jyriz's pov
Paano ko ba sisimulan? Ah!
"Nagsimula iyon noong inutusan siya ni Pres, nagmamaktol nga siya eh!"
"Jyriz naman," sambit ni Rovic.
"Kesho raw pagkakataon na niyang makahanap ng mate eh, nautusan pa 'dba?" nakangiti na tanong ng dalaga kay Rovic habang masama ang tingin ni Rovic sa dalaga.
"Kaya pala mainit ang ulo noon," tatangu-tangong wika ni Jeiren.
"Tapos ilang minuto nakaramdam ako...isang takot na mamatay," patuloy na kuwento ng dalaga.
"Paano ilang oras na lang eh," sambit naman ni Shiela.
"Kaya noong gumamit ako ng parang radar para sa mahika ay malamang-lamang na nakita ko na ang lahat kung ano ang mahika niya, kahinaan, at ideal na lala--"
"Grabeh aba!" sambit ni Shiela, "Don't tell me pati dati kong kras alam mo pa ha?" tanong niya.
Ngumiti lang ako sa kanya, at kakatuwa ang reaksyon niya.
"Vic!" hiyaw niya, at saka yumapos kay Rovic.
Napatawa na lang si Rovic, at umiling.
Makinig kayo o mamamatay kayong pareha! Ako lang ang susundin ninyo, at wala ng iba pa!
Demonyo ka talaga!
Hindi kami susunod sa kagaya mo!
"Meaning alam na rin ni Jyriz na meant to be siya kay Jeiren?" dinig kong tanong naman ni Cynthia.
"Hala, baka magalit ang Ate niyan eh!"
"Jyriz?" tawag ni Jeiren kaso nakapokus talaga ako sa gawing nakaharap na ako.
Tapatan ng akademya, pero malayo sila mula sa sakop ng akademya.
"Demonyo," saad ko.
"Ano'ng nakikita mo?"
"Jei, mayroong dalawang dragon isang tubig, isang kuryente. At gagong demonyo."
"Nasa labas ng akademya--"
"Mate nina Gerald, at Markus," dagdag ko pa.
Nanahimik siya.
"Ano pang hinihintay ninyong dalawa? Kunin ninyo ang mate ninyo, at back-up na lang kami ni Jyriz." Utos na narinig ko mula kay Jeiren na ikinatingin ko sa kanya.
"Sira ka! Kakasabi ko lang na demonyo ang kasama eh!"
"Wala silang karapatang magmate kung hindi nila maipagtanggol ang mate nila ng sila lamang,"
Masungit o gago itong si Jeiren? Nakakainis ihh!
"Jyriz, huwag kang magteteleport, at hihigitin kita riyan." Banta niya sa akin.
"Hindi ako gagawa ng teleport," saad ko.
Umalis na sina Gerald, at Markus na ikinatigil muna nina Jeiren para maging back-up kung kailangan nilang dalawa ng tulong. Lumalamig ang hangin na dumadampi sa aking balat. Ilang minuto ang lumipas nang bumalik sila kasama ang dalawa pang dalaga, medyo napangiti ako kasi, atleast carry na nila kaso sa likuran nila ang malaking halimaw...kikilos sana ako nang namilipit na ito sa sakit.
We are in beyond of the abyss, at malamang-lamang na demon nga si Jeiren his strength fascinates me minsan. Kaya nga isa na siya sa importante sa akin kahit na sinabi ng Lola ko, at Nanay ko na siya ang destined sa akin, he's far more important.
Ayakong aminin pero...I love the way he stopped that monster. Kulay itim ang mga mata niya right now, habang iginagalaw ang kaliwang kamay na parang mayroon siyang dinudurog mula sa malaki niyang palad.
"Jyriz!" napatingin ako sa nagtawag...si Rovic, and he's smiling.
"Bakit ka nakangiti?" tanong ko.
"Baka malusaw si Jeiren sa titig mo kasi," wika niya.
Syete...nahuli niya ba akong nakatitig kay Rejie ko?
"Tanga ka," sambit ko na ikinabalik-tiningin ko sa halimaw.
Matapos mawalan ng hininga ang halimaw unti-unti na siyang naglalaho na parang abo. Napatingin ako kay Jeiren na nakatingin din siya sa akin.
"Akala ko ba kapag kalaban dapat may kakainin sina Zyke?"
"Demonyo siya Jyriz, baka macorrupt masyado sina Seb, at Zyke kapag kinain nila ang isang demon." Paliwanag niya.
Nakatingin lang kami sa kanila na hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam na ako ng pagod, marahil sa buwan ngayon ng Setyembre.
"Paano kayo napapuntang dalawa roon ha?" tanong na ni Shiela sa dalawang dalaga.
"Tumakas kami mula sa mga tao sa taas may tumulong pero hindi kami sigurado kung sino siya o kung ano ang balak niya."
"Ang mahalaga ligtas na kayong dalawa," saad naman ni Cynthia.
Hi-hindi ko na kaya...
"Jyriz!" dinig kong hiyaw na lang ni Jeiren ko...
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Beyond The Abyss
Fantasy[OLD] 𝘞𝘪𝘵𝘤𝘩𝘦𝘴 𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘋𝘦𝘷𝘪𝘭'𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵. Under the Taal Volcano, the tunnel leading to a famous academy is accessible by invitation only. When Jyriz is transferred to a section feared by the students, she meets the man she never...