ABYSS 12

82 50 1
                                        

ɴᴀɢɪsɪɴɢ si Jyriz na ikinabalikwas niya dahilan sa hindi siya pamilyar na lugar.

"Teka, na saan ako?" tanong ng dalaga.

Lumabas si Jyriz ng kuwarto at halos wala siyang marinig na ingay maliban sa pagbukas ng pintuan at katapatan niya. Basang-basa ang buhok ni Jeiren, nakatapis ang ibabang bahagi ng kanyang katawan, at napatingin sa kanya.

"Akala ko, wala kang balak magising," sambit ni Jeiren, at pumasok sa kuwartong pinanggalingan niya.

"Na saan sila?" tanong ni Jyriz na ikinatigil niya dahilan, at nahulog na lang ang tapis ni Jeiren.

Tinakpan ni Jyriz ang kanyang mga mata, at hindi umaalis sa kanyang kinatatayuan.

"Nasa baba, at ang palapag na ito'y para lang sa pamilya ko kaya naririto ako, habang ang pamilya nila nasa ibaba kaya naroroon sila." Paliwanag ni Jeiren.

"Paano kung walang pamilya?" tanong ni Jyriz.

Lumingon si Jeiren sa dalaga, at napangiti dahilan sa takip-takip nito ang kanyang mga mata. Lumapit siya rito, at bumulong na...

"Minarkahan na kita kaya kabilang ka sa pamilya ko," wika ni Jeiren, at bumalik sa kabinet at saka isinuot ang panjamang yari sa bulak na kulay itim.

"Tapos ka na ba?" tanong ni Jyriz.

"Oo, kahit hindi," tugon ni Jeiren na isinunod isuot ang kanyang mahabang manggasan na pangamay at kulay balat.

"Naman ihh!" maktol ng dalaga.

Ina-antay ka na lang namin Ren dito – Zyke

Baka walang pagkain ang mangkukulam – Jeiren

"Oi! Ano ba?" iritang tanong ni Jyriz, at inalis na ang takip sa kanyang mga mata.

Hinarap na ni Jeiren si Jyriz, "Makikisabay na tayo sa kanilang kumain kaya tahimik ka muna, at ako ang sasagot ng katanungan nila. Huwag kang matigas ang ulo Jyriz." Suway na agad ni Jeiren, at ikinatango na lang ng dalaga sa kanya.

Kinapitan na ni Jeiren ang kamay ng dalaga, at mula sa kanilang ilalim ang namuong lagusan. Lumagpak mismo sila sa kusina sa unang palapag, naroroon si Zyke na mayroong bitbit na pinggang malalaki.

"Hoy magandang hapon!" ngiting bati ni Zyke kay Jyriz.

Niyakap na ni Jyriz ang buong braso ni Jeiren nang napatingin siya sa magkakapatid nina Benjie, Gerald, at Markus.

"Hindi ka kakainin ng mga iyan, ano ka ba?"

"Dami," sambit na lang ng dalaga.

Napatingin sina Markus, at ngumiti kina Jeiren.

"Ang sweet ah!" sambit ni Markus.

"Walanjo, hanggang dito may langgam?" tanong ni Gerald.

"Ah! Iyan pala ang asawa mo!" ngiting sabi ng ama ni Sebastian, at binatukan ng ina ni Sebastian ang asawa.

"Honey!" hiyaw ng ina ni Sebastian.

"Patawad nawalan ng parte ng utak si Papa kaya wala na siyang common sense." Paliwanag ni Sebastian.

Hinigit ni Jyriz ang tainga ni Jeiren, at bumulong na, "Sila-sila iyong mga nakatira sa Mushroom Village, malapit sa mga pixies," saad ng dalaga na ikinatingin sa kanya ni Jeiren.

"Ha?" tumango lang si Jyriz sa kanyang reaksyon.

"Nagpaluto ako ng scrambled eggs since hindi ka naman zombie," ngiting sabi ng ina ni Sebastian.

"Ayaw maniwala ng nanay ko na bampira ka," sambit ni Sebastian.

"Mayroon ka bang nais kainin ha, Jyriz?" tanong ni Jeiren.

Beyond The AbyssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon