ɴᴀɢᴜᴛʟᴀ na lamang din sila nang nahigop sina Markus, at Gerald sa posisyon ni Benjie na kung saan naglaho silang tatlo.
"Dapat talaga nakokontrol mo asawa mo aba," sambit ni Zyke.
"Kapag lalo mong kinokontrol, lalo lang tumitigas ang ulo," saad ni Jeiren, at bumalik na lang sa kanyang puwesto.
Kinuhit ni Shiela si Rovic na ikinatingin niya sa dalaga, "Wala ba tayong gagawin?" pabulong niyang tanong.
Hindi muna sinagot ni Rovic ang dalaga bagkus ay tumingin siya kay Jeiren, at saka bumalik-tingin kay Sheila na ang itinugon niya'y umiling. Ilang minuto pa ang lumipas nang sa isang malaking lagusan ay sama-sama na silang lahat pero mayroon silang kasamang isang babae, at isang lalaki.
"Sabi ko gagawan ko na lang kayo ng bago ah!" hiyaw ni Jyriz.
"Nag-aaksaya ka ng mahika mo babae, purkit si Jeiren ang mate mo, it doesn't mean na dapat ubos-biyaya kang nag-aaksa ng enerhiya!" hiyaw pabalik ni Gerald na pinipigilan ni Markus ang kasamahan.
"Hindi aksayado iyon!" hiyaw muli ni Jyriz.
"Kasya naman tayo sa iisa ah? At isa pa, mapanganib na iwanan ka sa kupal na iyan!" duro ni Gerald ng daliri niyang mayroong apoy.
"Report," sambit ni Jeiren na nagsusulat pa sa lamesa niya.
"Kinuha ko lang mate ko raw ayon kay Jyriz," tugon ni Benjie.
Napatigil si Jeiren na tumingin sa kasamahan, "Sinamahan ka nina Gerald, at Markus?" tanong niya na tumango na lang si Benjie.
Titingin pa lang si Jeiren nang ihahampas ng lalaki ang kaliwang kamay niya na nagliliyab sa apoy kay Jyriz, ngunit bumaluktot agad ang mga daliri nito pabalik na ikinahiyaw niya. Nagutla silang lahat, at napatingin sa gawi ng lalaki.
"Student No. Mo?" tanong ni Jeiren.
"Gago!" hiyaw ng lalaki.
"Student No.?" Tanong muli ni Jeiren na nagsimulang lumalabas ang dugo sa katawan nito.
Napayakap si Sheila sa kanang braso ng mate niyang si Rovic, habang ang kasamang babaeng mate ni Benjie ay napadikit na rin sa kanya.
"I...van...Con...cordia? Ivan Concordia?" tanong ni Zyke.
Ipinula ni Jyriz ang kanyang mga mata, at sinimulang hanapin ang ngalan mula sa mga folder pati sa kabinet ni Jeiren. Nawala ang pagkapula ng kanyang mata, at humarap kay Jeiren sabay iling.
"Paano ka nakapasok dito?" iritang tanong na ni Jeiren.
Dinuraan lang si Jeiren ng lalaki.
"Mangkukulam ako," sambit ni Jyriz.
"Papatayin kita!" hiyaw ng lalaki ngunit hindi na siya makakilos.
"Jyriz naman," sambit na lang ni Jeiren.
"Bakit ka galit sa akin ha?" tanong ng dalaga.
"Dahil sa inyo minamaliit tayo ng mga demonyo! Akala nila purkit namarkahan na nila ang mga babaeng mangkukulam ay makukuha na nila ang gusto nila!" tugon ng lalaki sa tanong ni Jyriz.
"Depende iyon sa demonyo. Pero ang mga mangkukulam ay kahinaan ng demonyo." Paliwanag ni Jeiren.
Napatingin si Jyriz sa kanya, at umiiling.
Ngumisi ang lalaki na sinipa ni Jyriz, at sa lakas ng impak nakabuo ng bilog na wasak sa pader. Ang kabilang kuwarto ay comfort room ng mga guro kaya mula sa lapag, at imburnal ay inipon ni Jyriz ang elemento ng tubig, pinagsama-sama, at ibinalot sa lalaki.
"Teka Riz," sambit ni Jeiren, "Ako na iyan, at kanina ka pang nagamit ng enerhiya sayang kung pupulbusin mo ang katawan niya na imbis pagkain nina Seb eh, ginawa mo pang abo," dagdag pa ni Jeiren.
BINABASA MO ANG
Beyond The Abyss
Fantastik[OLD] 𝘞𝘪𝘵𝘤𝘩𝘦𝘴 𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘋𝘦𝘷𝘪𝘭'𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵. Under the Taal Volcano, the tunnel leading to a famous academy is accessible by invitation only. When Jyriz is transferred to a section feared by the students, she meets the man she never...
