ABYSS 19

54 29 1
                                        

ᴘᴀɢᴍᴜʟᴀᴛ ni Jyriz napatingin siya sa tapatang bintana na kung saan bumalik-tingin siya sa gawi ni Jeiren, mahimbing pa ang tulog ng binatilyo. Dahan-dahan paalis si Jyriz nang sa paglayo niya sa kama agad siyang kinapitan ni Jeiren sa kaliwang kamay.

"Saan ka pupunta?"

"Eh? Banyo malamang," gutlang tanong ng dalaga.

"Teka." Utos ni Jeiren at bumangon na halata mong nahihilo pa siya sa antok.

Sumunod lang si Jeiren kay Jyriz nang isasarado ng dalaga ang pintuan ng banyo humarang na si Jeiren sa pintuan.

"Rejie, ano ba?"

"Baka takasan mo na naman ako," wika ni Jeiren at nakayuko habang nakatayo.

"Mukha kang ewan, iihi lang ako ah! Seryoso papanuorin mo akong umihi?" iritang tanong ng dalaga sa kanya.

"Umihi ka lang diyan at dito lang ako." utos ni Jeiren.

Umihi na lang si Jyriz habang nakatingin siya sa binatilyo na akala mong antok pa dahil nakayuko ang ulo niya. Matapos ng dalaga, ipina-flush niya ang kubeta, nagsirit ng bidae mula sa likuran, at saka itinaas ang kanyang suot na undergarments at panjama. Tumigil siya sa harapan ni Jeiren at pumikit na ikinapula ng kanyang buhok muli.

"Jei," tawag ng dalaga sa kanya habang tinititigan niya ang nakapikit na mga mata ni Jeiren.

Pagdilat ng mga mata ni Jeiren nakita niyang pula ang buhok ng dalaga na ikinatitig niya rito.

"Ba-bakit...bakit pula ang bu-buhok mo?" utal na tanong ni Jeiren.

Ngumiti lalo ang dalaga, "Umamin ka nga demonyo, natatakot ka bang mawala ang puso mo?" tanong ni Jyriz.

"Iba ka ngayon," saad ni Jeiren.

"Ngayon lang ito," agad pinalibot ni Jyriz ang kanyang parehang braso sa leeg ni Jeiren, at saka niya idinampi ang kanyang labi sa binatilyo.

Nang ibuka ni Jeiren ang kanyang bibig doon lamang ipinasok ni Jyriz ang kanyang dila sa bibig ni Jeiren, agad kinapitan ni Jeiren ang kanyang likuran at saka idikit sa kanyang katawan. Humihinga na lamang sila pareha sa ilong habang hinahayaan na lamang ng dalaga na tikman siya ni Jeiren. Napapikit si Jeiren na kung saan idinaus-os ng dalaga ang kanyang kaliwang kamay sa tagilirang mukha ng binatilyo.

Ren? Asan ka na? Akala ko ba maaga kang papasok? – Zyke

Pagkakawala ni Jeiren halos nagtitigan pa silang dalawa, at saka ngumiti si Jyriz.

"Tatanghaliin tayo nito," wika ni Jyriz.

"Hinahanap na nga ako ni Zyke," napangiting sabi ni Jeiren.

Sumingit pa ng isa pang halik si Jyriz kay Jeiren na tumugon na lamang ang binatilyo, at saka bumalik ng kuwarto ang dalaga, habang si Jeiren nagtungo naman sa kusina.

Istorbo, ano'ng kailangan mo? – Jeiren

Ano naglalampungan na naman kayo ni Jyriz diyan ha? – Zyke

Pake mo ba? At bakit ba? – Jeiren

Nagtalik na ba kayo ha? – Zyke

Chismoso. Hindi. Bakit mo ba ako hanap gago? – Jeiren

Pumunta ka na rito at saka ko ipapaliwanag may kakaibang nangyayari kasi – Zyke

Sige – Jeiren

Matapos maligo ng dalaga ay nagbihis na siya agad dahil sumunod naman sa banyo si Jeiren. Matapos mag bihis ni Jyriz naghanda lang siya ng mainit na tsaa habang ina-antay ang binatilyo sa paliligo. Napakunot ang noo ni Jyriz nang napansin niyang wala ang ina ng binatilyo, kaya nang nakabihis na si Jeiren...

"Rejie, si Mama Jamaica?" tanong ng dalaga.

"Tulog pa, at sinilip ko huwag kang mag-alala nagka-usap kasi iyong dalawa kagabi," tugon ni Jeiren, "Ano tara na?" tanong ni Jeiren na humuling higop lang si Jyriz at saka inilagay sa lababo ang mug, at sumunod na rin sa binatilyo.

Pagkarating nilang dalawa sa akademya dumiretso silang pareha sa opisina.

"May kaunting pagbabago," panimula ni Jeiren, "Hindi na papasok si Jyriz pero halos lahat siya ang gagawa ng ginagawa ninyo maliban kay Rovic," dagdag pa niya.

"Ayos! Makakagala ng walang pahintulot!" ngiting hiyaw ni Sebastian.

"Mukha kang gala," sambit naman ni Gerald.

Napatingin si Jyriz kay Jeiren pero hindi siya nito tiningnan pabalik.

"Iabot ninyo ito sa titser ninyo, at kailangan ko ng sagot asap na sila mismo ang pupunta sa opisina." Paliwanag ni Jeiren.

"Masusunod Pres!" saludo ni Sebastian, at binatukan na lang siya ni Benjie.

"Mukha kang tanga alam mo iyon?" iritang tanong sa kanya ng kasama.

"Sige aalis na kami." Paalam ni Gerald.

Pagka-alis ng limang binatilyo isinalpak ni Rovic ang pareha niyang kamay sa lamesa.

"Problema mo?" seryosong tanong ni Jeiren.

"Ikaw. Ano ang problema mo, at ako lang itinira mo lang dito ha?" galit na tanong ni Rovic sa kanya.

"Eh, ano kung itinira kita? At sasamahan mo si Jyriz since hindi niya alam ang paligid ng paaralan,"

"Bakit hindi ikaw?" tanong ni Rovic.

Nakatitig pa rin si Jeiren sa kanya, "Gusto mo ikaw pumirma rito pero hindi ako malalagot, at saka ako papayag na ako sumama sa kanya."

Pumilantik ang dila ni Rovic, at saka lumabas ng opisina na lamang.

"Mukhang badtrip sa pamilya, sumunod ka na sa kanya Riz, at baka ikaw pa ang pagbuntunan." Utos ni Jeiren na nagpokus sa kanyang ginagawa.

Yumuko muna si Jyriz, at saka lumabas na rin. Ngunit nakita niyang naglalakad na sa malayo ang binatilyo. Nanakbo na si Jyriz para makahabol kay Rovic, at nanatili siya sa likuran nito. Gumala sila sa buong akademya na kung saan tahimik lang sila pareho ni Rovic. Natigil si Rovic sa tapatan ng isang covered-court na natigil din ang dalaga.

"Alam mo bang problemado ako ngayon?" tanong ni Rovic na hindi siya lumilingon sa dalaga.

"Ukol saan?" tanong ni Jyriz.

"Kailangan ko ng mate...katulad kong pure blood, at tama lang ang awra namin sa isa't-isa. Kaso hetong tatay ko, nataranta, at kung sinu-sino ang nirerekomenda, tanga. Alam naman niyang hindi basta-basta nagmamarka ang mga bampira, hindi katulad ng mga half-demon na kagaya ni Jeiren." Inis na sagot ni Rovic.

Ipinula ni Jyriz ang kanyang mga mata, at ultimong naghahanap siya ng maaaring katulad na awra ni Rovic mula sa akademya.

"Hindi ko masabi kina Zyke, at Jeiren kasi...ayakong maabala sila kaso, iyong pagkakataon kanina dapat maghahanap na ako kaso heto, sasamahan pa kita dahil hindi mo saulo ang paaralan. Hindi naman sa ayaw ko kaso, ayaw ko pang mamatay Jyriz, bumalik ka na muna kay Jeiren, at maghahanap--" pagharap ni Rovic sa dalaga kaka-alis lang ng pulang buhok, at mata si Jyriz.

Kinapitan ni Jyriz ang kanang kamay ni Rovic, at hinigit papalayo.

"Hoy, teka! Saan tayo pupunta?" tanong ni Rovic, "Mainit pa ang ulo ko ha!" paalala pa niya ngunit patuloy na silang nananakbo na hindi pinapansin si Rovic ni Jyriz.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Beyond The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon