ABYSS 7

102 46 3
                                    

ɴᴀᴋᴀᴛɪᴛɪɢ sa isa't-isa sina Jeiren, at Jyriz.


"Bakit ka nakangiti ha?" inis na tanong ng dalaga.

Nawala ang ngiti ni Jeiren, "Eh, ano saiyo?" tanong ni Jeiren at kumawala sa pagkakayakap niya sa dalaga na ang parehang kamay niya ay nakakapit sa bewang ni Jyriz.

"A-ano bang nangyari?" tanong ni Jyriz.

"Sige tingnan mo kung ano nga ang ginawa mo sa buong kuwarto natin. At pagkatapos maligo ka na para makapasok na tayo." Utos ng binatilyo at saka lumabas ng kuwarto.

Doon niya nakita na halos nasusunog pa ang ibang gamit kaya imbis na malungkot, at wala siyang gawin, mula sa kanyang itinaas ng mga kamay sa magkabilang panig eh, unti-unting bumabalik sa dati ang ilang bagay na nasira habang nababalutan ng kulay puting awra. Ibinabalik ni Jyriz ang mga gamit na nasira niya nang siya'y nagwala.

Kinuha na niya ang tuwalya at saka lumabas ng kuwarto para maligo. Naka-upo sa sofa ang mga zombie habang ikinukuwento ng mga kasamahan ni Jeiren ang pangyayari kani-kanina lang ukol sa dalaga. At si Jeiren naman ay binabasa ang sinasabi pa sa kanya ng libro.

"Seryoso! Kulay pula ang buhok niya at saka ang mga mata halong puti ang itim!" hiyaw ni Rovic.

"Ang awra niya pati halatang mainit na para bang kapag lumapit ka, ikakalusaw ng katawan mo," singit pa ni Gerald.

"Maigi pala nasa kabila kami," wika naman ni Jericho.

Hrl ihgejv welg ez hrl nhsr rmi m seawljimhnej. Rlj je ejl bewli eg smgli zeg rlg, nh'i bncl m weniej hrmh nbb vgmdpmbbo cnbb rlg. (The strong power of the witch has a compensation. When no one loves or cares for her, it's like a poison that will gradually kill her.)

Glalaflg hrni dlaej, rlj oep he mgl mbglmdo nj bewl, mjd oep nbb znvrh znlgslbo. Dej'h lqwlsh he fl mfbl he glvmnj rlg ihgljvhr mvmnj. Ie fl smglzpb nhr lwlgo dlsninej oep amcl. (Remember this demon, when you two are already in love, and you will fight fiercely. Don't expect to be able to regain her strength again. So be careful with every decision you make.)

"Ano bang pinagsasasabi ng librong iyan ha?" tanong ni Brent kay Jeiren.

"Advises lang," tugon ni Jeiren sa kanya pero nakatingin siya sa libro.

Nang nakita na nila ang dalaga na nakabihis eh, nagmamadali itong lumabas pero tumigil nang bukas na ang harapang pintuan.

"May bibilhin lang ako ha! Dumiretso na kayo sa klasrum, susunod na lang ako!" hiyaw ng dalaga at saka umalis.

"Bakit nagmamadali iyon?" tanong ni Jeiren.

"Mayroon siyang bibilhin daw," tugon ni Nicolas sa kanya.

"Bibilhin? Bakit may black card ba siya?" tanong ni Jeiren na ikinalaki ng mga mata niya, ibinaba ang libro sa lamesita at saka nagtungo sa kuwarto upang balikan kung saan nakatago ang kanyang black card sa kabinet.

"Anak ng pating...ginamit niya black card ko," sambit ni Jeiren habang isinasarado muli ang kabinet.

"Iba na talaga kapag may asawa ano?" nakasadal sa hambana ng pintuan si Jack.

"Gago! Hindi ko siya asawa," saad ni Jeiren at lumabas ng kuwarto, "Ano'ng sabi ng isang iyon?" tanong niya sa kasamahan.

"Ang sabi mauna na raw tayo sa klasrum at susunod na lang siya," tugon ni Markus sa tanong niya.

Tumayo na ang ilan, "May problema ba?" tanong naman ni Benjie.

"Tara na!" yakag na niya sa mga kaklase at saka lumabas ng dormitoryo nila kasunod ang mga kasamahan.

Beyond The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon