ABYSS 4

138 77 3
                                    

jyriz's pov

Lahat sila nagutla at nakatingin silang lahat sa akin na hindi nila aakalain naririto ako sa kanilang kuwarto. Ang mga mangkukulam ay mayroong limitadong mahika o kakayanan na kayang manipulahin. Ngunit nang nalaman ko sa aking Lola ang mahika ko, at medyo natakot na ako dahilan sa puwede akong gamitin ng kung sinu-sino. Naalala ko noong bata pa ako...

Inay, kailan kaya ako magkakaruon ng minamahal katulad ng Ate?

Oo naman! Mas nauna ka nga kaysa sa Ate mo eh!

Eh? Talaga sino? Si Lynel ba?

Nakaka-awa ang kanyang nakaraan dahil eksperimento siya, pero dahil sa hindi ina-asahang pagkakataon pagtatagpuin kayo ng tadhana.

Mahaba ang buhok niya, medyo payat pero matangkad sa ganda niya marami laging nanliligaw sa kanya.

Nakita ng Lola Amada mo na siya ang mag-aalaga, at magmamahal saiyo dahil isa kang mangkukulam anak.

Sayang akala ko si Lynel...

Huwag ka ngang malungkot diyan, at mas guwapo ang nakatadhana saiyo.

Mabait ang gusto ko Inay.

Mabait din siya anak, magkikita kayo kapag pumasok ka sa akademyang iyon.

Demonyo rin ba ang magmamahal sa akin?

Oo, iyon ang sabi ng Lola mo sa akin...bago siya maging kapiling ng Inang Reyna.

Kakamiss ang Lola...

Ayon sa Lola ko...may dugong demonyo ang nakatadhana sa akin. At wala akong nararamdaman mula sa mga kaklase ko.


"Kanina ka pa bang nariyan ha, Jyriz?" tanong sa akin ni Zyke.

"Hindi ako magiging sagabal sa plano ninyo," saad ko.


Pero bakit kanina pa akong kinukutuban?


"Hindi ka namin kailangan dito, kaya umalis ka na." Utos sa akin ni Jeiren. Sungit talaga.

"Kakainin ka rin namin, at nakikisali ka pa," i-iiling-iling na sabi ni Zyke sa akin.

"Oh? Kaya ninyong kainin ang taong kagaya ko?" tanong ko.


Hindi pa. Hindi ko pa sasabihin...kailangan kong masigurado ang kutob ko ngayon...


"Malamang! Zombie nga kami noon eh!" hiyaw ni Sebastian sa akin.

"Alis na, bago pa kita mismong patayin ngayon na." Banta sa akin pa ni Jeiren.


Seryoso plano nila.


"At kapag nag-usap ka sa kanila papatayin kita." Banta pa niya.

"Ikaw? Patayin ako? Zombie ka lang naman ah!" duro ko kay Jeiren.

"Bampira ako babae, at kung ayaw mong-"

"Ikaw? Bampira? Hindi halata," singit ko agad.

Nakita kong kinapitan na si Jeiren nina Jerome at Sebastian sa balikat, "Kapag hindi ako nakapagpigil, talagang papatayin kita!" hiyaw na niya sa akin.

Beyond The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon