jyriz's pov
Nagising ako dahilan sa nagugutom ako. Nakita kong kausap ni Jeiren sina Mama Jamaica at ang Prinsipal, hindi ko na lang sila pinansin dahil ang tiyan ko sadyang nagwawala na.
"Jyriz? Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Jeiren.
Wala akong ganang tumugon, hindi ko rin alam ang dahilan. Kumuha lang ako ng makakain habang nakatayo'y ngumunguya ako, tinapos ko lang ang aking pagkain saka ako umalis kaso...
"J-Jyriz!" dinig kong hiyaw ni Jeiren.
"Ano ka ba?"
Hmm...ano bang mayroon?
"Dadalhan na lang kita ng pagkain sa susunod," saad niya.
"Hnn...Jeiren..."
"Oo, magpahinga ka lang," bait...
Mahirap kapag ganitong nasa state ako ng pagpapahinga...masasabi kong vulnerable ako kapag ganito. Sa pagkakahiga niya sa akin sa kama hindi ko na siya namalayang umalis. Dahil ang kasunod kong gising ay umaga na muli...hindi rin ako sigurado kung ano'ng araw na o oras...
"Morning! Idilat mo muna ang mga mata mo, at tatapakan mo na umagahan mo." Utos ni Jeiren sa akin na nakita kong nasa isang maliit na lamesa ang isang tray na puno ng pagkain.
Naupo na lamang ako saka kumain. Hindi ko na lang pinansin kung ano ang kinakain ko dahil ang kailangan ko lang ay mayroong malaman ang tiyan ko saka ako tutulog muli. Hindi naman ako bampira para magdirediretchong tulog.
Matapos kung kumain nagutla ako nang punasan ni Jeiren ang bibig ko ng tissue.
"Dapat naghe-heavy meal ka, gusto mo ng dugo? Para dire-diretcho ang tulog mo?" suwestyon niya sa akin.
Tumango na lang ako. Half vampire naman ako kaso, nakakaramdam talaga ako ng gutom...
Kinapitan niya ang kamay ko saka kami lumabas ng kuwarto, dumiretso kami sa salas na kung saan inabutan na si Jeiren ng tatlong pack ng dugo na binuksan na niya saka ko sinipsip ang kinalalagyan.
"Dapat nang nagising siya iyan ang pinakain mo na sa kanya anak,"
"Ngayon ko lang naisip eh," maktol ni Jeiren.
Nakita kong nasa kusina rin ang Mama Jamaica, at ang tatay ni Jeiren. Naabala ko pa sila sa hibernation state ko. Matapos kong kainin ang isa, inabutan pa ako ni Jeiren na hindi naman sobra kaya sinipsipan ko muli ang lagayan.
"Lakas sa dugo ah!" sambit ni Jeiren na hindi ko na lang pinansin.
Para akong patay-gutom sa lagay ko eh!
Naubos ko ang tatlong hinanda nila para sa akin na kung saan doon na lang din ako nawalan muli ng kamalayan.
Hindi ko alam kung ilang oras, araw, buwan, akong tulog...
Pagkamulat ko'y maliwanag ang kapaligiran.
Jusko! Hubo't-hubad na si Jeiren, halos kakaligo lang niya dahil basa pa ang kanyang buhok...malaman.
Takte ka Jyriz!
Ang hot talaga niya ah!
Langya gusto kong magpretend na tulog kaso...
Mahahawakan ko kaya?
"Akala ko hindi ka na mumulat diyan," saad niya.
Eh? Alam ba niya na kanina pa akong gising?
Nagsuot muna siya ng brip saka lumapit sa akin.
"Hoy! Magbihis ka muna!" Utos ko sa kanya.
Nakangisi ang kupal...
"Kunwari ka pa kanina mo pa akong kinakain," wika niya.
"Gago ka! Kakagising ko lang." Pagdedepensa ko.
"Amina kamay mo." Utos niya sa akin.
"Ayako!" Hiyaw ko sa kanya.
Sapilitan niyang kinuha ang kamay ko saka idinikit sa dibdib niya na siya mismo ang lumuhod sa tabi ng kama para hindi na ako tatayo para mahawakan lang ang balat niya.
"Nakyukyuryus ka o?" tigil niyang tanong, "Katabi ko kasi ang libro kaya oo, nalaman ko nasa isip mo,"
Anak ng—
Gago talaga ang libro eh!
Hindi ko napansin na naroroon pala ang libro...kainis!
Dahan-dahang ibinababa ni Jeiren ang kamay ko sa kanyang tiyan hanggang sa bandang...
"Jyriz," nagutla akong bulong niya.
"Hoy...a-ano'ng bi-binabalak mo riyan ha?" utal kong tanong.
Tanga lang Jyriz!
Bakit ka kinakabahan?
Pagpikit ko ng mga mata ko'y napamulat na lang ako na hindi siya hubo't-hubad...Nakatingin sa akin si Jeiren na mayroon siyang damit.
"Jyriz?" tawag niya sa akin.
"Jeiren, mahal kita," sabi ko na itinulog ko na lang tutal panaginip lang yata lahat.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Beyond The Abyss
Fantasy[OLD] 𝘞𝘪𝘵𝘤𝘩𝘦𝘴 𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘋𝘦𝘷𝘪𝘭'𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵. Under the Taal Volcano, the tunnel leading to a famous academy is accessible by invitation only. When Jyriz is transferred to a section feared by the students, she meets the man she never...