jyriz's pov
Nagising ako na halos tama na ang araw sa mga mata ko. Ganito ang pasok ng mga kaklase ko kailangan pa talagang pumasok pa ang araw sa loob ng kuwarto bago bumangon. Pagtingin ko sa katabi ko'y nakatingin na siya sa akin...
"Likot mong matulog," saad niya.
Nai-alis ko ang kanang kaliwang kamay ko na nasa dibdib niya, teka, bakit half naked siya? Eh, noong natulog kami naka-t-shirt siya ah?
"Bakit hubad ka?" tanong ko.
"Gusto mo pa ba malaman kung bakit ako hubad ha?"
"Bakit nga ba?"
"May lumabas na likido mula sa bibig mo at ang sabi ni Benjie panis na laway daw ang tawag na naririnig niya sa mga normal na tao." Paliwanag niya.
"Waaaa!" agad akong bumangon, "Patawad!"
"Magagawa ko at saka mas gusto mo yatang hubad ako," wika niya.
"Eh? Hindi ah! Tungaw ka malamig kapag madaling araw kaya mas maigi kapag mayroon kang suot na damit," agad kong inalis ang kumot sa kalahating katawan ko.
"Hindi tayo papasok ngayon," saad niya muli.
Pagtingin ko sa kanyang gawi naka-alalay ang kanyang kamay sa kanyang ulo, habang ang siko niya ay nakatuon sa kama.
"At bakit?" tanong ko.
"Ililipat na raw tayo sa A.A. at nasabihan ko na rin sina Jack sa kabila," tugon niya.
"Ano iyong A.A?" bago lang sa pandinig ko.
"Abysmal Academy. Natagpuan ang prinsipal kaninang alas quatro ng umaga na brutal na pinatay, pero walang mahika ang ginamit kaya iimbestigahan pa ng mga tao ang paaralan. Alanganing mag-imbestiga sila na nagkaklase tayo kaya, ibabalik muna lahat ng seksyon na kakayanin ang awra ng akademya roon." Paliwanag niya.
"Paano iyong mga normal na estudyante? Hindi sila makakasama ganoon ba iyon?" tanong ko kahit na alam ko ang sagot.
"Ang normal kapag pumunta sa akademya wala pang lalim eh, patay na. Ang pressure na lagusan patungo roon eh, depende sa mahika kaya, kapag mahina ang mahika ng isang estudyante, paniguradong papunta pa lamang siya eh, hindi na siya makakahinga." Paliwanag ni Jeiren.
Tinapik niya ang kama, "Halika na at matulog ka pa." Utos niya sa akin.
Hindi na ako tumangi pa at nahiga mismo sa kaliwang braso niyang inihahain, nang nailapat ko ang ulo ko roon eh, tumalikod ako sa kanya.
"Pakyut ka pa eh," saad niya.
"Gago! Sikmuraan kita riyan." Banta ko sa kanya.
Naramdaman kong inilapit niya ang kanyang mukha dahilan sa nararamdaman ko ang init ng kanyang hininga mula sa aking batok. Medyo kinukutuban akong hindi ito nagkakatotoo...
"Kapag naging pito na lang sila at saka ko kayo papatayin lahat. Tutal mas mahirap alisan ng pokus ang demonyo, at ikaw Jyriz ang kahinaan niya. Gagamitin lang kita tiyak kong manghihina siya."
"Ano?" pagharap ko kay Jeiren itim ang kanyang mga mata habang nakangisi, "Demonyo ka tanga," dagdag ko pa.
"Ako? Gusto ko rin maging demonyo kaso...isa lamang akong nag-ebolb na halimaw,"
Hinarap ko siya, at talagang ang lakas ng awra niya maliban na lang sa isang napansin ko...wala ang kanyang nunal sa ilalim ng kanang mata. Ang marka ng kanyang kaguwapuhan wala roon. Teka, nananaginip ba ako?
"Guwapong-guwapo ka sa akin ah, makatitig ka parang lulusawin mo ako ha," ngiting saad niya.
"Ano'ng ngalan ko?" tanong ko sa kanya.
"Ha?"
"Anong ha? Gago ka! Ano'ng ngalan ko!" hiyaw ko.
Nakatitig lang siya sa akin. At hindi ko sasabihin ang ngalan ni Crowen baka shapeshifterang isang ito na mayroong iba pang kakayanan. Bampira siguro? Pero kung bampira siya dapat mayroon siyang telephathy 'dba?
"Ano?" tanong ko at saka ako bumangon.
"Mahalaga pa ba iyon? Kung ngayon pa lang matitik--"
Aaaaah!!!
"Riz!" dinig kong boses niya iyon.
At siya lang naman ang tumatawag ng ga-ganoon...Hindi ko mapigilan...galit...ayako papatayin niya ba sila?
Dapat gumawa ako ng paraan 'dba? Kahit...wa-walang...ka-kapalit...
"Jyriz! Pinalalamig mo ang paligid, ano ba?" hiyaw pa niya.
Wala akong ginagawa, pero na saan siya? Bakit naririnig ko lang siya?
Ayako siyang tawagin...
"Riz! Hoy!"
"Teka, may sinasabi iyong libro!"
"Ano iyan gumulong?"
"Tanga ka Benjie, hindi ba parisukat iyang libro, at hindi bilog? Katangan mo eh!"
"Ano? Riz! Lumapit ka sa akin, at mayroong harang sa pagitan mo!" hiyaw pa niya.
"May lumabas muli sa libro!"
Naririnig ko sila pero tanging kay Jeiren lang ang naririnig kong malinaw...
"Lumabas muna kayo, at dalhin ninyo ang libro. Ako na rito. Kung ano man ang mangyari hayaan ninyo kami." Utos niya.
Jeiren...Ano bang nangyayari kasi?
"Teka, sigurado ka?"
"Oo, dali na!" hiyaw pa niya.
Ang nakikita ko'y tanging itim lang kaya hindi ko maintindihan na parang nagpapanik silang lahat...
"Riz, papalapit ako saiyo."
Bakit kailangan pa niyang magpaalam? Tungaw niya eh, eh?
"Riz, mukha ka ngang mangkukulam na... pula ang buhok mo pati mga mata mo," saad niya.
Nakaramdam na lang ako ng mainit na haplos sa aking kaliwang pisngi.
"Medyo nakakatuwa lang kasi, mas maganda ka kung pula ang buhok mo kaso, hindi puwedeng malaman ng iba na mangkukulam ka. Baka makidnap ka mula sa amin." Paliwanag niya, nang nakaramdam na rin ako ng init sa buong katawan ko.
Hindi ko alam ang nangyayari pero...niyakap niya ba ako?
"Alam mo bang sinabi ng libro ang kahinaan mo sa akin? Oo, alam ko kaya huwag kang magalit sa libro, dahil kung hindi niya sinabi tiyak na wala na tayong tutulugan pagbalik natin mula sa klase," dagdag pa niya.
"Hindi ko alam kung bakit ka biglang nagwala pero kailangan mo ng magising, tanghali ka na Miss Sleeping Beauty." Utos niya.
Ipinikit ko ang mga mata ko, kahit na tanging madilim lang ang nakikita ko, at saka ko iminulat ang mga mata ko doon napatingin na ako kay Jeiren...he was smiling at me.
Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ・ᴀɪxɢʜ・ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ
BINABASA MO ANG
Beyond The Abyss
Fantasy[OLD] 𝘞𝘪𝘵𝘤𝘩𝘦𝘴 𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘋𝘦𝘷𝘪𝘭'𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵. Under the Taal Volcano, the tunnel leading to a famous academy is accessible by invitation only. When Jyriz is transferred to a section feared by the students, she meets the man she never...