jyriz's pov
Bumagsak kami sa isang kuwarto na kung saan may nagkaklase, hindi pa ako binibitawan ni Jeiren pero mas maigi. Nakita ko siya...si Lynel.
"Aba hindi ko aakalain na babagsak sa langit ang kababata ko ah!" malakas na hiyaw niyang sabi.
"Ah, ikaw pala iyong traydor," tumingin muna si Jeiren sa likuran namin dahil mismong sa gitna kami bumagsak.
Kakatayo lang nina Rovic at Gerald.
"As if alam mo naman lahat--"
"Oo naman. Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit nawala ang kanyang ngiti," tugon niya.
Ano pa ba ang alam nitong si Sungit? Gago talaga itong libro, kung anu-ano ang pinapakita eh!
Nagtawa si Lynel. Hindi ko na siya kilala. Nawala na ang dating Lynel na kilala ko...
"Nakakatawa feeling demonyo?" tanong naman ni Sebastian.
"Demonyong puro ako ha!"
"Puro...ah, baka nga, pero purong mahina ka." Pang-aasar ni Zyke.
Nangyayari sa mga ito?
"Maligayang pagbabalik muli Archdevil Jeiren," ngiting bati ng gurong lalaki.
"Maigi at naririto pa kayo Sir Fujiro," yuko ni Jeiren sa kanya.
Ngumiti ang guro na mayroong kulay berde ang maiksing buhok, "Hindi ka pa rin nagbabago Mr. Crowen,"
"Crowen?" nagutlang tanong ng babae sa katabi niya.
"Ka-anu-ano niya ang prinsipal?" tanong pa ng katabi.
"Gawin mo na ang gusto mo sa kanya," bulong ni Jeiren na ikinatingin ko sa kanya.
Itim ang mga mata na ni Jeiren habang ang kamay niya ay nakabilot pakamao. Nang tumingin ako kay Lynel halatang nababalutan ang katawan niya ng tali. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at lumapit na sa kanya. Mula sa aking kanang kamay ang pinaka-ayaw niyang palaka na kulay dilaw, maliit pa ang palaka dahil nasa gitna lang ito ng palad ko. Sapilitang bumuka ang kanyang bibig na kung saan tumingin ako kay Jeiren, na siyang gumagawa ng mga ikinikilos ni Lynel.
Oo, ipinasok ko ang palakang iyon sa kanya. Wala man akong awa sa tingin ng iba pero walang kapatawaran ang kanyang ginawa. Nagpanggap siyang mabait para lang makuha ang tiwala ko, sabay niyang itataboy ako na parang hindi na niya ako kilala, habang mag-iinarte siya na siya ang biktima sa ibang tao pagmukhain lang akong masama at may kasalanan ng lahat. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong demonyo...mas masahol pa sa demonyo.
"Astig ng buhok ah, berde!" hiyaw ni Benjie na ikinatingin ko sa gawi nila.
Sila lang iyong mga nilalang na puwede kong sandalan kahit sandali...
Bumalik na ako sa gawi nila't umalis na rin kami roon. Nagpaalam si Jeiren sa guro na ibinalik ko ang kisame na nasira namin.
"Mauubos ang enerhiya mo Riz," saad ni Jeiren sa akin.
BINABASA MO ANG
Beyond The Abyss
Fantasi[OLD] 𝘞𝘪𝘵𝘤𝘩𝘦𝘴 𝘢𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘋𝘦𝘷𝘪𝘭'𝘴 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵. Under the Taal Volcano, the tunnel leading to a famous academy is accessible by invitation only. When Jyriz is transferred to a section feared by the students, she meets the man she never...