ABYSS 11

82 45 0
                                        

ᴋɪɴᴀʀɢᴀ na ni Jeiren ang dalagang nakatulog, kahit tulog na si Jyriz ay maliwanag pa rin ang kalangitan habang ang mga hayop na pangdagat ay nasa itaas, at hindi nahuhulog.


"Makulit ang isang ito aba!" maktol ni Jeiren.

Tinapik ni Gerald ang kaliwang balikat ng kaklase, "Bayaan mo na, atleast nag-enjoy naman siya 'dba? At iyon ang mahalaga eh, masaya siya?"

"At kanino siya kukuha ng enerhiya?" inis na tanong ni Jeiren.

"Tinatanong pa ba naman iyan?" tanong pabalik ni Benjie, "Malamang saiyo! Ikaw ang demonyo sa ating lahat noh!"

"At isa pa ikaw ang gusto niyang magmarka sa kanya," singit pa ni Rovic.


Nakarating sila mismo sa kanilang dormitoryo na mayroong apat na palapag, hindi pa kasama ang tore na umaabot hanggang walong papag. Yari sa bato ang kanilang dormitoryo at pinalilibutan ng kagubatan. Marami sila Jeiren noon bago pa maging labing dalawa sila dahil, pati pamilya nila'y doon nakatira dahilan sa batas ng Abysmal Academy. Ayon sa akademya kapag daw kasama ang pamilya'y lalong nalakas ang mga estudyante.


"Maligayang pagbabalik Ginoong Crowen," bati ng isang matandang lalaki nakasuot ito ng tuxedong itim.

"Anak!" hiyaw ng ina ni Sebastian at niyakap siya agad.

"Aba, Crowen maigi at nakabalik kayo. Bakit bitbit mo nanay mo?" tanong ng ama ni Sebastian.

"Dad mukha kang tanga! Mas bata pa nga sa sangol iyan, makananay ka riyan!" hiyaw ni Sebastian sa ama.

"Ah! Pasensya na akala ko kasi..." sambit ng ama.

Sumingit ang ina ni Sebastian at nakangiti, "Hindi magaling magbiro ang asawa ko Crowen kaya pagpasensiyahan mo na," saad nito pero hindi na pinansin pa ni Jeiren, at saka pumasok na sa loob.


Nasa itaas ang kuwarto ni Jeiren at doon niya inihiga ang dalaga. Habang sina Rovic ay binisita ang kani-kanilang mga magulang at wala sa palapag ni Jeiren. Kumuha muna si Jeiren ng kumot na kulay puti at saka ipinatong sa dalaga.

Napakunot ang noo ng binatilyo nang dumilat ang mga mata ng dalaga pero kulay puti ito, mga mukha ni Jyriz ay kumukulubot at tumatanda. Pinapanuod lang ni Jeiren ang katawan ni Jyriz hanggang sa bumangon ang matandang Jyriz at umiiling, ibinuka na nito ang kanyang labi nang pitikin ni Jeiren ito sa tagilirang bahagi pero hindi lumanit; tumalsik ang matandang Jyriz sa pader na ikinayanig ng pader ng kuwarto.


"Ikaw!" hiyaw ng matandang Jyriz.

"Ikaw siguro ang anino niya?" tanong nito sa kanya.

Ngumisi ang matanda, "At ano ikaw na ba ang mamarka? Nagpapatawa ka ba?"


Ibinilot ni Jeiren ang kanyang kaliwang kamao na ikinasakal ng buong katawan nito ngunit walang makikitang nakatali.


"Dahan-dahan sa pagsasalita anino, at nasa abyss tayo baka nakakalimutan mong hindi ako tao." Paalala ni Jeiren sa kanya.


Inalis din ni Jeiren ang pagkakasakal sa buong katawan ng anino ni Jyriz, kumalma rin ito at naupo sa tabi ng dalaga.


"Ini-iwasan ko lang, maulit muli ang kanyang nakaraan...mahirap na," saad ng anino.

"May ngalan ka?" tanong ni Jeiren habang ang mga mata niya'y kulay itim.

Beyond The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon