ABYSS 17

60 29 0
                                        

ᴀʟᴀs tres ng hapon nang yugyugin muli ni Jamaica si Jyriz, at saka ito lamang inalis ang kumot na nakabalot sa kanyang buong katawan.

"Dalawang araw na ang lumipas, at natulog ka lang. Para kang naghybernate," wika niya.

"Bampira ako eh," sambit ni Jyriz na tiniklop ang kumot.

"Pasensya na sa sinabi ko noong Martes," sambit ni Jamaica.

Umiling lang ang dalaga.

"Uuwi lang ako kung uuwi ka rin," saad ni Jamaica na ikinatigil ni Jyriz sa kanyang ginagawa at tumingin sa ina ni Jeiren.

Napatingin si Jyriz kay Jamaica.

"Hindi ko sigurado ang kaligtasan mo pagbalik natin Mica," saad ng dalaga.

Ngumiti si Jamaica, "Half-human ako iha, at half vampire kaya kalma ka lang," wika ni Jamaica.

Tumango si Jyriz na inalis na ni Jamaica ang pulseras niyang inilagay sa dalaga.

"Pustahan tayo kapag nakita tayo ni Jeiren ay ikaw ang una niyang yayakapin,"

"Ayako wala akong pangpusta," iiling-iling na wika ni Jyriz.

"Hmm, paano kung ang pusta mo eh, labi mo ulit?" suwestyon ni Jamaica.

"Ayako nga! Grabeh ka!" hiyaw ng dalaga.

Bitbit ni Jyriz ang pack-bag na naiwan niya sa kanyang apartment na naglalaman ng ilang de-latang pagkain, bulaklak, at halamang paborito niya. Habang si Jamaica ay hindi inalis ang apron sa kanyang katawan.

"Bibit-bitin mo iyang apron?" tanong ng dalaga.

"Oo, aangkinin ko apron mo," tugon ni Jamaica.

"Ah, okay lang apron lang iyan," wika ni Jyriz.

"Jyriz?" tawag ni Jamaica.

"Oh?"

Ngumiti si Jamaica, "Salamat ha? Salamat at hindi mo ako pinagtulakan,"

"Gusto mo bang kultukan ako ng anak mo?"

"Ganoon lang iyon pero nagca-care lang iyon," tugon ni Jamaica na ina-ayos niya ang pack-bag ni Jyriz.

"Masungit pati!" maktol na ni Jyriz at lumabas na ng apartment.

Kasunod lang ni Jyriz si Jamaica na humabol ito hanggang sa magtapatan sila.

"Ano bang sinabi saiyo at nasungitan ka ha?" tanong ni Jamaica sa dalaga.

"May kinakain ako as in paborito ko...corpse flower tapos nagalit siya na last kain ko na raw noon, pati ba naman kinakain ko susungitan niya? Problema niya?"

"Hindi ba...pagkain ng mga mangkukulam na babae iyon?" tanong ni Jamaica.

"Oo, at mangkukulam nga ako eh, ano naman sa kanya kung paborito ko iyon?" iritang tanong ni Jyriz.

"Jyriz kasi ang pagkain na iyon ay para sa mga may asawang mangkukulam at hindi single at saka isa pa, kinain mo ba iyon mismo sa harapan ni Jeiren?" tanong ni Jamaica at tumango lang ang dalaga.

Bumugtong-hininga muna si Jamaica habang naglalakad silang dalawa.

"Kaya nga magagalit si Jeiren, dahil para kang nagb-bj sa lagay na iyan." Paliwanag ni Jamaica sa dalaga.

"At dahil ano? Gusto niya ganoon na kain ang gawin ko sa kanya?"

"Jyriz, hindi sa ganoon. Ang ibig sigurong sabihin ni Jeijei eh, kakain ka lang noon kapag solo ka at walang kasama ni-isa." Paglilinaw ni Jamaica sa kanya.

Beyond The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon