ɴᴀᴍᴜʟᴀᴛ si Jyriz na ikinabangon niya agad, at doon nakita niya na naghahanap ng damit si Jeiren sa kabinet. Naalala niya ang pamamaalam nito sa kanyang nakita...kaya't ipinikit muna ni Jyriz ang kanyang mga mata saka umalis mula sa kama.
"Aba! Naka-isang araw kang tulog ah! Ano'ng mayroon ha?" tanong ni Jeiren sa kanya.
Tahimik na lumapit ang dalaga saka siya niyakap ng mahigpit na parang matagal silang hindi nagkita, yumakap pabalik si Jeiren sa kanya na mayroon pang halik sa tuktok ng ulo ng dalaga.
"Mayroon ka bang nakita ha?" tanong pa ni Jeiren pero wala siyang nakitang tugon mula rito.
"Jyriz." Tawag ni Jeiren kahit na nakayapos lang ang dalaga sa kanya.
Umiling na lang si Jyriz saka bumitaw sa pagkakayakap mula kay Jeiren, at doon lumabas siya ng kuwarto.
"Jyriz!" tawag ni Jeiren na napakunot-noo siya sa ikinikilos ng dalaga kaya't sinundan niya ito.
Nakarating ang dalaga sa kusina na kung saan kausap ni Jamaica ang asawa na ikinatigil nila nang napatingin sila sa gawi ni Jyriz at ngumiti sila pareha.
"Morning! Mukhang naka-isang araw ka ah?" bati ni Belphegor sa kanya.
Tahimik si Jamaica dahil mayroon siyang nararamdaman mula kay Jyriz.
"Pa, lahat ng mababait na estudsyante at guro na tao'y paalisin ninyo na sa abyss." Panimulang utos ni Jyriz.
"Bakit ano'ng mayroon?" tanong ni Belphegor pa.
Hinawakan ni Jyriz si Jeiren sa dibdib saka tumingin sa kanya, "Tawagin mo na rin sina Zyke, at sasabay ako sa inyo mayroon lang akong tatawagin." Utos ng dalaga saka niya siniilan ng halik sa labi si Jeiren naikinagutla na lamang ng binatilyo.
Naglaho si Jyriz na hindi na nagkaruon ng lagusan tulad dati kaya ang tatlong magpapamilya'y naguguluhan sa nangyayari.
"Baka tama ang sinabi ni Levi ukol sa mangyayari na kutob lang niya," wika ni Belphegor.
"Pupuntahan ko lang sila." Paalam ni Jeiren na tumango na lang ang mag-asawa.
Pagka-alis ni Jeiren...
"Ano'ng gagawin natin?" tanong ni Jamaica sa kanyang asawa.
"Halika magkikita na lang siguro tayo-tayo sa core." Yakag niya rito at sumama na lamang.
Halos lutang pa ang mga kasamahan ni Jeiren dahilan sa pagkakagising ng kani-kanilang mga magulang sa kanila, pati ang kanilang mga mate maliban kina Zyke, at Seb; ay mga wala pa rin sa wisyo.
"Nagpuyat ba kayong lahat ha?" tanong ni Jeiren.
"Gagawa na sana eh, sagabal ka," tugon ni Markus sa kanya.
"Emergency lang ito kasi," saad ni Jeiren.
"Don't tell me nakita ito muli ni Jyriz?" tanong naman ni Rovic.
"Hindi ko rin alam," nagkipit-balikat na lamang si Jeiren.
"Saan ba raw tayo magkikita-kita?" tanong naman ni Benjie.
"Antayin daw natin siya," wika ni Shiela.
"Medyo kinakabahan tuloy ako," wika naman ni Zyke.
Niyakap ni Sebastian si Zyke, "Don't worry baby naririto lang ako,"
Nakiki-ayon si Zyke sa pagkaka-arte ng barkada na umiiling na lang si Jeiren. Ilang oras ang lumipas nang nakita na nila si Jyriz na niyakap muli si Jeiren saka kinapitan ang kanang kamay nito.
"Magkapit-kapit na rin kayo or iiwanan ko kayo." Utos ng dalaga.
"Mauubusan ka na naman niyan." Paalala ni Jeiren.
"Hindi muna na ngayon," ngiting tugon ni Jyriz sa kanya.
Sa kanilang pagkakapit-kapit kamay ay mayroong agad lagusan sa kanilang ilalim. At pagkarating nila sa kabilang lagusan ay mayroong mga nasa itaas na mga tao, napatingala sina Zyke, at Rovic na kung saan ay maraming tao rin na nasa unahan nilang galit ang kanilang mga itsura. Bumitaw lang si Jyriz kina Jeiren sa kanan, at kay Markus sa kaliwang kamay.
"Jyriz!" tawag agad ni Jeiren sa dalaga.
Naging kulay puti ang mahabang buhok ni Jyriz na inalis niya ang kanyang puyod saka lumutang kahanay ng mga nasa itaas din. Sa harapan ng mga taong nasa ibaba'y mayroong malaking plastic na tinatapakan na rin nila.
"Ang lola ko'y mayroong kakayanang makakita ng hinaharap at nakaraan," panimulang salita ni Jyriz na tahimik lang ang lahat, "Naririto ako hindi para angkinin ang trono ko. Naririto ako para lang sagipin ang katahimikan ng paligid." Paliwanag ng dalaga.
"Iyang mga elder ang gumugulo ng katahimikan!" hiyaw mula sa ibabang mga nagkukumpol-kumpol na tao.
Tahimik sina Jeiren pero alerto silang pito dahilan sa mangkukulam ang mga nakapaligid sa kanila, napansin na lang ni Rovic apat na lalaki ang nakatitig sa kanilang gawi. Nag-iba ang mga mata ni Jyriz na naging kulay apoy, at ang buhok nito'y lalong nagningning na iilang mga mamamayan lang ang nakakatingin sa kanya.
Bumaba ang katawan ni Jyriz na ang buhok niya'y sumayad na sa lupa habang ang damit niya'y hindi na kapansin-pansin dahilan sa haba ng kanyang buhok.
"Isang beses ko lang sasabihin ito mga nilalang. Isang kasalanan pa ang mangyayari lahat kayo'y pag-aari na ng impyerno! Tanging matitira lang ay mga hayop, at mga malalapit na nilalang sa katawan na ito na si Jyriz. Wala ng paliwanag at wala ring kaluluwang makukuha kung kayo'y isang necromancer." Paliwanag ng nilalang na nakasanib kay Jyriz.
Humiwalay mula sa katawan ni Jyriz ang matandang Jyriz na ikinagutla nina Jeiren, ngunit ang matandang Jyriz ay bilang nawalan ng mukha na taningin buhok na nagniningning lang ang nakikita nila.
"Mula sa pagkakataong ito ang mga kumampi sa mga tao'y mamamatay kasama ng kanilang pinuno." Pagtutuloy na paliwanag na ni Jyriz mismo.
Ang nilalang na humiwalay sa dalaga'y nasa itaas lang at nanunuod sa kanilang lahat. Pumula ang mga mata ni Jyriz na nagsimulang hindi makahinga ang mga elder, pati ang kanilang followers na nasa itaas.
Nagutla ang mga mamamayan na nasa ibaba.
"Kamahalan!" hiyaw ni Albert, isang elder pero bata mula sa apat pang elders.
"Kayu-kayo ang nagplanong ipapatay ang buong angkan namin dahilan sa clairvoyancy ng aking Lola!" hiyaw ni Jyriz.
"Pero kamahalan..." sambit pa ni Yvette.
"Nakita ko kayo. Kayo mismo ang papatay sa lahat ng mamamayan natin...hindi mamamayan ko." Pagtatama ni Jyriz.
"Ang mas ikinagagalit ko..." tigil pa ni Jyriz na tumingin muna siya sa gawi ni Jeiren, "Ang patayin ninyo ang anim kong naging parte ng buhay ko...bampira, zombie, at mga dragon. Nakita ko rin na gumawa kayo ng serum para maging tao ang isang demonyo, at ginawa ninyo iyon kay Jeiren."
"Hindi namin alam ang sinasabi--"
"Pinatay ninyo ang asawa ko't-anak namin!" hiyaw ni Jyriz at umagos na ang dugo mula sa leeg ni Albert pababa sa plastik na tinatapakan nila.
Isa-isa na rin ang mga taong nasa itaas na nagtutuluan ang kani-kanilang mga dugo, at gumamit na si Markus ng kanyang kakayanan na nag-itusurang mangkok. Napatingin ang anim na binatilyo kay Jeiren ganoong din ang apat na babae sa kanya.
"Seryoso Ren? Kailan mo ginawalaw si Jyriz?" tanong ni Gerald.
"Gago, kakasabi lang niya na nakita niya as clairvoyancy."
Ilang minuto ang lumipas nang naramdaman ni Jeiren na yumakap sa kanyang likuran ang dalaga na hinarap niya saka niya niyakap pabalik. Pinapahid niya ang luha nito gamit ang kanyang hinlalaking daliri.
"Bakit ka pa naiyak ha?" tanong ni Jeiren.
"Namiss kita kaya," maktol na tugon ni Jyriz.
"Akala ko gusto mong gumawa na tayo ng anak natin eh," pabulong na sabi ni Jeiren, at ikinahampas ni Jyriz ang kanyang kanang kamay sa dibdib nito.
--- WAKAS ---
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

BINABASA MO ANG
Beyond The Abyss
Fantasía[OLD] 𝘞𝘪𝘵𝘤𝘩𝘦𝘴 𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘋𝘦𝘷𝘪𝘭'𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵. Under the Taal Volcano, the tunnel leading to a famous academy is accessible by invitation only. When Jyriz is transferred to a section feared by the students, she meets the man she never...