdam ko ay bago na naman sa akin ang natanggap kong sampal. Para iyong unang sampal na natanggap ko kay Inay noong bata pa ako.
Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang pisngi. Parang hindi na ako sanay sa sakit ng pisngi ko. Unti-unti—hindi katulad ng dati— nag-unahan ang mga luha kong lumabas sa mga mata ko na dati kong pang napipigilan.
"Ano ngayon, iiyak-iyak ka?" Dinuro-duro naman ngayon ni Inay ang sintido ko. "Hoy! Wala ngayon ang prince charming mo! Aalis at 'di muna magpapakita kasi binasted mo!"
Tama, hindi ko sinagot si Jester nang tagalugin niya ang unang tanong. Ang sabi ni Ate Chika, ang magnobyo at nobya raw ay nagmamahalan. At hindi ko naman mahal si Jester. Hindi siya ang mahal ko.
"Inay, hindi ko naman po kasi siya gusto," mahina kong katwiran.
"At sasagot ka pa?" Isang malakas na tulak ang natanggap ko mula kay Inay, dahilan para matumba ako sa sahig. "Hindi ka pinanganak sa mayamang pamilya kaya wag kang mamili! Palay na ang lumalapit sa iyo, tanga!"
Sa galit ni Inay ay sinipa niya ako na nakapagpangiwi sa akin. Gusto kong tuluyan nang mamilipit sa sahig pero pinilit kong ipagsiksikan ang sarili sa malamig na pader.
"Buwisit!" ang huling pasigaw na katagang narinig ko mula kay Inay bago niya tuluyang lisanin ang bahay. Sumunod si Itay na binigyan din ako ng sipa.
Ano kaya ang pakiramdam 'pag pinaramdam sa iyo ang pagmamahal ng isang magulang?
"MAGTALI ka nga Mira ng buhok mo," utos ni Ate Chika. "Pawis na pawis ka na."
Umiling lang ako bilang sagot at ipinagpatuloy ang pagsasampay. Hindi ko namalayang nakalapit na pala sa likuran ko si Ate Chika. Nagulat ako nang agad niyang itaas ang buhok ko na agad ko rin namang hinablot mula sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Invisible Cape
Tiểu Thuyết ChungCOMPLETED | Miracle Cojuangco is a living jinx-as what she called herself. She lived her whole life looking for a luck which seems fell on a wide sea of sharks. Unfortunately, her unluckiness starts in her own family and was added by the people arou...