ABYSS 9

95 50 13
                                    

ᴀʀᴀᴡ ng Lunes at na-unang magising si Jyriz mula sa mga kaklase, at doon niya nakita ang isang kahon ng tsokolate. Sa kanyang ngiti hindi na niya pinalagpas pa ito. Habang sa kuwarto naman ang anim na magkakaklaseng lalaki ay kakagising pa lamang, nang tumayo si Benjie sa pintuan para hindi makalabas ang mga kasamahan.

"May nagteks sa akin na natulungan ko sa ibang seksyon na mayroon daw siyang nakitang nagdala ng isang kahon sa loob, hindi niya nakita kung sino ang nagbigay dahil nakahood daw ito. At tanging nakita niya ay ang kahon...naglalaman daw ito ng bilog na tsokolate." Paliwanag ni Benjie.

"Ang mahika ba niya ay sa mata?" tanong sa kanya ni Sebastian.

"Ganoon na nga," tugon ni Benjie, "Nang ginamit niya ang kanyang mahika...mayroon itong alkohol kaya ko sinabi agad sa inyo" dagdag pa ni Benjie.

"Teka, na saan si Jyriz?" palinga-linga na tanong ni Zyke.

"Shit..." sambit na lang ni Jeiren.

Binuksan na ni Benjie ang pintuan ng kanilang kuwarto, at doon nakita nilang lahat sa kanilang paglabas ang dalaga na naka-upo sa sofa.

"Jyriz!" galit na tawag ni Jeiren.

Napalingon si Jyriz at amus-amos pa ang kanyang bibig dahil sa tsokolate, pinahid niya ang kanyang amos tsaka tumayo habang kapit-kapit ang nag-iisang piraso ng tsokolate.

"Bakit ka ba galit ha?" tanong ng dalaga.

"Bakit mo kinain iyan ha?" kunot-noo na tanong ni Jeiren sa kanya.

"Tsokolate eh, malamang kakainin ko at saka bawal bang kainin ang bigay ng chicks ninyo ha?" tanong niya pabalik.

"May alkohol ang kinain mo Jyriz," singit ni Gerald.

"Oh? Kaya pala nasakit na ang ulo ko," ngiting sambit ng dalaga saka sininok.

Kinuha ni Jyriz ang kahon at saka ipinakita sa mga kaklase, "Sorry ha? Naubos ko ang sarap eh," saad niya.

"Hindi mo ba alam na nakakasama sa mahika natin ang alkohol?" tanong sa kanya ni Rovic.

"Oooh! Kaya pala nagagalit si Pogiii..." duro ni Jyriz kay Jeiren.

"Mahina ka kapag naka-intake ka ng alkohol Jyriz, ilang ulit ko ba sasabihin saiyo iyon ha?" pilit na pina-uunawa ni Jeiren sa kanya.

Tatangu-tango lang si Jyriz, at ngiti niya'y hindi napapawi hanggang sa tumingin siya sa mga kaklase.

"Siguro sa inyo, oo, manghihina kayo kaso, sa akin? Heh, hindi mangyayari-ah-ah...achoo!" kasabay ng bahing ni Jyriz ang apoy na lumanit sa sofa, at ang uhog sa kanyang ilong.

"Hala, sinisipon ka na," sambit ni Markus, at pinahiran ang kanyang uhog sa ilong na parang bata.

"Sa susunod huwag ka ng kumain na mayroong alkohol, maliwanag ba Jyriz?" tanong ni Jeiren sa kanya.

"Hmm...pakiss muna." Naka-ngusong utos ng dalaga, at ikinagutla nilang lahat.

"Feel ko ikaw iyong tinutukoy ng nanay ni Jyriz kahapon," saad ni Gerald at saka tumingin kay Jeiren.

"Hindi ito tamang oras para mang-asar ka Gerald," wika ni Jeiren pabalik.

"Mabibinat ka sa ginagawa mo Jyriz," paalala ni Rovic sa kanya.

"Hindi ah! Okay na ako, thank you! *hic!* takte..."

"Na alalala ko kung nalaman ko lang kung sinu-sino ang mamamatay dapat eh, buhay pa sila hanggang ngayon!" hiyaw ng dalaga at sumubsob sa sofa habang nakaharap pa sa mga kaklase.

"Sabi namin na hindi mo nga kasalanan iyon," saad ni Markus.

"Nakita ko iyon!" hiyaw ni Jyriz, "Dahil sabi ng walang nunal na Jeiren eh, siya raw ang papatay. Wirdo niya ha? maypag-akit moment pa...halata namang hindi siya si Jei-sungit,"

Beyond The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon