ABYSS 8

95 55 1
                                    

ᴛɪɴɪɴɢɴᴀɴ ni Jeiren ang dalaga at halata itong tulala. Buhay pa ang lima ngunit halatang nahihirapan sila, dahilan binabalutan sila ng itim sa buong katawan. Unang bumangon na si Jack ngunit hindi na siya ang Jack na kilala nila, agad itong nanakbo patungo sa kanila habang nakabuka ang bibig niyang nabanat sa laki.

"Paano na ito Jei?" tanong na ni Benjie habang kapit-kapit pa ang parehang balikat ng kasamahan.

"Ang natanggap nila'y pabalik karakteristik bago pa sila mapahinahon," tatangu-tangong saad ni Jeiren.

"Ano'ng plano na?" tanong naman ni Markus.

"Ka-kahit...patayin ninyo iyan gagamitin lang sila," saad ni Jyriz na mayroon siyang kinuha mula sa bag na isang supot na kulay puti at saka dumukot na isinaboy niya kay Jack.

"ᚱᛖᛏᚢᚱᚾ ᚨᚾᛞ ᛒᛖ ᚷᛟᚾᛖ!" (return and be gone!) hiyaw ni Jyriz.

Humiyaw si Jack sa sakit na nanakbo na rin patungo sa kanila sina Nicolas. Nakidukot na sina Jeiren at natigil sila sa nakahanay na asing nakasaboy sa lapag. Binulungan muna ito ng dalaga at saka tumayo, ang libro na hiniram nila sa silid-aklatan ay lumipad patungo kay Jeiren.

ᛈᚨᚱᚨᛏᛁᚾᚷ ᚾᚨ ᛋᛁᚤᚨ ᛒᚨᛒᚨᛖ! (parating na siya babae!)

"Alam ko," wika ni Jyriz.

Kinapitan muna ni Markus ang kamay ni Jerome na pinipilit pang makahinga, "Jerome, aalis na kami," paalam ni Markus na ngumiti muna siya sa kaklase.

Pinatungan ni Markus ng asin ang katawan ng kaklase na tumango lang si Jerome at ngumiti, kahit pinipilit niyang mukhang hindi masaktan. Tinakpan ni Jeiren ang mga mata ni Jyriz at saka niya ginamitan ng mahika si Jerome para mamatay na.

"Bakit mo pa tinakpan ang mga mata ko? Eh, sanay na ako,"

"Sanay, lokohin mo lolo mo hindi ako. Na-shock ka pa nang nakita mo silang nakahandusay sa lapag," turo pa ni Jeiren sa mga kasamahan.

Matapos palibutan ng asin gamit ang mahika ni Jyriz at saka pinagsasaksak ni Jeiren ang mga dating mga kaklase, gamit ng isang sandatang yari lamang sa onyx. Nagbukas ng lagusan si Jyriz na kung saan kinapitan na niya rin ang kamay nina Zyke, Sebastian, at Rovic na pina-una na niya. Sumunod sina Markus, Gerald, at Benjie na tumalon mula sa lagusan na ginawa ni Jyriz. Sa huling tumalon na si Jeiren at saka lang nagsarado ang lagusan na ginawa ng dalaga.

Binitawan na ng dalaga ang parehang kamay ng mga kaklase, naupo siya sa tabi ng kanilang sofa na lumugmok muna habang binabalikan ang mga pangyayari. Lumipad ang libro kay Jeiren, at lumiwanag muli ang pahina...

Hrl nhsr ni fbmanjv rlgilbz... (The witch is blaming herself...)

Nag-upuan muna ang mga kasamahan sa sofa habang si Benjie ikinandado na muna ang kanilang pintuan. Tinabihan ni Jeiren ang dalaga, pareha silang tahimik.

"Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo, minsan kailangan mangyari iyon for greater good." Paliwanag ni Jeiren.

Wala siyang makitang responde sa dalaga, kaya't napatingin na lamang siya sa libro na wala pa itong sinasabi.

"So, ano'ng balak mo na Ren?" tanong ni Zyke sa kanya.

"Magpalipas muna tayo ng isang araw bago tayo bumalik doon," tugon ni Jeiren.

"Paano si Jyriz?" tanong naman ni Markus.

Tumingin muna si Jeiren sa dalaga at saka bumalik tingin sa mga kasamahan, katapatan nila sina Markus kaya kita niya ang katotohanan sa mga reaksyon nila.

"Mangkukulam naman siya kaya puwede siya roon," saad ni Jeiren.

Lynel! Dito bilis!

"Eh? Ano ito?" kunot-noo na tanong ni Gerald.

Beyond The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon