ɴᴀᴋᴀʀᴀᴛɪɴɢ sina Jyriz sa ika-apat na palapag sa Lemon Building kung tawagin nila, bandang dulo ito ng akademya, at tanging mga bampira puro o hindi ang nagkaklase roon. Ipinagbabawal ng ama ni Jeiren ang kung sino man ang pumunta roon na walang pahintulot. Ngunit sa kaso ni Rovic hindi naman hahayaan ng dalaga ang mawalan pa muli ng kasamahan si Jeiren.
"Bawal tayo rito Jyriz!" hiyaw ni Rovic.
"Emergency naman ako na aako ng parusa," sambit ng dalaga, at binuksan ang pintuang nasa harapan nila.
Nagkaklase pa ang nasa loob, at halos ng estudyanteng naroroon ay napatingin sa gawi niya.
"Hindi ba halatang nasa klase kami?" iritang tanong ng guro.
"Shiela Carillo!" hiyaw ni Jyriz.
Bago pa magtinginan ang mga kaklase sa hiniyaw na ngalan ni Jyriz ay agad itong tumayo.
"Kung kailan mamamatay ka na mayroon ka pang atraso sa iba?" tatawa-tawa ng kaklase ni Shiela.
"Kawawa ka naman," saad pa ng kaklaseng babae ni Shiela.
Pumasok na sa loob si Jyriz, at napansin niya sa tapatang board ang isang relos na ang oras na ay alas once cuarenta y cinco na. Nagpahigit na lang si Shiela sa dalaga hanggang sa makalabas sila, walang nagawa ang guro ngunit mayroong napansin si Jyriz sa guro. Mula sa ilalim nina Jyriz, Rovic, at Shiela ang lagusan na gawa niya.
Sa isang madilim na silong ang marking zone ng mga bampira. Mayroong maliit na bintana na kakailanganin pa ng hagdanan para lang makasilip ang nilalang na nasa loob ng silong. Puwersahang ikinapit na ni Jyriz ang kamay ni Shiela kay Rovic, at pareha ang dalawa na tumingin kay Jyriz.
"Alas once cincuenta na! Ano'ng akala ninyo kaya kong patigilin ang oras?" iritang tanong ni Jyriz.
"Mula sa araw na ito, ipinapangako kong proprotektahan kita, at aalagaan ang damdamin--"
"Pambihira para pala kayong tao, at ano mayroon kayong kiss the bride na peg ha?" tanong ng dalaga.
"Pang tao iyon Ate," ngiting tugon ni Shiela na napabugtong hininga si Jyriz, at parehang kinapitan ang kaliwang braso ni Shiela.
Nagsusulat si Jeiren nang nakaramdam siya ng awrang tumagos sa kanyang paa, at ikinalingon niya kina Markus na naroroon na sa kanyang opisina. Napatingin din sina Gerald sa kanya...
"Naramdaman mo rin?" tanong ni Benjie.
"Tapusin ninyo muna ang pagkain ninyo, at saka ninyo istek kung ano iyon." Utos ni Jeiren na tumango na lang sila.
Makalipas pa ng tatlong minuto naramdaman muli nila ang awra ngunit sa pagkakataong ito mas malakas, kaya't napatayo na rin si Jeiren. Sumilip siya sa bintana na nasa likuran niya...
"Shit!" sambit ng binatilyo, at tumingin kina Benjie, "Dito muna kayo." Utos niya, at saka naglaho ang kanyang buong katawan.
"Ano bang nangyayari?" kunot-noo na tanong ni Sebastian.
"Pamilyar iyong awra sa tingin ninyo kilala ninyo rin?" tanong naman ni Benjie.
"For sure kay Jyriz, at hindi naman aalis si Jeiren na hindi naman siya ang napapahamak," saad ni Zyke na sumisipsip pa ng mata.
Natapos naman ang markahan nina Rovic, at Sheila iyon nga lang puti na ang buhok ni Jyriz habang nakayupyop na yakap ni Jeiren siya. Nagsisimula na ring kumulimlim ang kalangitan, at doon lang bumalik ang kulay ng buhok ng dalaga.
"Akala ko lulubog ako sa dilim muli!" ngiting sambit ni Jyriz.
"Magreport kayong tatlo sa opisina ngayon na!" Utos ni Jeiren na kinarga si Jyriz, at pareha silang naglaho.
"Loko, magreport kaming tatlo pero kinuha na niya iyong isa..." sambit ni Rovic na kinapitan na niya ang kanang kamay ni Shiela, at saka sila nagtungo na sa opisina ni Jeiren.
Pagkarating nina Jeiren sa opisina ay saktong may kararating lang ng isang guro, at ibinaba niya muna si Jyriz na naupo sa sofa katabi sina Markus. Inabot kay Jeiren ang ilang folder ng sekretarya ng ama na yumuko, at saka umalis. Ipinatong muna ni Jeiren ang mga folder sa kanyang lamesa, at saka binalikan ang dalaga.
Saktong kakarating lang nina Shiela, at Rovic sa opisina nang halikan ni Jeiren sa labi ang dalaga, napabangon si Jyriz, at saka sinalpakan niya ng kamay sa mukha ang binatilyo pakiwari'y nagutla.
"Sa halik mo ako malulunod aba!" hiyaw ni Jyriz.
"Ang hilig mong magdesisyon ng solo," sambit ni Jeiren na nakaluhod sa tapatan ng sofa.
"Nagsalita eh, ikaw din naman na gawin akong taga-patrol ng akademya noh!"
"Mayroon naman ako rason kaya iyon ang desisyon ko,"
"Nagsolo ka pa rin," giit ni Jyriz sa kanya.
"Maigi naman at gising ka na Jyriz," sambit na ni Rovic, at sinarado ang pintuan ng opisina.
"Magandang hapon," yukong-bati ni Shiela sa lahat.
"Sige na magsimula na kayong magreport na dalawa." Utos na ni Jeiren, at tumayo na ikinabalik niya sa kanyang lamesa.
"Nagalit ako saiyo kanina dahil dalawang araw na lang ang itatagal ko," panimula ni Rovic.
Naupo na si Jeiren sa kanyang upuan, at tumingin sa kasamahan, "Dahil hindi mo sinasabi kahit kanino sa amin. Mukha ba kaming manghuhula?"
"Ang mali ko sinabi ko kay Jyriz," dagdag pa ni Rovic.
Tumingin pabalik si Jeiren sa dalaga, "Bakit mo--"
Bago pa makapagtanong si Jeiren lumutang ang isang folder, at sumalpak sa mukha niya.
"Mangkukulam na lalaki?" tanong ng dalaga.
Ibinaba ni Jeiren ang folder, "Huwag mong baguhin ang paksa natin Jyriz!" hiyaw ni Jeiren.
"Ako target niyan kaya hayaan mo akong kumilos," saad ng dalaga.
"Teka muna Jyriz," awat ng binatilyo sa kanya.
Nakapula ang mga mata ni Jyriz, "Mamatay ng alas doce si Shiela Carillo kaya kinuhua ko siya mula sa klase, at tinulungan ko siyang mabuhay hanggang sa matanggap na niya ang marka ni Rovic,"
"Bakit mo inalis ang onyx ha?" tanong ni Jeiren.
"Kung hindi ko aalisin ang onyx malamang hindi siya mabubuhay, at tatagal sa ritwal nilang dalawa!" hiyaw ng dalaga.
"Jyriz, kaya kong gawan ng paraan sina Jack maaaring mareborn sila or reincarnate depende sa mga higher ups na nilalang ng abyss kaso," tigil ni Jeiren, "Ikaw ang hindi ko kayang ibalik kahit na dito ka ipinanganak, hindi ko kayang ibalik ang ikaw mismo."
Napangiti sina Benjie, Markus, at Zyke.
"Takte nilalanggam na naman ako," pabulong na sabi ni Sebastian.
"May pangalawang magiging sweet hindi lang sila," sambit naman ni Gerald habang itinuturo sina Rovic, at Shiela.
"Ma-mali ba ginawa kong tulong?" mahinahong tanong ni Jyriz.
"Hindi, kaso dapat iniisip mo muna ang sarili mo bago ang iba," tugon ni Jeiren.
"Wala ng oras kaya ginawa ko iyon," wika ni Jyriz.
"Sabihin natin na natatakot akong hindi kita nakikita kaya nagdesisyon ako ng solo na ikaw ang magpatrol. Hindi kung saan-saan ka nagteteleport tapos ni-paalam hindi mo magawa." Paliwanag ni Jeiren.
Humakbang ng dalawa patalikod si Jyriz, at saka mayroong sumulpot na kamukha niya ngunit hindi sila pareha ng damit. Ang suot ng kamukha niya'y nakapanjamang puti, t-shirt na puti, at nakatsinelas na puti. Habang siya ngayon ay nakat-shirt na kulay grey, habang nakapanjamang itim.
"Oh, ayan ha?" sambit ng dalaga.
"Teka bakit..." tumingin si Jeiren kay Jyriz.
"Para hindi ka mag-alala kung mawawala ako ngayon,"
"Aba! Kakasabi ko lang Jyriz!" hiyaw na ni Jeiren ngunit biglang nawala na rin ang dalaga.
"Hirap talaga kapag kasing lakas mo rin iyong asawa mo noh?" tanong ni Rovic.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Beyond The Abyss
Fantasía[OLD] 𝘞𝘪𝘵𝘤𝘩𝘦𝘴 𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘋𝘦𝘷𝘪𝘭'𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵. Under the Taal Volcano, the tunnel leading to a famous academy is accessible by invitation only. When Jyriz is transferred to a section feared by the students, she meets the man she never...